THIRD PERSON POV “Ano ba ‘yan… sino na naman ‘yan sa gate?!” iritang bulong ni Sev habang nanginginig pa ang dibdib niya sa lakas ng kaba. Kanina pa sila todo ingay, at parang bigla siyang kinuryente ng hiya nang marinig ang sunod-sunod na doorbell na halos sumabay sa malakas na bass ng tugtog nila. “Bro, sagutin mo naaaa!” sigaw ni Ronan habang nakasubsob sa sofa, halatang hilo na sa alak. “Baka pizza! Or baka multo! HAHAHA!” Napairap si Sev at mabilis na naglakad palabas ng sala. Sa bawat hakbang niya ay parang lumalakas ang thump ng music na tumatagos sa sahig ng mansion. Parang gusto niyang lumubog sa hiya alas dose na ng gabi, halos gumagalaw ang bubong sa lakas ng tugtog, tapos ang daming lasing at naghihiyawan inside. Pagdating niya sa gate, huminga siya nang malalim bago binuks

