CHAPTER 41

1623 Words

MUTYA POV Dalawang linggo na ang lumipas mula noong sinagot ko si Sev. Dalawang linggo ng tahimik na umaga, ng mga gabing may ngiti bago matulog, at ng pakiramdam na sa unang pagkakataon matapos ang limang taon parang may bahagi ng puso kong humihinga ulit. Hindi buo. Hindi pa rin ligtas. Pero humihinga. Pero natutunan ko na ang isang bagay: Kapag masyadong tahimik ang mundo, may paparating na bagyo. Mag-isa akong nagda-drive papuntang Tagaytay noon. Walang destinasyon. Gusto ko lang ng hangin. Gusto ko lang ng katahimikan na may kasamang ulap at malamig na simoy, ’yung klase ng katahimikan na hindi nagtatanong kung bakit ka pa buhay. Liblib na ang daan. Halos wala nang dumaraang sasakyan. Ang paligid puro puno, damo, at mga lumang bakod na parang matagal nang sumuko sa panahon. Pina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD