CHAPTER 20

1136 Words
THIRD PERSON POV “Sev… anak… please, buksan mo si Mommy…” Mahina pero basag ang boses ni Mommy Malvar habang paulit-ulit na kumakatok sa pinto. Hindi sumagot si Severin kundi nanatili lamang siya sa madilim na sulok ng kwarto, kung saan kanina pa siya nakayakap sa sarili, nanginginig. “Hindi ko ginawa…” bulong niya, mabilis, paulit-ulit. “Hindi ako pumatay… hindi ko siya sinaktan… hindi ko gustong mangyari ’yon…” “Anak, please… talk to Mommy… please…” halos hindi na makahinga ang ina niya. Pero biglang sumigaw si Sev. “STOP TALKING! Huwag mo akong kausapin!” Basag, malakas, parang punit ang lalamunan niya. Tapos tumawa siya isang tawang walang lungkot, walang saya, puro takot at pagkawasak. “HAHAHAHA! Hindi mo ako maloloko… hindi ako sasama sa’yo… hindi ako papatayin ng mga demonyo mo…” “Sev!” sigaw ng Mommy nito, pero pigil, takot, hindi makapasok. “Anak, Mommy ’to! Hindi ka namin sasaktan. Please, anak…” Pero umikot si Sev, nakasandal sa dingding, nanginginig pa rin ang mga kamay. “Hindi ikaw ’yung kausap ko…” bulong niya sa hindi makita. “Umalis ka… please… leave me alone…” Sa likod ng Mommy nya ay, dumating si Daddy Malvar, hingal, kagagaling lang sa trabaho pero halatang matindi ang kaba sa dindin. “Hon, kumalma ka muna,” bulong niya habang hinahawakan ang balikat ng Mommy n'ya. “Ako na…” “Daddy…” halos sumuko ang boses ng Mommy ni Sev. “Ayaw na talaga niya… hindi na niya tayo kilala…” Napapikit ang Daddy nito bago lumapit sa pinto at kumatok nang mabigat. “Anak… si Daddy ’to.” Pero kahit siya ay nanginginig. “Please, anak… open the door. Natatakot na kami…” Sa loob, hindi man lang lumingon si Sev. Sa halip, tumakbo siya nang mabilis paikot ng kwarto, parang may hinahabol o may nasa likod niya. Tumalon siya sa kama, tumalon ulit pabalik sa sahig, pagkatapos ay napasigaw ulit. “’Wag kang lumapit! ’Wag! ’Wag! Huwag mo akong hawakan!” Tinakpan niya ulit ang tenga, nagpaikot-ikot, tapos humampas ng kamao sa dingding nang sunod-sunod. “S-stop…” bulong niya. “Please… stop talking… stop looking at me… hindi ko kayo papatayin… hindi ako katulad n’yo… hindi ako demonyo…” Tapos tumawa ulit. Matinis. Nakakayanig. “HAHAHAHA! Hindi niyo ako makukuha! Hindi ako sasama!” “God… Sev…” bulong ng Mommy nito habang napahawak sa bibig, nanginginig ang tuhod. “Hon…” sabi ng Daddy ni Sev, yakap siya. “Kailangan na natin… hindi na ’to normal… hindi na ’to safe. Hindi na siya nakakain. Hindi natutulog. Hindi na nag-iisip nang tama…” “Pero… pero anak natin siya…” umiiyak na sagot ng Mommy ni Sev. “Masakit… sobra…” “Mas masakit kung mapahamak siya,” sagot ng Daddy nito. Sa loob, bumagsak si Sev sa sahig, nakadapa, hinahampas ang ulo niya sa unan. “STOP! STOP! PLEASE STOP!” Tapos tumawa na naman siya. Tapos iyak. Tapos sigaw. Ang mabilis na pag-ikot ng emosyon niya ay parang nawalan ng preno. Hanggang sa… “Mommy… Daddy…” mahina niyang bulong. Pero hindi niya sinabi ang mga salitang kasunod. Dahil ang sumunod ay pag-ungol, pag-iyak, at pagtakbo patungo sa bintana na para bang gusto niyang tumalon. “OH MY GOD! SEV!” sigaw ni Mommy mula sa labas. Dali-daling binasag ng Daddy nito ang pinto, sinugod papasok, at agad sinalo ang anak bago pa ito makalapit sa bintana. “ANAK! HUWAG!” Mahigpit niya itong niyakap. Pero ang sagot ni Sev? Isang malakas na pagsigaw. “LET GO OF ME! DEMON KA! UMALIS KA!” Tinadyakan ni Sev ang Daddy niya. Tinulak. Sumigaw. Nagpumiglas. “SEVERIN!” sigaw ng Daddy niro, halos manghina. “Anak, si Daddy ’to! Hindi kita sasaktan! Please, anak!” Pero hindi narinig ni Sev. Hindi na niya kaya makita ang realidad. Hindi niya alam kung sino ang tunay at sino ang guni-guni. “Mommy…” bulong niya habang tumatakbo ulit papunta sa sulok. “Mommy… hindi ko kaya… hindi ko kaya… hindi ko ginawa… hindi ko gustong pumatay…” At dun tuluyang bumigay ang Mommy nito. Napaupo sa sahig, yakap ang dibdib, hagulgol nang hagulgol. “Hon… please…” pakiusap niya habang umiiyak. “Ayusin natin ’to… tulungan natin siya… please…” At niyakap siya ngDaddy nito, pero ang tingin nito ay puno ng lungkot at desperasyon. Kinagabihan, dumating ang private psychiatric team na tinawagan ng Daddy nya . Tahimik silang pumasok sa bahay, dala ang medical kit, restraints, at mild sedatives. May kasama ring psychiatrist isang clinical psychologist na tinawag nila bilang Dr. Yamaguchi, isang Filipino-Japanese specialist na kilala sa mga extreme psychiatric episodes. Pagpasok nila sa kwarto, nandoon si Sev, nakatalukbong ng kumot, nakaupo, nanginginig, kausap pa rin ang aninong hindi nakikita. “Severin?” mahinang tawag ng doktor. “I’m here to help you.” Pero ang sumagot ay… Isang sigaw. “UMALIS KAYO!” Sunod ay pag-iyak. Sunod ay pagtakbo papunta sa kama. Sunod ay pagtawa. “HAHAHAHAHA! Hindi niyo ako madadala! Hindi ako baliw! Hindi ako baliw! Hindi ako baliw!” “God…” bulong ng Mommy nito habang natatakpan ang bibig. Lumapit si Dr. Yamaguchi, marahan, kalmado. “Sev… you’re safe. Hindi ka namin sasaktan,” sabi niya. Pero bigla si Sev “’WAG MONG SABIHIN NA SAFE AKO!” Tapos tumalon siya sa kama nang ilang beses parang bata, pero hindi masaya parang takas sa hindi nakikitang halimaw. “Hindi ko siya pinatay! Hindi ko! Hindi ko! Hindi ko!” Sigaw niya habang paulit-ulit itong tumatalon, umiiyak, tumatawa, nagsasalita mag-isa. Sa puntong iyon, kailangan na siyang i-sedate. At habang unti-unting nanghina ang katawan ni Sev dahil sa mild sedative, doon niya nasabi ang huling salita bago siya mawalan ng malay. “Mommy… Daddy… sorry… hindi ko sinasadya gahasain s'ya…” At tuluyang bumagsak ang katawan niya. Kinabukasan, dinala si Sev sa isang private mental facility. Pero kahit doon Mas lumala pa siya. Mas dumami ang sigaw. Mas marami siyang nakakausap na wala naman. Mas madalas siyang tumatakbo, tumatalon, umiiyak, tumatawa. Hanggang sa napagdesisyunan ng mga magulang nito ang pinakamahirap na desisyon ng buhay nila Dalhin si Sev sa Japan sa mas advanced at mas secured na psychiatric center. Hindi dahil sumuko sila kundi dahil ayaw nilang bumitaw. Gusto pa rin nilang ilaban ang anak nilang unti-unting kinakain ng sarili niyang isip. At habang hinihila si Sev papunta sa ambulance, umiiyak itong nakatingin sa Mommy niya. “Mommy… ’wag mo akong iwan… ’wag mo akong ipapapatay… please…” At doon halos mabigwasan ng puso ng Mommy ni Sev. “Hindi kita iiwan, anak…” sagot niya, nanginginig. “Kailanman.” Pero hindi na iyon narinig ni Sev. Dahil bumagsak na naman siya sa sariling baliw na mundo isang mundong hindi makalabas, at unti-unti siyang nilalamon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD