LUNINGNING POV “May… may humahaplos sa’kin…” mahina kong bulong habang unti-unting bumabalik ang pakiramdam ko. Ramdam ko ang malamig na basang tela na dahan-dahang dumadampi sa braso ko. Mabigat ang talukap ng mga mata ko pero pinilit kong dumilat. Pagdilat ko hindi ko agad alam kung nasaan ako. Maliit na silid… pawid ang dingding… amoy lupa at luma ang kahoy… may ilaw na kandila sa gilid… Kubo. Isang munting kubo. Agad kumabog ang dibdib ko. Parang biglang bumalik sa katawan ko ang lahat ng takot at trauma. Parang naramdaman ko ulit ang gabing iyon… At bigla akong napasigaw. “W-WAG! WAG MO AKONG SASAKTAN! PLEASE! MAAWA… MAAWA KAYO SA’KIN!” sigaw ko, nanginginig ang buong katawan habang napasiksik ako sa pinakadulo ng banig. Napatayo ako, kahit halos hindi ko kaya. Nanginginig an

