LUNINGNING POV “Ija… sigurado ka ba?” Mahina, nanginginig, pero puno ng pag-aalala ang boses ni Lola habang hawak niya ang balikat ko. “Baka hindi ka pa talaga malakas. Baka kailangan mo pa ng pahinga…” Dahan-dahan akong tumayo mula sa banig na higaan sa loob ng maliit niyang kubo. Isang linggo akong halos walang malay sa pangangalaga niya. At ngayon… kahit ramdam ko pa ang sakit ng sugat ko sa dibdib, mas matindi ang sakit na hindi ko pa nakikita ang bahay namin. Ang pamilya ko. Nilunok ko ang bigat sa lalamunan. “Lola… kailangan ko pong makita. Kailangan ko pong bumalik sa amin. Kahit sandali lang.” Tumingin siya sa akin, mahaba, mabigat, parang sinusuri kung kaya ko ba talagang harapin ang katotohanan. “Kung ’yan ang gusto mo, ija… hindi kita pipigilan. Pero sana… sana handa ka s

