Chapter 3
Napangisi na lang si Benjamin ng makita niyang tumayo si Elliott mula sa upuan nito at nakangiting lumapit ito sa kinaroroonan nila ni Rafael.
Kinamusta agad ni Benjamin ang guwapong binatang si Elliott. Napangiti na lang siya ng sabihin nito sa kanya na okay naman ito at tinatanong nito kung ano ang kailangan nila?
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Benjamin at tinanong na niya ito kung ano ang nangyari sa dinner meeting kagabi? Kung totoo bang kakilala nito si Mr. Armie Gutierrez pati ang asawa at anak nito?
"Ang dami naman ninyong tanong Sir Benjamin," ngiting sabi ni Elliot.
Sa umagang ito ay parang nakakaramdam nang sakit ng ulo si Elliott dahil sa mga ganitong eksena sa kumpanya. Narinig niya kanina na top trending na naman daw ang pangalan niya sa buong kumpanya. Ibig sabihin ay siya na naman ang pinag-uusapan ng mga empleyado ng kumpanyang pinagtratrabahuhan niya.
Sinagot ni Elliott ang tanong sa kanya ni Sir Benjamin na maayos naman ang dinner meeting nila kagabi. Nabusog siya sa masarap na pagkain na inorder nila sa Rald's Box Café. Sinabi rin niya kay Sir Benjamin na sobrang sarap ng classic dark chocolate na inorder niya kagabi.
Idenitalye pa ng guwapong binatang si Elliott kung gaano kasarap ang kinain niyang chocolate cake kagabi. Hindi tulad ng ibang cake na sobrang lambot at puro hangin lang ang kinain niyang chocolate cake ay siksik na siksik ang tinapay nito. Hindi ito masyadong matamis dahil dark chocolate ang ginamit dito.
Tungkol naman sa tanong nito na kung kakilala ba niya sila Armie Gutierrez ay isang matamis na ngiti at tango ang ginawa ni Elliott habang nakatingin siya kay Sir Benjamin.
"Rafael, 'di ba pinag-usapan na natin ito," seryosong sabi ni Glenda.
Medyo napanganga na lang si Glenda sa sinagot ni Elliott sa tanong ni Benjamin. Hindi niya inaasahan na masyadong idenitalye ng guwapong binata ang kinain nitong chocolate cake kagabi. Para bang inaasar nito si Benjamin?
Noong isang araw ay pinag-usapan ni Glenda kasama sila Rafael, Benjamin at Rica ang tungkol kay Elliott. Hangga't maari ay iwasan at wag na lang nila patulan ang mga maririnig nila tungkol kay Elliott.
Hindi maiwasan ni Glenda na mainis kay Ashley dahil hindi naman nito kailangan ipagkalat ang nangyari kagabi. Umaasa siya na makaabot kay sa kanilang boss ang pinaggagawa ni Ashley ang pagkakalat nito ng tsismis tungkol kay Elliott.
Gustong-gusto ni Glenda na makita niyang masermunan si Ashley kay Mr. Ricaforte. Para naman mapag-isip-isip nito na mali ang ginagawa nito.
Sinabihan pa ni Glenda sila Rafael at Benjamin na umalis na ang mga ito para makapagtrabaho na silang lahat. Ayaw lang niya na ma-stress si Elliott dahil wala naman ito ginagawang masama para pag-usapan ng mga empleyado sa kumpanya.
"Teka lang naman Miss Glenda, gusto pa namin malaman kung bakit dito nagtrabaho si Elliott, sa Ricaforte Company imbes sa Gutierrez Company? Kilala pala niya si Mr. Armie Gutierrez, edi sana nagpa-backer na lang ito?" tanong ni Rafael.
Bigla na lang naramdam ni Rafael ang pagkurot ni Rica sa kanyang tagiliran dahilan para mapa-aray siya sa sakit. Sobrang pinong-pino ang pagkurot nito sa kanya na para bang malalaplap ang kanyang balat?
Nakangiwing napatingin na lang si Rafael sa kanyang nililigawan na si Rica. Tinanong niya ito kung bakit siya nito kinurot? Sinabi pa niya rito na wala naman siyang ginagawang masama?
"Ah? Wala ka nga ginawang masama Rafael, pero meron ka naman sinabing masama," tugon ni Rica.
Nagulat na lang si Rica ng itanong iyon ni Rafael kay Elliott. Nainis siya sa kanyang manliligaw dahil napaka-insentive nito kahit kailan. Hindi man lang nito naisip kung may masasaktan itong ibang tao sa mga lumalabas sa bibig nito.
Napatingin si Rica sa guwapong binatang si Elliott para alamin sana niya kung ano ang reaksyon nito sa tinanong ni Rafael? Ngunit hindi niya mabasa ang ekpresyon ng mukha nito dahil blanko kung blanko ang ekpresyon ng guwapong mukha ni Elliott.
Medyo nakaramdam ng pag-aalala si Rica dahil natatandaan pa niya na nakita na niya ang ekpresyon na ito ni Elliot noong nagkaroon sila ng lunch meeting kasama si Mr. Orion Ricaforte.
Natatandaan pa ni Rica na para bang naging palaban si Elliott ng nakita niya ang blankong ekpresyon ng mukha nito at hindi talaga ito nagpatalo noon sa pagmamaliit nila Ashley at Sir Arthur. Parang ibang Elliott ang kanyang nakita noon.
"Elliott, wag mong masyadong pansinin ang sinabi ni Rafael, nagbibiro lang iyan," pilit na ngiting sabi ni Glenda.
Napalunok na lang ng laway si Glenda ng makita niya ang guwapong mukha ni Elliott na blanko ang ekpresyon nito. Aaminin niya sa kanyang sarili na masyadong nakaka-offend ang tanong ni Rafael kay Elliott.
Ramdam ni Glenda na hindi nagustuhan ng guwapong binatang si Elliott ang tinanong ni Rafael. Isang nakakamatay na tingin ang ginawa niya kay Rafael na kitang-kita niya sa kanyang dalawang mata ang pag-aalala tingin nito kay Elliott.
"Meron bang problema kung dito ako nagtrabaho sa Ricaforte Company?" kunot noo tanong ni Elliott.
Hindi nagustuhan ni Elliott ang tanong sa kanya ni Sir Rafael. Hindi niya inaasahan na itatanong ni Sir Rafael ang ganun klaseng tanong sa kanya. Kahit saan man niya tignang anggulo ang tanong nito sa kanya ay nakakabastos ito.
Naisip ni Elliott kung bakit ganun ang klaseng tanong ni Sir Rafael sa kanya? Para bang ipinaparating nito sa kanya na ayaw siya nito magtrabaho rito sa Ricaforte Company?
"E-elliot, wag mo sana masamain ang tanong ko sa sa'yo. P-pasensya na kung ganung klaseng tanong ang tinanong ko sa'yo. Tsaka wala akong problema na rito ka nagtratrabaho sa Ricaforte Company," pilit na ngiting tugon ni Rafael.
Napapalunok na lang ng laway si Rafael habang nakatingin siya sa guwapong mukha ni Elliott. Parang bulang nawala ang ngiti nito sa labi ng itanong niya ang tanong na iyon sa guwapong binatang si Elliott.
"Kahit kilala ko sila Mr. Armie Gutierrez, pati ang pamilya nito ay ayaw kong umasa na tutulungan nila ako makahanap ng trabaho. Sir Rafael, gusto ko ipaalam sa'yo na gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa at ayaw kong umasa sa ibang tao," ngiting sabi ni Elliot.
Dagdag pa ng guwapong binatang si Elliott kay Sir Rafael na masyado yatang big deal na kilala niya sila Mr. Gutierrez? Tinanong pa niya ito kung ikakamatay ba nito na kilala niya ang isa sa maimpluwensyang pamilya sa bayan ng Santiago?
"Rafael, m-mabuti pa ay bumalik na muna kayo sa opisina ninyo. Kami na kakausap kay Elliott," pakiusap ni Glenda.
Sobrang nakikiusap na si Glenda kina Rafael at Benjamin na umalis na muna ang dalawa. Nag-aalala siya na baka magkainitan ang dalawa at magkagulo. Natatakot siya na baka malaman ito ni Mr. Orion Ricaforte.