Elliot 4

1593 Words
Chapter 4 "Elliott, wag mo na masyadong pansinin ang sinabi sa'yo ni Rafael," pilit na ngiting sabi ni Rica. Napahaplos na lang si Rica sa likurang bahagi ng guwapong binatang si Elliott. Siya ang nahiya sa ginawa ng kanyang manliligaw na si Rafael. 'Di talaga inaasahan ni Rica na itatanong iyon ni Rafael kay Elliott ang ganung klaseng tanong. Napatanong din siya sa kanyang sarili kung bakit nga ba rito nagtrabaho ang guwapong binatang si Elliot sa Ricaforte Company imbes sa Gutierrez Company? Kung si Rica ang tatanungin ay mas gugustuhin niyang magtrabaho sa Gutierrez Company hindi dahil hindi maganda ang Ricaforte Company kundi gusto niyang makita madalas ang mag-amang sila Mr. Armie Gutierrez at si Clinton Gutierrez. "Ayos lang po iyon Miss Rica. Sige po balik na po ako sa trabaho ko po," ngiting sabi ni Elliott. Ayaw na muna ni Elliott na makipag-usap pa kina Miss Glenda at Miss Rica dahil na rin sa nangyari kanina. 'Di talaga nagustuhan ng guwapong binata ang tinanong sa kanya ni Sir Rafael sa kanya. Buti na lang talaga ay nakapagtimpi si Elliott na makipagsagutan kay Sir Rafael. Ayaw din naman niya ng away baka masira pa siya sa kumpanya kung makikipag-away pa siya kina Sir Rafael. Naalala ni Elliott na inalok na siya ni Miss Valeria na sa Gutierrez Company na lang siya magtrabaho. Pero agad din niya ito tinanggihan dahil na rin nagtratrabaho siya sa Ricaforte Company. Naisip ng guwapong binatang si Elliott na kung sana na maagang inalok sa kanya ni Mam Valeria na magtrabaho siya sa kumpanya ng mga ito ay tatanggapin niya ito agad. Lalo na ang hirap ng buhay ngayon. Nagpapasalamat din naman si Elliott na meron siyang maayos na trabaho ngayon sa Ricaforte Company. Sa pagbalik ng guwapong binatang si Elliott sa kanyang working table ay pinagpatuloy na niya ang kanyang trabaho. Ayaw na niya isipin ang nangyari kanina. Sa kalagitnaan na pagtratrabaho niya ay bigla na lang siya napangiti dahil naalala niya ang nangyari kagabi. Naalala ni Elliott ang kaganapan kagabi sa dinner meeting nila Mr. Ricaforte at Mr. Armie Gutierrez. Hindi niya maiwasan na mapangiti dahil na rin nag-enjoy at nabusog siya kagabi. _________ "Guwapo mo naman Elliott, bagay na bagay ang suot mo ngayon." ngiting sabi ni Clinton. 'Di mapagsiglan ang nararamdaman na saya ng makisig na lalaking si Clinton dahil na rin kasama niya ngayon ang guwapong binatang si Elliott. Sobrang namangha si Clinton sa itsura ngayon ni Elliott sa suot nito ngayon. Lalo itong naging guwapo at ang linis nitong tignan. Para talaga itong anghel na bumaba sa lupa. Naisipan ni Clinton na sunduin si Elliott sa Urani Compound para sabay na silang pumunta sa Rald's Box Café sa bayan ng Santiago. Biglaan lang at nagbakasakali lang ang makisig na lalaki na sunduin ang guwapong binatang si Elliott. Sa pagpunta ni Clinton kanina sa Urani Compound ay kinakabahan siya dahil hindi man lang niya sinabi kay Elliott na susunduin niya ito. Hindi nga rin niya alam kung nakaalis na ba ito? Masasabi ng makisig na lalaki na napakasuwerte niya dahil umaayon sa kanya ang tadhana. Nagpaalam naman din ang makisig na lalaki na si Clinton sa kanyang mga magulang na pupuntahan niya si Elliott para na rin hindi ito mahirapan pumunta sa Rald's Box Café. Nagtaka nga lang si Clinton dahil tumutol ang kanyang ama na sunduin niya si Elliott. Ngunit 'di na lang niya ito pinansin at natuwa siya na rin dahil ang kanyang ina ay pinayagan siya. Sinabihan pa siya nito na magandang idea ang naisip niya na sunduin si Elliott sa Urani Compound. "Salamat Clinton, ikaw din naman ang guwapo at kisig mo sa suot mong all black suit. Grabe parang kang isang artista sa suot mo," masayang sabi ni Elliott. Dagdag pa ng guwapong binata sa kasama niyang makisig na lalaki na para itong papunta sa isang premiere night ng pelikula nito. Sinabi pa ni Elliott na puwedeng-puwede itong maging artista. Totoo ang sinabi ni Elliott kay Clinton. Para itong action star na naka-suit at higit sa lahat ay sobrang kisig talaga nito sa suot nitong all black suit. Kahit na nakasuot ito ng americana ay hulmang-hulma pa rin ang biceps nito lalo na ang chest area nito na pumuputok sa pag-alsa. Napangiti na lang ang guwapong binatang si Elliott ng sabihin ni Clinton sa kanya na nag-work out muna ito bago ito siya nito sinundo ngayon. "Edi pagod ka iyan Clinton?" kunot noo tanong ni Elliott. "Hindi naman Elliott, sanay naman ako mag-work out. Tsaka wag kang mag-alala maraming akong inipon na lakas para sa'yo," ngising sabi ni Clinton. Lalo napangisi si Clinton ng itanong ng guwapong binatang si Elliot kung ano ang ibig sabihin niya? Sinabi na lang ng makisig na lalaki na malakas ang estamina ng kanyang katawan dahil na rin sanay siya sa pagwo-work out. Hindi na lang sinabi ni Clinton na ang gusto niyang ibig sabihin kay Elliot ay marami siyang imbak na katas para lang rito. Biglang pumasok sa isip ni Clinton ang muntikan na niyang makatalik na magandang binibini noong nakaraang gabi. Buti na lang talaga ay nakapagpigil siya kung hindi ay mababawasan ang katas niya na ibibigay kay Elliott. Sinabihan ng makisig na binatang si Clinton ang kanyang kasamang guwapong binatang si Elliott na nandito na sila sa harapan ng Rald's Box Café sa bayan ng Santiago. Mula sa loob ng kotse ay kitang-kita ni Clinton sa loob ng Rald's Box Café ang kanyang mga magulang na masayang nakikipag-usap kay Mr. Ricaforte. Napatingin ang makisig na binatang si Clinton kay Elliott na nakatingin sa harapan ng kotse. Gamit ang kantang kaliwang kamay at nakangiti niyang hinawakan ang kanang kamay nito. "Enjoy the night Elliott, nandito lang ako sa tabi mo," ngiting sabi ni Clinton. Dagdag pa ng makisig na binatang si Clinton na kung maiinip siya mamaya ay sabihan lang siya nito. Dahil puwede naman sila umalis anytime kung gugustuhin nila. Pero agad siyang tinanggihan ni Elliott dahil na rin ayaw daw nitong maging bastos sa boss nitong si Mr. Orion Ricaforte. Inaya na ni Clinton ang guwapong binatang si Elliott na lumabas ng kotse para makapasok na sila sa loob ng Rald's Box Café. "Sige," tipid na sabi ni Elliott. Medyo nakakaramdam ng kaba si Elliott dahil na rin bukod na kasama niya ngayon si Clinton ay makakasama niya rin sa loob sila Mr. Armie Gutierrez na ama ni Clinton at si Mr. Orion Ricaforte. 'Di alam ng guwapong binatang si Elliott kung ano ang iisipin nila Mr. Armie at Mr. Orion kapag nakita siya ng mga ito na kasama si Clinton? Alam naman ni Elliot na hindi alam ni Mr. Ricaforte na kakilala niya ang pamilyang Gutierrez. Lalo na hindi nito alam na malapit siya kay Mr. Armie Gutierrez. Naisip din ng guwapong binatang si Elliott ang kanyang dalawang katrabaho na sila Miss Glenda at Miss Rica. Sigurado siyang magugulat ang mga ito na kasama niyang papasok sa café si Clinton Gutierrez na nag-iisang anak ni Mr. Armie Gutierrez. Sa paglabas ni Elliott sa loob ng kotse ay agad na sumalubong sa kanya ang malakas at malamig na simoy ng hangin. Napangiting tumingin ang guwapong binatang si Elliott sa papalapit na makisig na lalaki sa kanya. Medyo nag-alangan siya dahil naramdaman niyang hinawakan ni Clinton ang kanyang kamay at sinabihan siya nito na pumasok na sila sa loob. "Tara na Elliott, siguradong hinihintay na tayo," ngiting sabi ni Clinton. Napansin ng makisig na binatang si Clinton na parang 'di komportable si Elliott sa paghawak niya sa kamay nito. Ngumiting tumingin si Clinton sa guwapong binatang si Elliot at dahan-dahan niyang binitawan ang kamay nito. Alam niyang masyadong mabilis ang ginawa niyang hakbang at kailangan lang niya alalahanin na wag siyang masyadong mabilis. Inaalala ni Clinton na baka 'di magustuhan ni Elliott ang kanyang ginagawa kaya magdahan-dahan na muna siya. Nagpapasalamat na lang talaga ang makisig na lalaki na hindi tumutol o kumontra si Havier kanina. Pero kitang-kita at ramdam na ramdam niya na 'di nagustuhan ni Havier na sinusundo niya si Elliott kanina. Gusto sana asarin ni Clinton si Havier ngunit pinili na lang niya manahimik. Sa huli ay kasama naman niya ngayon ang guwapong binatang si Elliott. Inaya ng makisig na binatang si Clinton ang guwapong binatang si Elliott na pumasok na sila sa loob ng Rald's Box Café. Sa paglalakas nilang dalawa ay agad nila nasalubong ang pinaghalong masarap na bagong luto ng tinapay at aroma ng kape. Nakaramdam agad ng gutom si Clinton dahil na rin hindi na siya nakakain kanina ng lunch. Masyadong excited si Clinton ngayong gabi. Pinauna ng makisig na lalaki si Clinton na pumasok ang guwapong binatang sa loob ng café. Sa pagpasok pa lang nila ay lalo nila nasalubong ang pinaghalong amoy ng nakaka-relax na amoy ng aroma ng kape at bagong lutong tinapay. Taas noo si Clinton na naglakad sa likuran ni Elliott dahil pakiramdam niya ay siya ang pinakamaswerteng lalaki ngayong gabi. Dahil na rin iyon na kasama niya ang isang napakaguwapo at mala-anghel na si Elliott. "Ayun sila Elliott," ngiting sabi ni Clinton. Nakatingin si Clinton sa isang long table na malapit sa window side ng café. Kung saan nakaupo ang kanyang mga magulang kasama si Mr. Ricaforte. Meron siyang nakitang tatlong magagandang babae na kasama pa sa lamesa. Sa tingin ni Clinton ay kasama iyon ni Mr. Ricaforte at katrabaho ni Elliott. "Good evening everyone," ngiting pagbati ni Clinton. Nasa tabi ni Clinton ang guwapong binatang si Elliott at sinabihan niya ito na umupo na silang dalawa sa dalawang bakanteng upuan na nakaharap sa kanyang mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD