Ivelle Ruiz's Point Of View Maghapon nang magkasama sina Azrael at Rael. Pinayagan ko silang mag-bonding upang mas makilala nila ang isa’t isa. Alam kong importante ito, lalo na para kay Rael na ngayon lang nagkaroon ng pagkakataong makasama ang ama niya. Habang umiinom ako ng tubig, biglang nagsalita si Letheia, dahilan para mapahinto ako. "Kamusta ang puso mo, Ivelle? Wala ka na talagang nararamdaman para kay Azrael?" Napakurap ako. Hindi ko inasahan ang tanong na iyon. "Hindi ko alam, Letheia. May parte sa akin na ayaw ko na sa kanya, pero may parte rin na parang gusto ko siyang bigyan ng isa pang pagkakataon," matapat kong sagot. "So, ibig sabihin may chance pa si Azrael kung magpupursige siyang makuha ka ulit?" panigurado niyang tanong, sabay tingin sa akin na para bang iniisip

