SEV POV “Putang ina, ang sakit ng ulo ko…” ’Yan agad ang bungad ko pagmulat ko. Parang binabarena ang sentido ko, parang may gumiling na makina sa loob ng bungo ko. Hangover na hangover, tuyong-tuyo ang lalamunan, at parang nanunuyo ang kaluluwa ko. Pagtingin ko sa gilid ng kama, nagkalat pa ang mga bote, nagkalat ang mga sapatos ng mga kaibigan ko kagabi, at nasa kabilang kwarto pa sila, humihilik. Boang talaga mga ’yon. Walang pake kung maka-bayad ng babae. Parang walang konsensya. Napabuntong-hininga ako. Humiga ulit. Pumikit. Hinawakan ang ulo ko. Pero dahil hindi ako makatulog, dinampot ko ang cellphone ko. “Tingnan ko na nga lang notifications…” Pag-open ko ng lock screen, bumungad agad ang social media. Maraming notifications, mga memes, mga posts ng inuman, mga babae…

