"Bakit dito Folcurt?" Ngumiti ang aking boyfriend at hinawakan ang aking dalawang kamay at masayang tumitig sa aking mukha. "Dahil gusto kong malaman mo, na balang araw, after we graduated, hihintayin ka namin sa altar..." Parang lahat ng problema ko at isipin ay nawalang parang bula. Ang tanging pumalit lang sa aking ulo at puso ay ang sinabi ni Folcurt. Bago pa ako makaimik ay napakamot ito sa ulo, "Baka sabihin mo nagmamadali kami ng kapatid ko, pero parte ka na ng buhay naming dalawa. Hindi na mawawala iyon kahit ano mangyari. Kaya dinala kita dito sa simbahan para ipangako sa iyo, sa harap ng Diyos na magka-gyera man, sa aming dalawa parin ang bagsak mo sa huli," sabi nito habang namumula ang mga pisngi. Napatawa naman ako ng mahina at pinahid ang luhang pumatak mula sa aking mga

