Chapter 8
_______________
"Pasensya ka na kay mommy ganun talaga yun," ngising sabi ni Clinton.
Napapangisi na lang ang makisig na lalaki na si Clinton dahil na papayag niya ang guwapong binatang si Elliott na mauna na silanh umalis sa Rald's Box Café.
Gusto niya itong makasama na walang istorbo. Tapos na rin naman sila kumain. Kokontra pa sana ang kanyang daddy ngunit hinayaan na lang sila nito.
Nagpasalamat si Clinton sa kanyang mommy dahil ito ang kumontra sa kanyang daddy sa pagkontra nito sa pag-alis nila ni Elliott.
Ngayon ay nasa loob sila ng kotse niya at papunta sila sa bayan ng Prado para pumunta sa sikat na bar na Hills Bar. Noong nakaraang araw ay pumunta na siya roon kasama ang kanyang dalawang kaibigan kung saan meron siyang nakilalang sexy at magandang dilag.
"Okay lang naman iyon. Tsaka nakalimutan yata ng mommy mo na wala na akong magulang. Nabanggit niya kasi na kung okay lang ba sa mga magulang ko na ampunin niya ako," natatawang sabi ni Elliott.
Naalala ng guwapong binatang si Elliott ang sinabi kanina ng mommy ni Clinton. Iyong tungkol sa pag-aampon nito sa kanya. Sa pagkakatanda niya ay nasabi na niya sa pamilyang Gutierrez na wala na siyang mga magulang.
"Hayaan mo na lang si mommy. Tsaka natutuwa lang talaga sa'yo iyon. Ang isipin mo ngayon ay mag-enjoy. Basta kasama mo ako Elliott, siguradong mag-eenjoy ka," ngising sabi ni Clinton.
Biglang pumasok sa isip ni Clinton na sa Hills Bar pala sila unang nagkita ni Elliott. Sinabi niya agad iyon sa guwapong binata na roon sila naunang nagkita.
"Doon ba tayo unang nagkita? Hmm… Ah! Oo roon nga tayo unang nagkita," ngiting sabi ni Elliott.
Pumayag si Elliott na sumama kay Clinton ngayon dahil ito naman ang nagsundo sa kanya kanina. Para na rin hindi ito magtampo.
Sinabihan siya nito na maaga pa naman kaya puwede pa silang pumunta sa Hills Bar sa bayan ng Prado.
Matagal-tagal na rin hindi nakakapunta si Elliott, doon. Naalala rin niya na roon din niya unang nakita at nakilala si Mr. Orion Ricaforte. Nakuha nito ang atensyon nito at 'di naglaon ay meron agad nangyari sa kanila.
Wala naman problema kay Elliott, kung makipagtalik siya kay Mr. Ricaforte dahil sigurado ay nasanay na siyang makipagtalik noon sa kanyang Tito Chan.
Isang mapait na ngiti ang unti-unting lumitaw sa guwapong mukha ng guwapong binatang si Elliott ng maalala niya ang kanyang Tito Chan.
Aaminin ni Elliott sa kanyang sarili na miss na miss na niya ang kanyang Tito Chan pero wala na siyang magagawa dahil pinili siya nitong mawala sa buhay nito.
Napayukom na lang ang kamao ni Elliott na nakapatong sa kanyang hita habang naalala niya ang mga nanyari noon.
Nagpapasalamat na lang talaga siya dahil meron isang mabuting puso ang tumulong sa kanya noon. Kung siguro walang tumulong sa kanya ay baka patay na siya.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng guwapong binatang si Elliott. Ayaw na niyang balikan ang nakaraan. Nandito na siya sa bayan ng Santiago kung saan namumuhay na siya ng tahimik.
Napaiglad na siya ng maramdaman niyang may humawak sa kanyang kamao. Sa patingin ni Elliott sa kamay na nakahawak sa kanya ay walang iba kundi ang makisig na lalaking si Clinton.
"Masyado yatang malalim ang iniisip mo Elliott?" ngiting tanong ni Clinton.
Habang abala sa pagmamaneho si Clinton ay napansin niya na biglang tumahimik sa loob ng kanyang kotse. Sa patingin niya sa guwapong binatang si Elliott ay nakita niyang malayo ang tingin nito.
Para itong nakatulala sa kawalan? Napansin din ni Clinton na nakayukom ang dalawang kamao nito. Medyo nag-alala ang makisig na lalaki at nakangiti niyang hinawakan ang kamao nito.
Sa paghawak ni Clinton sa kamao ni Elliott, ay dama niya na gigil na gigil ito kaya tinawag niya ang pansin nito.
Hindi alam ni Clinton kung ano ang iniisip ngayon ng guwapong binatang kasama niya ngayon?
"Ah? W-wala naman. Pasensya ka na Clinton," pilit na ngiting sabi ni Elliott.
Hanggang makarating na sila sa bayan ng Prado ay tahimik lang silang pareho. Hinayaan na lang ni Elliott na nakahawak ang kamay ni Clinton sa kanya.
Kahit papaano ay nagiging kalmado na siya habang nakahawak ang kamay nito sa kanya. Sa park ng kotse ni Clinton ay inaya na siya nitong bumaba.
"Enjoy lang tayo ngayong gabi Elliott," ngiting sabi ni Clinton.
Sa pagbaba ni Clinton sa loob ng kanyang kotse ay mabilis niyang nilapitan ang guwapong binatang si Elliott. Wala itong hiyang hinawakan ang kamay nito at inaya na pumasok sa loob ng Hills Bar.
"C-clinton.." kunot noo sabi ni Elliott.
Nakatingin si Elliott sa kanyang kanang kamay kung saan hinahawakan ni Clinton ang kanyang kamay.
Nag-aalala lang si Elliott na meron makakita sa kanila. Lalo pareho silang lalaki ni Clinton. Siguradong magtatanong ang mga taong makakakita sa kanilang magkahawak ang mga kamay nilang dalawa.
"Kung 'di ka komportable ay okay lang," ngiting sabi ni Clinton.
Napangisi na lang ang makisig na lalaki ng sabihin sa kanya ni Elliott na okay lang na hawakan niya ang kamay nito. Inaalala lang pala nito na siguradong may makakakita sa kanilanh magkahawak ang kamay nilang dalawa.
Sinabihan ni Clinton ang makisig na lalaki na hayaan lang nila ang mga taong makakakita sa kanila. Dagdag pa niya na siguradong inggit lang ang mga taong titingin sa kanila dahil pareho silang guwapo.
Natawa si Clinton sa sinabi niya kay Elliott at ganun ito. Nakangiti siyang naglakad papunta sa vip entrance ng Hills Bar habang magkahawak ang kamay nilang dalawa ni Elliott.
Sa pagpasok pa lang nila sa loob ay agad nila narinig ang malakas na tugtog at nakakasilaw na nagsasayawan na iba't-ibang kulay ng ilaw.
Biyernes pala ngayon kaya maraming mga tao pumupunta sa Hills Bar. Kaya punuan ang parking sa parking lot. Buti na lang talaga ay agad na nakahanap ng parking space si Clinton at nai-park niya ang kanyang kotse.
Nanatiling nakahawak ang kamay ni Clinton sa guwapong binatang si Elliott. Nakangiti siyang tumingin kay Elliott at inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga nito upang sabihin na pupunta sila sa VIP section sa may second floor.
Para na rin hindi sila makipagsiksikan dito sa ground floor. Pinauna niya itong maglakad at medyo na hirapan silang pumunta sa may hagdanan ng second floor dahil sobrang dami ng mga tao ngayong gabi.
Agad na pinakita ni Clinton ang kanyang vip card sa isang attendant na nagbabantay sa hagdanan papunta sa second floor ng vip. Sa pag-akyat nilang dalawa ay napatingin silang pareho sa may dance floor kung saan sobrang daming nagsasayawan.
Talaga naman nakakaindak ang mga pinapatugtog ng dj. Hindi magkamayaw ang mga taong sumayaw sa dance floor. Muli ay inilapit ng makisig na lalaki ang kanyang bibig sa tenga ni Elliott at sinabihan niya ito na mamaya-maya ay pupunta sila sa dance floor para makipagsayawan.
Napangisi ang makisig na lalaki na si Clinton ng makita niyang nakangiting tumango ang guwapong binatang si Elliott.
______________
"Elliott, excuse me. Pinapatawag ka ni Mr. Ricaforte, sa office nito," ngiting sabi ni Glenda.
Nilapitan na ni Glenda ang guwapong binatang si Elliott dahil na rin kanina pa niya tinatawag ang pangalan nito ngunit hindi man lang ito sumasagot.
Sa paglapit ni Glenda sa working table ni Elliott ay nakita niya itong nakangiting nakatingin sa screen ng computer nito. Mahina niya itong tinapik sa balikat nito para makuha niya ang atensyon ng guwapong binatang si Elliott.
Napangiti si Glenda ng makita niyang napaiglad si Elliott sa kanyang ginawa. Sinabihan niya ito ulit na pinapatawag ito ni Mr. Ricaforte sa top floor kung saan nandon ang office nito.
"Ms. Glenda, sige pupunta na ako," ngiting sabi ni Elliott.
"Mukhang masaya ang iniisip mo Elliott?" ngiting tanong ni Glenda.
Lalo napangiti si Glenda ng sabihin ng guwapong binatang si Elliott na naalala niya ang nangyaring dinner meeting kagabi.
Sa pagpapaalam nito ay bumalik agad si Glenda sa kanyang table at pinagpatuloy niya ang kanyang trabaho.
Hindi na muna nagtanong si Glenda tungkol sa nangyari kagabi dahil pinapatawag na nga ito ni Mr. Rocaforte. Plano niya ay sa pagbalik ni Elliott ay tsaka siya magtatanong tungkol sa nangyari kanina at kagabi.