KIER POV Umalis na si Luningning. Narinig ko ang mabagal niyang yabag palayo, ang mahinang kaluskos ng pinto, at ang katahimikan na parang kumain sa buong paligid. Ilang segundo akong nakapikit, pilit pinapakalma ang sarili ko kahit nanginginig ang buong katawan ko. Masakit ang bawat paghinga. Parang may humihigpit sa dibdib ko, pero pinilit kong ngumiti isang ngiting walang makakakita. Hindi ako magsasalita. Paulit-ulit kong sinabi sa isip ko. Kahit ano pa ang mangyari. Kahit sino pa ang bumalik. Hindi ko ipagkakanulo sina Cass at Jarel. Hindi ko sila ibebenta. Hindi ako magiging duwag. Hindi ako. Tahimik. Masyadong tahimik. Hanggang sa may ibang yabag. Hindi katulad ng kay Luningning. Mabigat. Mabagal. May bigat ang bawat hakbang, parang sinasadyang ipaalam sa’kin na may paparati

