Elliott 6

1129 Words
Chapter 6 ________ Naiinis si Ashley dahil agaw eksena ngayon si Elliott. Imbes na pag-usapan ngayong gabi ang magaganap na annual party ng Gutierrez Company ay para bang na centro ang usapan kay Elliott. Alam ng sexy dilag na si Ashley na hindi lang siya ang nagulat at nagtataka kung bakit magkasamang dumating sila Elliott at ang guwapo at makisig na anak ni Mr. Armie Gutierrez na si Clinton Gutierrez. Akala ni Ashley ay si Mr. Armie na ang pinakaguwapo at yummy na lalaki ngayong gabi. Iyon pala pati pa pala ang anak nitong si Clinton ay sobrang kisig at guwapo nito. Hindi alam ng sexy dilag na darating din pala ang anak ni Mr. Gutierrez na si Clinton. Nakakapang-laway o mas magandang sabihin ay nakaka-wet ng p***y cat niya si Clinton Gutierrez. Parang nanalo si Ashley ng lotto dahil nakasama siya ngayong gabi. Akala kasi niya ay sila Rica, Glenda at Elliott lang ang isasama ni Mr. Ricaforte sa dinner ngayong gabi. Kahit na last minute na lang siyang kinausap ni Mr. Ricaforte kanina ay wala siyang pagdadalawang isip na pumayag sa alok nito na sumama ngayong gabi. Natatawa na lang si Ashley kanina dahil nagulat niya sila Rica at Glenda dahil kasama siya ngayong gabi. Nagpapasalamat na lang talaga siya dahil marami siyang mga bagong dress na hindi pa niya nasusuot. Alam naman ni Ashley na maganda siya pero lalo niya pinaganda ang kanyang sarili ngayong gabi dahil na rin makikita na niya ulit si Mr. Armie Gutierrez na daddy material. Sinabi nga ng sexy dalaga sa kanyang sarili na pangarap niyang makatalik si Mr. Armie Gutierrez. Sino ba naman ang hindi papangarapin na hindi makatalik ang isang katulad ni Mr. Gutierrez? Bukod sa guwapo at matipuno ang katawan nito ay sobrang lakas at umaapaw ang s*x appeal nito. Talaga naman daddy material ito. Sa pagkakaalam niya ay 45 years old na ito pero para lang ito nasa mid's 30. Aminado naman si Ashley na marami na siyang nakatalik pero isa talaga sa pinapangarap niyang makatalik ay si Mr. Armie Gutierrez. Sabi nga niya sa kanyang sarili na okay lang sa kanyang maging kabit ni Mr. Gutierrez. Bukod sa mayaman ito ay guwapo at makisig pa ito. At sinisigurado niya na sobrang malaki ang alaga nito dahil noong una niya itong nakita ay bakat na bakat ang harapan nito. Kanina ay hindi napigilan ni Ashley na mapatingin sa harapan ni Mr. Gutierrez at 'di naman siya nadismaya dahil sa suot nitong black slack pants ay bakat na bakat ang alaga nito. Hindi maiwasan ng sexy dilag na si Ashley na uminit ang pakiramdam niya. Hindi rin niya maiwasan na ma-imagine na hinahalikan niya ang labi ni Mr. Gutierrez habang ang isang kamay naman niya ay abalang hinihimas ang harapan nito. "Jusko Ashley, kung maka-epal ka naman dyan kala mo talaga invited ka rito. Paalala lang sabit ka lang dito," taas kilay na sabi ni Rica. Pabulong lang na sinabi ni Rica iyon kay Ashley. Ayaw naman niyang iparinig kina Mr. Ricaforte at pamilyang Gutierrez ang sinabi niya kay Ashley. Kung puwede lang sabihin niya iyon ng malakas ay ginawa na niya. Napakunot noo na lang si Rica ng marinig niya ang sinabi ng kanyang katabing babaeng ahas na si Ashley. Bigla na bigla na lang kasi itong suminggit sa usapan nila Mr. Ricaforte. Hindi naman siya pinansin ni Ashley at nagpatuloy lang ito sa makikipagsawsaw sa usapan nila Mr. Gutierrez at Mr. Ricaforte. "Rica, hayaan mo na lang siya," inis na sabi ni Glenda. Napatingin si Glenda sa kanyany harapan kung saan binati siya ng magandang gabi ni Elliott. Agad naman din siyang tumugon sa pagbati nito at isang matamis na ngiti ang ibinigay niya. Sa totoo lang ay isa si Glenda sa nagulat at nagtataka kung bakit kasama ng guwapong binatang si Elliott ang nag-iisang anak ni Mr. Armie Gutierrez at Valeria Martinez Gutierrez? Sa pakikinig ni Glenda kanina sa usapan nila Mam Valeria at Mr. Ricaforte. Nalaman niyang matagal na pala magkakilala sila Elliott at ang pamilyang Gutierrez. Wala naman sinasabi sa kanila ang guwapong binatang si Elliott tungkol sa pamilyang Gutierrez. Kaya naman nagulat talaga si Glenda na kakilala pala ni Elliott ang mga Gutierrez. "Masaya ako na isa ka Elliott, sa kasama ni Mr. Ricaforte, sa pagpunta sa amin annual thanks giving party," ngiting sabi ni Valeria. Hindi maintindihan ni Valeria kung bakit sobrang aliw na aliw siya kay Elliott. Gustong-gusto niyang pagmasdan ang maamo at guwapong mukha nito. Kung tatanungin si Valeria kung magkakaanak siyang muli ay gusto niya ay kamukha ni Elliott ang magiging anak niya. Lihim na lang kinilig si Valeria sa kanyang naisip at naisip niyang kakausapin niya mamaya pag-uwi ang kanyang asawa na si Armie. Lolokohin niya ito na gusto niyang magkaanak muli at mabigyan ng kapatid si Clinton. Pero alam naman niyang 'di na puwedeng mangyari iyon. Sobrang natutuwa rin Valeria na kasama si Elliott sa isasama ni Mr. Ricaforte sa company party nila. Muli na naman niya makikita ito sa party at excited na siya kung ano ang isusuot nito. Tinanong ni Valeria kung ano ang balak nitong isuot dahil nagkusa talaga siyang sabihin sa guwapong binatang si Elliott na tutulungan niya itong humanap ng maisusuot nito sa party. "Gusto ko po magpasalamat kay Mr. Ricaforte, na boss ko po na isa ako sa mapalad na napili niya po na makasama sa party na iyon," ngiting sabi ni Elliott. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ng guwapong binatang si Elliott kay Mr. Orion Ricaforte na nakangiti rin nakatingin sa kanya. Dagdag pa ni Elliott na wala pa siyang naiisip na isusuot sa party. At nakangiting napatingin siya kina Ms. Rica at Ms. Glenda. Sinabi na lang niya na sabay-sabay na lang silang tatlo na maghanap ng maisusuot nito. Nagpapasalamat naman ang guwapong binatang si Elliott sa sinabi ni Mam Valeria sa kanya. Sa totoo lang ay nahihiya siya ngayon dahil tama naman ang sinabi ni Ms. Ashley kanina na nasentro sa kanya ang usapan imbes ang pag-usapan nila ay ang annual party ng mga Gutierrez. "Alam ko naman na bago lang si Elliott, sa kumpanya ko pero sa una ko pa lang tingin sa kanya ay ramdam kong masipag na binata ito. At 'di naman ang nabigo dahil ayun na rin kay Glenda, masipag si Elliott, sa trabaho." sabi ni Orion. Sinabi pa ni Orion na siya na ang bahala sa isusuot nila Elliott. Dahil meron na siyang nakausap fashion designer para sa isusuot nila Elliott. Hindi talaga makapaniwala si Orion na magkakilala na pala sila Elliott at ang pamilyang Gutierrez. Napatanong siya sa kanyang sarili kung bakit nagtrabaho ito sa kanyang kumpanya at hindi ito nagtrabaho sa Gutierrez Company? Gusto ni Orion na makausap ng masinsinan si Elliott tungkol sa connection nito sa mga Gutierrez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD