CHAPTER 25

1115 Words
MONCHING POV Tahimik ang buong office, pero para sa akin, parang may libo-libong tinig na sabay-sabay na umiiyak sa loob ng ulo ko. Nakaupo ako sa swivel chair ko, pero hindi ako gumagalaw. Hindi ko kayang gumalaw. Nakatulala lang ako sa picture frame na hawak ko ang larawan naming tatlo. Ako. Si Fatima. At ang anak naming si Crystal, nakayakap sa amin, masaya, maganda, puno ng buhay. Mahigpit ang kapit ko sa frame, halos mabasag ko na. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatitig dito. Basta ang alam ko lang… habang tumitingin ako sa damit niyang kulay peach sa larawan… habang tinititigan ko ang ngiti niyang parang kayang magpagaan ng pagod ko noon… mas lalo akong nadudurog ngayon. “Crystal…” mahina kong bulong, paos at punong-puno ng pighati. “Anak… bakit hindi kita nabantayan?” Dumulas ang luha ko sa salamin ng frame, pero hindi ko pinunasan. Hinayaan ko lang. Parang iyon na lang ang kaya kong ilabas na lakas ngayon. Huminga ako nang malalim, pero mas lalo lang sumikip ang dibdib ko. At habang titig ko ang mukha niya sa larawan… doon nagsimulang bumalik ang alaala. FLASHBACK “Daddy’s…” Malambing niyang boses, buhay na buhay pa noon. “Diba birthday ko na tomorrow? Can I hug you with Mommy? Mom, Dad… tomorrow… I’m college na. Gusto ko maging lawyer. That’s my birthday wish.” Ngumiti ako noon, iyong genuine na ngiti na wala nang ngayon. Niyakap ko siya. “Of course, anak. Daddy’s proud of you. I’ll be right beside you… always.” Lintek na salita. “Always.” Pero hindi ko natupad. Kinabukasan, handa na ang venue. Balloons, lights, food, music lahat perfect. Nakatayo si Crystal sa gitna, ang ganda n’yang tingnan. Yung simpleng ganda na hindi kailangan ng kahit ano. Yung natural. Yung tipong pag tinitigan mo, parang sasabog puso mo sa pagmamahal. Andoon ako. Andoon si Fatima. Andoon ang mga kaibigan niya. Lahat masaya. Tumawa pa siya habang sumasayaw kasama ang Mommy niya. “Mommy! Don’t step on my feet!” biro niya. Tumawa rin si Fatima. Pagkatapos, ako naman ang lumapit. “Can I dance with you again, my world?” Napalitan ng ngiti ang mukha niya, iyong ngiting pinaka-paborito ko. “Siyempre naman, Daddy’s. You’re my first love.” Tinapik niya dibdib ko. “I love you, Daddy’s.” Hinalikan niya ako sa pisngi, niyakap ako nang mahigpit. At doon, sa sandaling iyon… buong mundo ko ay umiikot lang sa kanya. Hanggang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ang screen. Meeting. Investors. Malaking deal. “Daddy’s, sino ‘yan?” tanong niya, nakangiti pa rin. “Work lang, anak. Saglit lang ‘to.” Sinubukan kong ngumiti rin. Kunwari hindi mabigat. “Babalik ka agad ha?” paalala niya. “And Daddy’s… ingatan mo si Mommy. I love both of you.” Yun ang huling salita niya sa akin na may ngiti. Lumabas ako ng venue. Pumunta sa meeting. Pinili ang trabaho. Pinili ang pera. Pinili ang future na hindi na niya maaabot. Tumatawag ang number ni Fatima ilang beses. Pero hindi ko sinagot. “Later,” sabi ko noon. “Later.” Pero ang “later” ko… naging huli sa lahat. Pag-uwi ko madaling araw, gulo ang venue. Mga tao umiiyak. Si Fatima… umiiyak… nanginginig… galit. Paglapit ko. Pak! Isang sampal. Sunod ang sigaw. “NAWAWALA ANG ANAK NATIN, MONCHING! CRYSTAL IS MISSING!” Parang huminto ang mundo sa harap ko. “A-ano? Fatima, paano p-paano nangyari” “Kung hindi ka umalis! Kung hindi mo inuna trabaho mo! YOU PROMISED HER! YOU PROMISED!” Tumakbo kami naghanap araw-araw. walang tulog walang pahinga pero wala wala siya. Dalawang linggo bago natagpuan ang anak namin. Sa isang bangin. Nakasiksik sa loob ng sako. Wala nang buhay. Halos hindi ko makilala ang anak ko. Punit ang damit niya. Maraming sugat. Sunog ang buhok. At kahit tumakbo ako, kahit yakapin ko siya, kahit sumigaw ako ng libo-libong “ANAK!!!!”… hindi na siya bumalik. Pinilit ko pa ring buhatin siya. Kahit una ay ayaw ipahawak ng police. Pero nang makita ni Fatima. “A-anak… Crystal… ANAK!!!” Sigaw niyang mas malakas pa sa hangin. Hinila niya ang katawan ng anak namin papunta sa dibdib niya. “Bakit mo kami iniwan, anak? Why? WHY?!” Bumagsak ako sa tabi niya. Niyakap ko rin ang katawan ni Crystal kahit ramdam ko na ang katotohanang lumilipas na ang init nito. “ANAK KO! ANAK KO!!! CRYSTAL!!!” Hindi ko na inisip na may amoy. Hindi ko inisip na nakasako siya. Hindi ko inisip na halos hindi ko na makita mukha niya. Wala akong pakialam. Anak ko iyon. Buhay ko iyon. At wala na siya. Sumigaw kami sabay habang yakap-yakap si Crystal. Sigaw na parang sumisira ng bundok. Sigaw na parang ninanakawan ng langit ang puso naming dalawa. At nang lumabas ang autopsy report… doon tuluyang gumuho ang natitirang lakas ko. “Mr. Monching,” sabi ng investigator. “The findings show… she was assaulted, physically beaten, and stabbed multiple times.” Parang narinig kong pumutok ang utak ko. Hindi ko alam kung sumigaw ba ako o tumigil ang mundo. Ang alam ko lang, tumulo ang laway ko sa baba ko habang hindi ako makahinga. Si Fatima naman, halos hindi makapagsalita. “This… is your fault… Monching…” bulong niya habang nanginginig. “If you didn’t leave… if you didn’t choose work… kung hindi mo kami iniwan… hindi mamamatay ang anak natin.” “Fa-Fatima… please…” bulong ko. “You’re worthless! Wala kang kwentang ama! Wala kang kwentang asawa!” At sa gabi ng libing ng anak namin… matapos ilibing ang tanging buhay na nagbibigay kulay sa amin… Fatima filed for annulment. At doon… tuluyan akong nawala. END OF FLASHBACK Bumalik ako sa kasalukuyan. Nasa office pa rin ako. Hawak ko pa rin ang picture frame. Pero ngayon, basang-basa na ito ng luha ko. "Tangina ko…" bulong ko, halos hindi ko marinig sarili ko. "Tangina ko… Ba't ko kasi pinili trabaho? Ba't hindi ko sinagot ang tawag nila? Ba't hindi ko siya binantayan…?" Napahawak ako sa sentido ko. Napahikbi. Napasigaw nang mahina. “ANAK… Daddy’s sorry… Daddy’s so, so sorry…” Gumulong ang iyak ko sa buong kwarto, kahit alam kong walang makakarinig. O kahit may makarinig man, wala na akong pakialam. Buhay ko noon… silang dalawa. Pero ngayon… Ako na lang ang naiwan. Ako na lang ang umiiyak. Ako na lang ang nagbabayad ng kasalanan ko. At sa pagdikit ko ng picture frame sa dibdib ko… ramdam ko pa rin ang presensiya nila. Pero hindi na iyon sapat. Hindi na babalik ang anak ko. Hindi na babalik ang pamilya ko. At ako… ako ang dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD