CHAPTER 10
GAN POV
PATULOY ANG PALITAN ng putukan mula sa aming sasakyan at sa nakasunod samin. May dalawa akong katabi na armado. Si Papa naman ay nasa unahan kasama ng driver.
Nakikipagsabayan rin si papa sa putukan habang ako ay nakayuko. Kasabay nito ay may dalawang sasakyan na sinalubong kami at siya namang humarang sa highway na siyang pumalit na nakipagsagupan sa hulihan.
Malaya na naming binabalagtas ngayon ang EDSA road pabalik sa makati kung nasaan naroon ang isa sa mga penthouse namin ng asawa ko.
" Hey dad, where is my wife?" Urada kong tanong kay daddy dahil alam kong magkasama sila. Kapapasok pa lamang namin ng bahay.
"Tsk, nakita mo bang kasama natin!? " sagot niya bago ito tumalikod at kinuha ang kanyang phone sabay tawag.
Wari ko ay mainit ang ulo ng aking ama.
"Hija!? Ano na? " huli kong narinig bago ito nakalayo sakin.
Its my wife. Ang asawa ko lamang naman ang tinatawag nya ng hija. She's totally back! Yeahhh! Miss ko na sya.
At maya maya ay nakita kong nagmamadali si daddy na lumabas ng bahay. Susunod na sana ako ng may tauhan itong humarang sakin.
"Boss, hindi po puwede. Ikaw ang target kaya dito lang tayo utos ni Maam. " isa sa tauhan ni dad na ngayon ko lamang nakita. Mga nakabusiness suit pa ang mga ito at hindi mo mapagkakamalang tauhan ni dad.
"Nga pala sinong tumadyak sakin kanina huh!?" nang maalala kong bigla nga pala akong napasubsub sa semento at mabuti nalang at naagapan kong hindi ang aking mukha ang sumubsob sa sahig, kundi ang aking braso kaya nagtamo ng gasgas.
"Sir, hehe si Bautista po, eh kung hindi nya hoh ginawa yun malamang sa malamang pinaglalamayan na po kayo! "
"May sniper po kanina sir, kaya walang choice kundi ang sipain kayo. Napuruhan nga lang yung katabi nyo kanina, tinamaan."
Sa narinig ko ay baka si Black ang may gawa nun. Pero bakit pati ako ay tinatarget?
SOLEX POV
Nakarinig ako ng putok ilang sandali lamang ng pagpasyahan kong sundan si Mi Vida. Nagkagulo sa loob ng first floor ng club kung kayat nahirapan akong lumabas lalo nat may mga nakahandusay at pilit na gumagapang ang ilang tinamaan ng ligaw na bala.
Inilabas ko ang nakatago kong baril sa aking likod at ikinasa ko ito. Napansin kong may nakatingin sakin. Mga guard ito ni Gan. Suminyas ako para coveran nila ako. At ng makalapit ako sa kanila at ginawa naman ito ng dalawa kung kayat mabilis naman akong nakapwesto sa kanyang tabi.
"Si Vida!? " agad kong tanong.
"Sir sumakay po sa motor matapos na kunin ni boss Salvador ang kanyang anak. Hinabol nya po ang nakaitim na van na nakitaan nya ng kahinahinala. May tama po si Maam sir. "
"f**k! " agad kong tinawagan ang numero ni Vida. Automatic naman niyang sinagot ang tawag ko at sinabi nya lamang ang lugar saka nawala sa linya.
"Cover me! " muli kong utos sa katabi ko at nakipagpalitan muli ito ng putok. Sa likod ako dadaan at malaya nga akong nakalabas.
Mula sa likuran ay nakita ko pa ang mga kalaban kung kayat bago ako makaalis ay nagpaputok narin ako at siniguro kong nagpabagsak ko ang tatlo. Pinasunod ko ang mga tauhan ko sakin.
Nagmamadali na akong umalis dahil sa nag-aalala ako kay Vida. Nakatanggap ako ng text mula kay Vida at tinutumbok nito ang Quezon. Gamit ang navigation ko ay dinala ako nito sa isang abandunadong building.
Pagkababa ko sa aking sasakyan ay dali dali akong dumiskarte sa paglapit sa malaking gate ng abandunadong building. Walang kabahayan sa paligid at magubat. Mabuti na lamang at bilog ang buwan kung kayat naaaninag ko ang paligid.
Nakita ko si Vida na nagpapalipad ng shakuren at ngayon ay nakikipagsabayan gamit ang kanyang katana. Napansin kong may baril na nakatutok na sa kanya sa bandang kaliwa ko na hindi napansin ang aking presensiya kung kayat ako naman ang agad na kumilos.
"f**k!" ako naman ngayon ang hinahunting ng mga armado ngunit maagap ang aking mga tauhan.
Si Vida ngayon ay inaataki ng mga kalalakihang may mga samurai!!!!
"Kaishi!!!!! Koroshimasu!!!!!" (Sugod! Patayin!) dinig ko pang sigaw ng mga kalalakihan.
Mga dayuhan! Mga hapon! Sino sila!?
"Watashitachi wa anata o koroshimasu!" (kami ang papatay sa inyo! ) tugon naman ng isang lumitaw matapos magpakawala ng mga shakuren.
May hawak narin itong samurai at katabi ni Vida. Si Tito Salvador ito at may dalawa pa itong kasama na may hawak ring samurai. Nakipaglabanan na sila ngayon.
Na kay Vida ang aking paningin . Mabilis ang kilos nila at pinipilit kong habulin ang bawat galaw nila. Pinapaputukan ko ang mga tauhan nilang si Vida ang target. Ito ang napansin ko. Kaya naman dito na ako nakafocus.
Ang hanapin ng mga tauhang pilit na nagtatago at naghahanap ng pagkakataon upang paslangin si Vida.
Nakita kong biglang nawalan ng malay si Vida at tangka na itong sasaksakin ng samurai ngunit naging maagap ako. Pinaulanan ko ito ng bala.
Dalawa sa tauhan ko ang mabilis na nagback up sakin habang patakbo kung nilapitan ang katawan ng babaeng mahal ko.
Nasa kaliwang braso niya ang tama ng baril. Agad ko na itong pinangko sa aking braso at tinungo ang pinakamalapit naming sasakyan. Naiwan si tito Salvador at ang iba kong tauhan para tulungan ito.
Agad ko ng pinaandar ang sasakyan. Kailangan naming nakalayo rito dahil sa patuloy parin ang putukan. Nagliliparan rin ang mga shakuren dahil halos mga may kasanayan ang mga ito sa ninja skills.
May umalalay samin na sumasalag ng mga ito na ipigpapasalamat ko.
Halos paliparan ko na ang dala kong kotse habang nakasunod sa likuran namin ang aking ibang tauhan at nakikipagpalitan parin ng putok. Sinusundan kami ngayon ng iba pang tauhan ng mga hapon.
Tumawag muli ako ng back up mula sa pinakamalapit na mafia sa kinaroroonan namin. malaki ang naitulong nito upang makalayo kami. Sa mansion ko siya dadalhin.
Dilikado kung sa hospital dahil maaari nilang matrace si Vida. Ang private doctor ko naman ay agad kong kinontact at pinasundo ko narin ito sa kanyang kinaroroonan upang sa ganun ay naroon na siya o magkasabayan pa kaming dadating sa mansion.