Ivelle Ruiz's Point Of View Narinig ko ang yabag ng papalapit sa kusina habang si Azrael ay abala sa pagluluto. Napatingin ako sa pintuan at doon ko nakita si Daddy, dahan-dahang inaakay ng kanyang nurse. Napatingin siya sa amin at ngumiti, ngunit nang mapadako ang tingin niya kay Azrael, biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha—mula sa pagiging maamo, naging matalim at seryoso. Para bang may bumabagabag sa kanya o may hindi siya nagugustuhan. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Napansin kong tila napalunok si Azrael bago mabilis na iniwas ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa presensya ni Daddy o sa kung anong iniisip niya. Biglang naputol ang katahimikan nang masiglang magsalita si Rael. “Lolo, come here! Andito po si Daddy!” Excited niyang anyay

