Chapter 7
_________
"Orion, baka puwede mo na ipaubaya sa akin ang isusuot ni Elliott, please?" pakiusap na sabi ni Valeria.
Gustong-gusto ni Valeria na siya ang pipili ng isusuot ng guwapong binatang si Elliott. Ngayon nga ay meron na siyang naisip na kulay na isusuot ni Elliott.
Naisip din ni Valeria na kung babae lang si Elliott ay siguradong magiging excited siyang ayusin ito.
"Valetia, bakit 'di mo na lang itanong kay Elliott, kung papayag ba siya na ikaw na lang ang pipili ng isusuot niya?" ngiting tanong ni Orion.
Wala naman problema kay Orion kung si Valeria ang pipili ng isusuot ni Elliott sa party. Ang mahalaga sa kanya ay makakasama ang guwapong binatang si Elliott sa party kasama siya.
Sa totoo lang ay natutuwa si Orion dahil nakikita niya na gustong-gusto ni Valeria Gutierrez si Elliott.
"Okay lang po Mam Valeria," pagpayag ni Elliott.
Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa guwapo at maamong mukha ni Elliot. Dagdag pa niya na walang kaso o problema sa kanya kung sino ang pipili sa isusuot niya.
Pabiro pa niyang sinabi na mas magandang may pipili sa isusuot niya dahil wala naman siyang masyadong kaalam-alam sa mga ganyan na party. At sinabi pa niya na iyon ang unang malaking party na pupuntahan niya sa buong buhay niya.
Dagdag pa ng guwapong binatang si Elliott na excited na siya sa annual party na iyon. Lalo na kasama niya sila Ms. Rica at Mr. Glenda. Ngumiting tumingin si Elliott sa kanyang katrabahong sila Ms. Rica.
"Well good! Excited na talaga akong bihisan ka Elliott. Aftet this dinner ay kakausapin ko na ang isa sa mga sikat na designer sa bayan ng Santiago. Siya rin ang gumagawa ngayon ng gown ko at suits nila Armie at Clinton, para company party," masayang sabi ni Valeria.
"Hon masyado ka naman excited sa party," ngising sabi ni Armie.
Sa totoo lang ay excited na rin si Armie sa party dahil makikita niya roon ang guwapong binatang si Elliott. Sisiguraduhin niyang magkakaroon sila ng oras para sa isa't-isa.
"Ofcourse, hon. Alam mo naman na every annual party ay excited ako. Dahil na rin kahit isang gabi ay makalimutan ng mga empleyado natin ang trabaho," ngiting sabi ni Valeria.
Nagpapasalamat lang talaga si Valeria na may annual party ang kumpanya nila para sa mga empleyado nila. Alam naman niyang deserved talaga ng mga bawat empleyado na makapag-enjoy kahit isang gabi lang.
"I know hon. Kaya ikaw lagi ang pinapa-manage ko sa party na yan. At wag mong kalimutan na this year ay tumulong at nagkusa akong magbigay personally ng invitation," pagmamayabang na sabi ni Armie.
Gusto ng makisig na lalaki na si Armie na marinig iyon ni Elliott para naman ma-impress ito sa kanya. Para isipin nito na masipag siyang magtrabaho hindi lang sa kama.
Tuluyan na tumigas ang alaga ni Armie sa loob ng kanyang suot na black slack pants dahil na rin iyon kay Elliott.
Sinabi niya sa kanyang sarili na hahanap siya ng paraan upang kahit papaano ay makausap niya si Elliott ngayong gabi. Miss na miss na niya ito at gusto niyang maulit ang nangyari noon sa kanyang private condo unit kasama ang guwapong binatang si Elliot.
"Elliott, excited na ako makita ka sa party ng company namin," ngiting sabi ni Clinton.
Dagdag pa ni Clinton na siguradong mag-eenjoy ang guwapong binatang si Elliott sa party ng company nila. Ngayon lang talaga siya nagka-interest na pumunta sa company party ng kumpanya nila dahil na rin iyon kay Elliott.
Kung noon ay hindi pumupunta ang makisig na lalaking si Clinton sa annual party ng kumpanya nila dahil na rin mas gusto pa niyang lumabas mag-party kasama ang dalawa niyang kaibigan na sila Kris at Evans.
Sinabihan din ni Clinton si Elliott na kumain na ito. Siya pa ang naglagay ng pagkain sa plato ng guwapong binata. Talaga naman pinagsilbihan niya ito.
Napangisi na lang ang makisig na lalaki na si Clinton ng sabihin sa kanya ng kanyang ina na parang magkapatid silang dalawa ni Elliott.
Sinabi na lang ni Clinton sa kanyang sarili na hindi puwedeng maging magkapatid sila ni Elliott dahil gusto niya ito. Sinisigurado niya sa kanyang sarili na mapapasakanya ang guwapong binatang si Elliott.
"Clinton, masyado mo naman yata bine-baby si Elliott? Tignan mo mukhang naiilang na siya sa'yo," seryosong sabi ni Armie.
Hindi nagugustuhan ni Armie ang ginagawa ng kanyang anak kay Elliott. Kung ang kanyang asawa na si Valeria ay tingin nito sa ginagawa ni Clinton kay Elliott ay parang magkapatid. Ang tingin naman niya ay parang magkasintahan sila Clinton at Elliott.
"Hon, hayaan mo lang sila. Focus ka na lang sa pagkain mo," ngiting sabi ni Valeria.
Ngumiting tumingin si Valeria kina Clinton at Elliott. Sinabihan niya ang dalawa na wag na pansinin si Armie at pagpatuloy lang ng dalawa ang pagkain nito.
Tumingin si Valeria sa bandang likuran niya kung saan meron isang waiter na lalaking nakatayo at tinawag niya ito.
Sinabihan ni Valeria ang waiter na i-serve na nito ang classic dark chocolate cake na inorder niya kanina. Alam kasi niya na paborito iyon ni Elliott.
Hindi maiwasan ng magandang babae na si Valeria na mapangiti kapag naaalala niya ang unang tagpo nila ni Elliott. Dito rin mismo sa kinakainan nila ngayon sila kumain ng guwapong binata. Naalala niya na sobrang nagustuhan ni Elliott ang best seller cake ng Rald's Box Café and Restaurant na classic dark chocolate cake.
Napangiti si Valeria ng makita niyang isa-isa na nilalapag ng waiter ang dessert na inorder niya. Nakita niya ang reaksyon ng guwapong binatang si Elliott. Parang kumislap ang mga magaganda at mapupungaw na mga mata nito habang nakatingin ito sa isang slice ng cake sa harapan nito.
"Elliott, remember iyan ang cake na nagustuhan mo noong una tayong kumain dito sa Rald's Box Café," ngiting sabi ni Valeria.
"Oo nga po Mam Valeria," masayang sabi ni Elliott.
Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa labi ni Elliott ng sabihin ni Mam Valeria na ito mismo ang nag-order ng dessert.
Napatingin ang guwapong binatang si Elliott sa makisig na lalaking katabi niya na si Clinton. Tinanong siya nito na mahilig pala siya sa matatamis na pagkain?
Nakangiti siyang tumango kay Clinton at sinabihan pa siya nito na puwede niyang kainin ang dessert nito.
"Sa'yo na itong dessert ko. 'Di ako mahilig sa matatamis at alam mo naman inaalagaan ko ang katawan ko," ngising sabi ni Clinton.
Kahit na nakasuot na americana si Clinton ay nagawa pa niyanh i-flex ang kanyang biceps. Nakita niyang natawa na lang ang guwapong binatang si Elliott.