Ivelle Ruiz's Point Of View Pagkatapos naming kumain, biglang nag-request si Rael sa akin at sa daddy niya ng isang bagay na hindi ko inaasahang maririnig. Gusto niyang magkatabi kaming matulog. Para sa akin, hindi pa ako handa sa ganoong sitwasyon—may halong kaba at pag-aalinlangan ang nararamdaman ko. Ngunit nang makita ko ang kislap ng kasabikan sa kanyang mga mata, napaisip ako. Para kay Rael, handa akong gawin ang kahit ano, basta't makitang masaya siya. Kahit may pag-aalinlangan, tumingin ako kay Rael at sa daddy niya. Napansin kong nakangiti lang ito, tila hinihintay ang magiging sagot ko. Huminga ako nang malalim at ngumiti. "Sige, Rael," sagot ko sa kanya. Agad siyang napatalon sa tuwa at niyakap ako nang mahigpit. Habang pinagmamasdan ko siyang masaya, unti-unting nabawasan a

