THIRD PERSON POV
“Ija… ingat ka sa pagbiyahe, ha?” nanginginig ang boses ng matanda habang mahigpit na yakap-yakap si Luningning sa tapat ng maliit na kubo.
“Yes, Lola… salamat ho sa lahat,” mahinang tugon ni Luningning, ramdam ang panginginig ng kamay ng matanda. Parang ayaw siyang pakawalan.
“Hindi ko alam ang buong pinagdaanan mo, ija… pero nakikita ko sa mata mo na mabigat… sobrang bigat. Sana… sana hindi ka lamunin ng galit.”
Napapikit si Luningning. “Hindi ko naman ho hahayaan, Lola… pero kailangan ko ng hustisya. Kailangan ko hong tapusin ang sinimulan nila.”
“Balik ka dito kapag napapagod ka, ha? Kahit hindi mo na sabihin kung sino ka… anak kita dito.”
At doon siya tuluyang naiyak. Hindi siya binigyan ng mundo ng awa pero eto, may isang estrangherong nag-alaga sa kanya na parang apo.
“Salamat ho… hindi ko ho makakalimutan ‘to.”
Hinawakan ng matanda ang pisngi niya. “Ija… kahit ano mang pangalan ang piliin mo… kahit ano mang buhay ang pasukin mo… sana hindi mawala ‘yung kabutihan mo.”
Tumango si Luningning pero walang sinabi. Dahil alam niyang ang kabutihang iyon… matagal nang namatay kasama ng pamilya niya.
Pag-alis niya, ang matanda lang ang naiwan sa kubo, nakatanaw habang papalayo ang dilaw na tricycle na sinasakyan ni Luningning. Hawak-hawak nito ang panyo at pinipigilan ang hikbi.
“Kawawa namang bata…” bulong ng matanda. “Diyos ko, gabayan N’yo siya… lalo na’t hindi na niya gagamitin ang pangalan na ipinanganak sa kanya.”
Sa kabilang dako naman sa mansion ni Sev tahimik ang mansion ng Malvar family nang dumating ang kotse ni Sev mula sa paghatid sa parents niya kagabi. Sa loob ng malawak na living room, nakaupo siya sa malaking sofa walang emosyon, walang imik, nakabukas ang TV pero parang background noise lang sa tenga niya.
Parang wala nang kulay ang paningin niya. Isang linggo na siyang hindi halos natutulog, iniisip ang kasalanang hindi niya matakasan. Kahit anong pilit, hindi na mabura.
Nagpupumilit siyang huminga.
Hanggang sa biglang bumukas ang pinto at sunod-sunod na nagsiraan ang mga kaibigan niya.
“YO, BRO!” sigaw ni Cass habang nakataas pa kamay niya. “What’s up? Bro, mukha kang bangkay ah! Hahaha!”
“Parang sinapian ‘tong mokong, pre,” sabay tawa ni Kier.
“Grabe, dude, mukha kang hindi naligo for days,” dagdag pa ni Jarel, halakhak nang halakhak.
Si Ronan naman ay kumindat pa. “Bro, move on na. One week ka nang emo. It’s just a girl.”
Pero si Sev? Walang sagot.
Deadma.
Nanatili siyang nakatitig sa TV pero wala pa rin siyang marinig. Ang utak niya parang punong-puno ng putok ng alaala: iyak… takot… dugo… pakiusap.
Hanggang biglang nagbago ang tunog sa TV.
Breaking news tone.
Tumayo ang bawat balahibo sa batok ni Sev.
BREAKING NEWS REPORT
“Natagpuan na po ang katawan ng panganay na anak ng mag-asawang Dalisay…”
Parang huminto ang mundo.
Napalingon si Sev.
“Kinumpirma ng isang kamag-anak ang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng bracelet na suot nito…”
Biglang lumitaw sa screen ang picture ng isang bracelet.
“Ang babaeng natagpuan sa bangin ay si… Luningning Dalisay.”
At doon para siyang sinaksak ng sampung beses nang sabay-sabay.
“NO…”
Tuluyan siyang nag-collapse sa sofa habang nakabuka ang bibig, nanlalaki ang mata, nanlalamig ang buong katawan.
“Hindi… hindi… hindi…”
“BRO!” tawa ni Kier. “AHAHHAHA! Bro patay na nga! Grabe, dude, buti nalang!”
Sabay-sabay na halakhakan.
“Dude, imagine, 'yung pamilyang ‘yun wiped out. As in wala nang istorbo! Hahaha!” sigaw ni Cass.
“Tarantado mas masarap pa ‘yung bunso, pre!” hirit ni Jarel.
“Damn, pre, sayang hindi ako umulit doon!” dagdag pa ni Ronan habang halos hindi makahinga sa kakatawa.
Biglang napatigil si Sev.
Parang nagdilim ang tingin niya.
Dahan-dahan siyang tumayo, nanginginig ang panga, kumakabog ang dibdib.
“Sagot.” malamig na bulong niya.
“Tapatin n’yo ako… GINAHASA N’YO RIN BA SI LUNINGNING?”
Natigilan saglit ang apat.
Then naghalakhakan.
“PRE, OO!”
“HAHAHAHA!”
“Dude, masarap eh!”
“Ang lambot pa”
HINDI NA NAKAPAGPIGIL SI SEV.
SUMABOG ANG GALIT.
ISANG MATINDING SUNTOK ANG SUMAMPAL SA PANGA NI CASS.
“PUTANGINA MO!!!”
Nagdugo ang ilong nito.
Nagwala si Sev parang hayop na pinakawalan.
Sinuntok niya si Kier sa sikmura, tinadyakan si Ronan sa dibdib at sinabunutan si Jarel hanggang tumilapon sa glass table.
“YOU KILLED HER!” sigaw ni Sev. “PATAY NA SIYA DAHIL SA INYONG LAHAT!”
“PRE-PRE WAIT!” sigaw ni Kier ngunit sinalubong lang ito ng siko.
NAGKAGULO.
NABASAG ANG MGA DEKORASYON.
NAGKALAT ANG DUGO SA TILE FLOOR.
At sa gitna ng kaguluhan
“Ano ‘tong gulo?!” malakas na sigaw.
Dumating ang parents ni Sev kasunod ang parents ng apat na lalaki. Galing sila sa bigating business meeting.
Nagulat ang lahat.
Nakita nila ang mga anak nila: duguan, nag-aaway, nagbabasagan ng gamit.
“SEVERINE!” galit na sigaw ng ama ni Sev. “Ano na namang KALOKOHAN ‘TO?!”
Pero si Sev, hingal na hingal, umiiyak, nanginginig.
“DADDY!” halos mawasak ang boses niya.
“PATAY NA SIYA!” sigaw ni Sev. “Si Luningning si Luningning Dalisay! Patay na!”
Nanlaki ang mata ng ama.
Ang ina niya, natulala.
Ngunit mas lalo silang nagulat sa sumunod na sinabi niyang nanginginig ang labi.
“Dad… hindi ko siya pinatay… pero ginahasa ko siya.”
Sabay turo sa apat niyang kaibigan
“SILA! SILA ANG PUMATAY SA PAMILYA NIYA!”
Huminto ang lahat.
Parang may nagyelo sa hangin.
Ang mga magulang ng apat halos sabay-sabay lumingon sa mga anak nila na nakayuko, nangingisi pa ang iba.
“Totoo ba ‘to?!” bulyaw ng isang ama.
Tumawa si Cass. “Dad, chill. It’s just some poor family.”
HOOY.
SAPOK.
ISANG MALAKAS NA SAMPOK ANG IBINIGAY NG AMA NITO.
Kasunod ang iyak ng ina.
“ANONG KLASENG DEMONYONG ANAK ANG PINALAKI NAMIN?!”
“Dad…” nangingiti pa si Jarel, pero sinampal siya ng sarili niyang ina.
“DEMONYO KA BA?!!”
Si Sev naman, lumuhod sa sahig. Nangangatog. Umiiyak ng walang tunog.
“Dad… Mom… hindi ko alam… hindi ko alam… hindi ko sila pinatay pero… dahil sa akin nawala siya…”
“SEV!” umiiyak ang ina. “Ano’ng ginawa mo sa buhay mo?!”
“Ako ang may kasalanan…” nanginginig ang boses niya. “Kung hindi ko siya ginahasa… kung hindi dahil sa pustahan… baka buhay pa siya… baka buhay pa pamilya niya…”
Niyakap siya ng ina pero umiiyak nang parang wasak.
Ang ama naman, halos hindi makapagsalita.
“Sev… anak…” nanginginig ang boses ng ama. “Hindi ka namin pinalaki na ganito… hindi ka namin pinalaki para maging… halimaw.”
At doon doon tuluyang bumagsak si Sev.
Umiiyak na parang batang natanggalan ng kaluluwa.
Sa isang ordinaryong bus na umaandar sa NLEX…
Tahimik na nakaupo si Luningning.
May hoodie. May mask. May bagong buhay na dala-dala.
At may bagong pangalan sa isip niya.
Hindi pa niya sinabi sa matanda, pero nakaplano na.
Sa kanyang kandungan, hawak niya ang cellphone na binigay ng matanda.
At sa screen nakabukas ang balita.
“… natagpuan na ang katawan ni Luningning Dalisay…”
Dahan-dahang sumilay ang mapait na ngiti sa kanyang labi.
Hindi siya ang bangkay.
Hindi siya ang naagnas.
Pero sila ang pumatay sa pamilya niya?
Sila ang unti-unting maaagnas.
Hindi sa bangin…
Kundi sa kamay niya.
“Game na tayo.” mahina niyang bulong.
At tumingin siya sa malawak na kalsadang tinatahak ng bus.
Tungo sa Maynila.
Tungo sa paghihiganti.
Tungo sa bagong pangalan.
At pakikipagsapalaran.....