CHAPTER 14

1004 Words
THIRD PERSON POV Matagal nang nakababa ang araw, pero ang dilim sa loob ng kwarto ni Sev ay parang hindi kayang palitan ng kahit anong liwanag. Kahit bukas ang ilaw sa kisame, tila ba walang glow na nakakarating sa kanya. Nakasiksik siya sa isang sulok nakayakap sa tuhod, nanginginig, humihingal, at minsan napapahagulgol na parang may humahabol sa kanyang multo. Sa labas ng pintuan, andun ang mga magulang niya. Hindi na sila mapakali. Kanina pa nila naririnig ang pag-iyak, pag-ungol, at kung minsan… ang pagbulong ni Sev ng hindi maintindihan. Parang nauulol. Parang nawawala sa sarili. “Hon, hindi na ito normal…” mahinang sabi ng ina ni Sev, pero nanginginig ang boses. “Baka… baka masaktan niya ang sarili niya.” Malalim ang buntong-hininga ng daddy niya, ramdam ang bigat at takot sa bawat paghinga. “Hindi ko hahayaang mangyari ’yun. Anak natin ’yan.” Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto. Pagpasok pa lang nila, agad sumalpok sa kanila ang amoy ng alak, pawis, at luha. Magulo ang kama, basag ang lampshade, nagkalat ang gamit… at andun si Sev, nakatalukbong at halos hindi na kilala sa hitsura. “Anak…” mahinang tawag ng mommy niya. Hindi kumilos si Sev. Hindi tumingin. Hindi nagsalita. Lumapit ang mommy niya at dahan-dahang hinaplos ang likod nito. “Sev… please… talk to us. Anak, we’re here.” Unti-unti, parang senyas sa utak, tumingala si Sev. Maputla. Pulang-pula ang mata. Nanginginig ang labi. “Mom…” pabulong niyang sabi, pero halos hindi marinig. “Mom… I-I'm sorry… I'm sorry…” Kasunod noon ang hagulgol. Malakas. Basag. Masakit. Lumapit ang daddy niya, naiiyak na rin. “Anak, sabihin mo sa amin… ano'ng nangyari sa’yo? Ano bang dinadala mo? Bakit ganyan ka?” Napalunok si Sev, umiiyak habang nagsasalita. “Dad… Mom… hindi ko na kaya… hindi ko na kayang itago…” Kinabahan ang mommy niya. “Sev… anak… what did you do?” Pumikit si Sev, at mula sa bibig niya lumabas ang katotohanang gumigiling sa konsensya niya sa loob ng apat na araw. “T-talo ako sa pustahan…” bulong niyang umiiyak. “Sa kanila… kina Cass… Kier… Jarel… at Ronan…” Parang tumigil ang mundo. Napatingin ang mga magulang niya sa isa’t isa, parehong nagulat, parehong hindi makapaniwala. “Sino?!” halos pasigaw na tanong ng daddy niya. “Kina Cass… Kier… Jarel… at Ronan…” mahinang ulit ni Sev. “Sila… sila ang kasama ko nung gabing ’yon…” Napakapit ang mommy niya sa dibdib niya. “Oh my God…” Humigpit ang panga ng daddy niya. “At ano naman ang pustahan, Sev?!” boses na puno ng galit at sakit. At doon tuluyang bumigay si Sev. Napatulo ang luha, napahawak sa ulo niya, parang gusto nang punitin ang sariling buhok. “Dad… Mom… I didn’t want to… pero natalo ako… lasing ako… may pinainom sila… something… I wasn’t thinking straight… I wasn’t myself…” “SEV!” sigaw ng daddy niya, nanginginig sa galit. “Hindi porket lasing ka may karapatan ka nang manakit ng babae! Hindi porket napasama ka sa mga bulakbol mong kaibigan ay gagawa ka ng ganyan!” “Hon, please…” umiiyak ang mommy niya, pero napahinto nang makita ang susunod na mangyayari. Sinuntok ng daddy niya si Sev. PAGPAK! Napahiga si Sev sa sahig, hawak ang panga, nanginginig, hindi lumaban, hindi tumayo para bang tinanggap ang lahat dahil alam niyang deserve niya iyon. “BAKIT MO PA RIN GINAWA?!” sigaw ng daddy niya, halos hindi na makontrol ang emosyon. “Binigay namin lahat sa’yo lahat ng luho, lahat ng suporta, lahat ng pag-aaruga ANONG KULANG, SEV?! ANONG KULANG?!” Humagulhol si Sev, yakap ang sarili. “Dad… Mom… sorry… I'm sorry… I didn’t mean to… I didn’t want… hindi ko ginusto iyon… nanalo sila sa utak ko… I was weak… I was stupid… I was” “Bakit mo ginawa, Sev?!” punong-puno ng sakit na sigaw ng daddy niya. “Hindi ka namin pinalaki para maging bulakbol! Hindi ka namin pinalaki na mag-drugs! Hindi ka namin pinalaki para gumawa ng kasalanang sisirain ang buong buhay mo!” Napahagulgol si Sev nang mas malakas, parang bata. “Dad please… don’t hate me… don’t hate me, Dad… I’m sorry…” Lumapit ang mommy niya, humiga halos sa sahig para maabot ang mukha ng anak. “Sev… anak… look at me. Look at Mommy.” Dahan-dahan tumingin si Sev. Namamaga ang mata niya, nanginginig ang labi, parang wala nang natitirang lakas. “Anak…” pabulong pero sobrang sakit na tanong ng mommy niya, “yung babae… yung nasa balita… yung anak ng Pamilyang Dalisay…” Napatigil si Sev. Parang may tumama sa puso niya. Parang bumagsak muli ang buong mundo niya. “Sev…” tanong ng daddy niya, mas mababa ang boses pero mas mabigat, “’yan ba ang pamilya… ng babaeng… ginahasa mo?” Hindi makasagot si Sev. Tumulo lang ang luha. Umiling siya nang mahina. Pero pagkatapos ng ilang segundo Tumango siya. Dahan-dahan. Mahina. Pero malinaw. “Si… si Luningning…” boses niya basag na basag. “Siya… ang nasa balita…” Napahawak ang mommy ni Sev sa bibig niya, napaiyak nang malakas. “Oh God… oh God…” At ang daddy niya napaatras, parang sinampal ng katotohanan. “Sev…” halos pabulong pero puno ng galit, takot, at pagkawala ng pag-asa, “Sev… yung buong pamilya nila… patay na. Brutal. At yung babae… hindi pa natatagpuan. Siya ba? Siya ba yung iniwan mong duguan doon? Siya ba yung sinaktan mo?” Hindi na nakapagsalita si Sev. Pero tumango siya muli. At doon… Tuluyang nawasak ang buong pamilya. Ang mommy niya napahiga sa sahig kakaiyak, paulit-ulit ang “why, anak… bakit…” Ang daddy niya napa-upo sa kama, nanginginig ang kamay, hindi alam kung galit, takot, o desperado. At si Sev? Nakapikit. Humihikbi. At pabulong na paulit-ulit parang dasal, parang pagsisisi, parang sumpa. “I’m sorry… I’m sorry… I’m sorry…” At doon nagsimula ang impiyerno para sa lahat. Isang gabi pero puno ng kasalanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD