LUNINGNING (MUTYA) POV Pagkasabi noon ni Boss Monching, napalunok ako. Lumapit ako kay Darna at mabilis na bumulong, halos di lumalabas ang boses ko. “Darna… baka… baka hindi ko magawa nang maayos.” Napataas kaagad ng kilay ang bakla, sabay sabing malakas, “Hoy Mutya, girl, wag kang kabahan! Kaya mo ‘yan! Huy, anlaki ng stage pero mas malaki ang confidence mo, char!” tapik niya sa balikat ko na parang biglang nagpadagdag ng lakas. “Hindi kasi ako sanay…” bulong ko ulit. “Girl, sanay ka o hindi, may talent ka. Tsaka tingnan mo ‘ko kung ako nga na walang bewang, sumasayaw pa rin! Ikaw pa? Halika na, honey. Akish ay este, Mutya! Go ka na!” tumawa siya nang malakas, saka niya ako itinulak papalapit sa hagdan paakyat sa stage. Nanginginig ang kamay ko habang inaabot ang malamig na kwintas

