CHAPTER 26

1038 Words
THIRD PERSON POV Marami na ang nagbago, pero may mga sugat na hindi kailanman tuluyang naghihilom. Sa isang sulok ng lungsod, patuloy pa ring nagluluksa si Monching. Tahimik na lang siya, parang aninong gumagalaw sa sariling mundo. Kahit lumipas ang mga araw, buwan, at taon, ang pagkawala ng anak niyang si Crystal ay parang multong hindi umaalis sa bawat hinga niya. Nariyan pa rin ang lungkot, ang pagsisisi, ang katahimikan na mas maingay pa kaysa sigawan ng bar na minsan niyang pinamunuan. Samantala, sa kabilang kwarto ng parehong bar, patuloy namang lumalaban si Mutya. Hindi man niya tuluyang nalimutan ang sariling sinapit, hindi rin niya tinakasan ang realidad. Sa halip, hinarap niya ito sa entablado, sa ilaw, sa musika, at sa bawat matang nakatitig sa kanya gabi-gabi. Mas lalo siyang sumikat sa OTTS BAR. Hindi na lang siya basta performer. Isa na siyang pangalan. Isa siyang sigawan. Isa siyang dahilan kung bakit puno ang bar gabi-gabi. Pero sa likod ng bawat ngiti, bawat galaw ng balakang, bawat palakpak ng mga tao nariyan pa rin ang sakit. Ang alaala ng pamilyang nawala. Ang buhay na naputol. Lumipas ang isang taon. Sa Japan, tuluyan nang gumaling si Sev sa ilalim ng pangangalaga ni Dr. Yamaguchi. Unti-unting bumalik ang lakas niya, ang sigla, ang katahimikan ng isip. Malayo sa Pilipinas, malayo sa gulo, pinili niyang ayusin muna ang sarili bago harapin muli ang mundo. Hanggang sa dumating ang panahong iyon. Limang taon ang lumipas. Sa wakas, bumalik si Sev sa Pilipinas. Hindi siya dumiretso sa mansyon ng pamilya. Sa halip, pinili niyang magtungo sa sarili niyang condo unit isang lugar na tahimik, walang alaala, walang tanong. Pagkarating niya roon, agad siyang nahiga, pilit nagpapahinga. Pero ayaw siyang dalawin ng antok. Tahimik ang kwarto, pero magulo ang isip niya. Kaya bigla siyang napaisip. OTTS BAR. Isang lugar na hindi niya inaasahang babalikan. Isang lugar na puno ng ingay eksaktong kabaligtaran ng katahimikang bumabalot sa kanya ngayon. Hindi na siya nagpalit ng damit. Isang simpleng jacket, maayos na polo, at diretsong nagmaneho. Pagbukas pa lang ng pinto ng bar. “MUTYAAAAAA!” Nag-echo ang sigawan. Parang lindol ang reaksiyon ng mga customers. May pumalakpak, may sumipol, may tumayo pa para mas makita ang entablado. “Grabe ka na talaga, Mutya!” “Queen! Queen!” “OTTS BAR wouldn’t be the same without you!” Umupo si Sev sa isang VIP table, malapit sa stage. Tahimik lang siya, pinagmamasdan ang paligid. Ang ilaw. Ang usok. Ang musika. At doon Lumabas si Mutya. Isang malakas na tugtog ang bumalot sa buong bar. Ang ilaw ay tumutok sa kanya. Nakasuot siya ng outfit na simple pero mapanganib sakto sa katawan, sakto sa galaw. Ang bawat hakbang niya ay may kumpiyansa, may apoy, may kwento. Humiyaw ang mga tao. “OOOOOOHHHHHH!” “GO, MUTYA!” “YOU’RE ON FIRE!” Humawak siya sa pole. Dahan-dahan. Kontrolado. Gumiling ang katawan niya sa saliw ng bass. Hindi minamadali. Hindi pilit. Parang alam niyang bawat mata ay sa kanya nakatutok at gusto niya iyon. Umakyat siya ng kaunti, bumaba, umikot, nagliyad, parang sinasabi sa lahat na siya ang reyna ng gabing iyon. Naglakad siya pababa ng stage. Isa-isang nilapitan ang mga mesa. May mga kamay na nag-abot ng pera. May mga bra na nilagyan ng bills. May mga hagod sa braso mga saglit na galaw na alam niyang kontrolado niya. Ngumiti siya. Hindi pilit. Hindi plastik. At saka siya huminto sa harap ng VIP table. Sa harap ni Sev. Dahan-dahan siyang gumiling. Tumagilid ang ulo. Nagkatinginan sila. Walang salita, pero may tensyon. Umakyat siya sa kandungan nito sakto lang ang lapit, sakto lang ang bigat. Hindi bastos. Hindi sobra. Pero sapat para uminit ang paligid. Sumabay ang galaw niya sa tugtog. Mabagal. Mapang-akit. Parang sinasayaw niya ang lahat ng sakit, lahat ng alaala, lahat ng lakas na natutunan niya sa mga taong lumipas. Gumiling si Mutya sa kandungan ni Sev at hinagod Ang dibdib nito si dahan-dahan pinasok ni Mutya ang kamay nito sa loob ng damit ni Sev. “s**t… damn this girl baka hindi ko mapigilan itong init naramdaman ko” pagpipigil ni Sev sa sarili nito. Pumapaosdos naman si Mutya sa ibaba bandang zipper ng pantalon nito at dinila-an ang puson ni Sev dahil natutipuhan ito ni Mutya habang sumayaw ito sa stage kanina. “f**k hmmm… sarap n'yan hmmm… damn you miss” pigil hinga ni Sev. Ang hindi alam ni Mutya na yung kaharap n'ya Ang taong gumahasa sa kanya noon at hindi rin nakilala at na alala ni Sev Ang babaeng nasa harapan n'ya ay Ang babaeng binaboy nong gabing iyun dahil nalimutan na ito ni Sev. Mas minaigi ni Mutya at tumayo ulit at kumandong kay Sev at panay giling at sabay bulong ni Mutya sa tenga ni Sev. Mr. you so hot i like you're outfit I think first mo rito tama ako diba?” With husky voice lalong napalunok wala sa oras si Sev. Ramdam ni Sev ang init ng sandali. Hindi niya mapigilan ang sarili. Kinuha niya ang wallet niya, kumuha ng ₱5,000, at inilagay iyon sa bra ni Mutya maingat, diretso, walang pag-aalinlangan. Lumapit siya nang bahagya at bumulong, mababa ang boses. “Pwede ba kitang i-check out mamaya… after ng work mo?” Hindi agad sumagot si Mutya. Sa halip, hinagod niya ang pisngi ni Sev, dahan-dahan, parang nag-iisip. Lumapit siya sa tenga nito at pabulong na nagsalita. “Sure. Kita tayo sa parking lot sa likod. Walang tao ro’n. Doon mo ako hintayin.” Bago pa makasagot si Sev, bumaba na si Mutya mula sa kandungan niya. Isang huling ngiti. Isang huling tingin. At bumalik siya sa entablado. Mas malakas ang sigawan ngayon. Mas wild ang galaw niya. Mas buo ang loob. Mas matapang. Parang alam niyang may naghihintay sa labas at hindi siya nagmamadali, dahil kontrolado niya ang oras. Nang matapos ang huling tugtog, tumayo ang mga tao, pumalakpak, sumigaw ng pangalan niya. “MUTYA! MUTYA! MUTYA!” Dumiretso siya sa backstage, tinanggal ang heels, at pumasok sa dressing room walang lingon-lingon, walang atrasan. Sa labas ng bar, sa likod na parking lot, tahimik ang paligid. At doon, may isang lalaking naghihintay. Limang taon ng katahimikan. At isang gabing muling bubuhay sa nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD