SEV POV Apat na taon na ang lumipas mula noong huli kaming nagyakap ni Mutya sa loob ng malamig na pasilyo ng City Jail. Pero hanggang ngayon, ramdam ko pa rin sa balat ko ang yakap niya parang marka na hindi nabubura. Sa bawat pagtulog ko sa malamig na kama, sa bawat paggising ko sa umaga, isa lang ang sigurado: Mahal ko pa rin siya. Hindi kami nagkita ulit. Mga sulat na lang ang dumarating. Mga liham na amoy hangin sa labas amoy kalayaan. Doon lang ako kumukuha ng lakas. Doon ko nararamdaman na kahit nakakulong ako, may isang taong nagdarasal pa rin para sa’kin. Pero ngayon… iba na ako. Hindi na ako yung Sev na takot, nagtatago, at laging tumatakbo mula sa konsensya niya. Ngayon… natuto na akong huminto. Humarap. Lumpasay. Umiyak. At sa huli… magpatawad sa sarili ko. Hindi madali

