LUNINGNING POV “Good morning, Tay!” sigaw ko habang palapit sa kulungan ng mga manok. Ang simoy ng umaga ay malamig pa, at halatang sariwa ang hangin bago sumikat ang araw. Naaabutan ko si Tatay, abala sa paghaplos sa kanyang paboritong manok na pang-breeding at panabong. Parang may espesyal na koneksyon siya sa bawat balahibo, at si Letlet, nakatungo sa tabi, nakatingin sa kanya parang tinitingala ang isang superhero. “Ah, gising na si Luningning!” bati ni Tatay, may ngiti na sabay haplos sa manok. “Halika, tingnan mo itong si Haring Itlog, parang gusto ko na siyang isali sa next contest!” “Panabong pa rin po tayo, Tay? Baka mamaya ang manok, masyadong ambitious,” biro ko habang pinagmamasdan ang mga alagang manok na parang may sariling personalidad. Si Letlet agad na nakipagtawanan, “

