CHAPTER 9

1342 Words
SOLEX POV MAG-AAPAT NA BUWAN NA buhat ng umalis si Mi Vida papuntang China at tatlong buwan na akong naghahanap kung nasaan siya. Dalawang beses ko lamang ito nacontact sa unang buwan at hindi na ito nasundan. Matapos ang isang buwan ay sumunod ako sa China at inalam ang mga huling distinasyon niya. At dito ko nalaman na lumipad ito patungong Japan. Bumalik ako ng Pilipinas matapos ang halos isang buwan kong pananatili sa China at nagpadala ako ng tauhan sa Japan. Ngunit wala man lamang kaming makitang trace nito. Si Gan, hindi ko man lamang makita ng pag-alala para sa kanyang asawa. Sahalip ay ang babae nitong si Beatres ang laging kaharutan. Narito kami ngayon sa sa batangas racing circuit. Weekend ngayon kung kayat narito ang lalaking ito. Kailan lamang ay lumaban ito sa Colorado at agad ring bumalik matapos mapagtagumpayan muli ang kanyang laban. May conference meeting din ito sa Singapore nung kamakailan lamang at si Beatres din ang kasama nito. Tsk! sa totoo lang ayaw kong bantayan ang undas na ito kung hindi lang sa pinakiusapan ako ng babaeng mahal ko. Gusto ko itong komprontahin ngayon at nagbabakasakali akong may makukuha akong impormasyon. Kasama nya ngayon si Beatres na nakapulupot nanaman sa kanya. Akma na sana akong lalapit ng napatigil ako ng biglang may bumara sa dadaanan ko. Kilala ko ang taong ito, at mas lalo ng ibinaba niya ang kanyang salamin sa ilong at agad rin niyang ibinalik. Napahalakhak ako at di ko na napigilan yakapin ito saglit. "Mi Vida!!!!! Mi amour......!!! " bulong ko sa kanyang teynga. "Hangal! May media! bitaw. " tugon niya sakin kaya agad narin akong bumitaw. "Huh!!!! Shadow huh! Why I smell something fishy for both of you?" si Gan na bigla na lamang lumitaw sa aking harapan kung kayat humarap dito si Vida at sa kanyang harapan at kitang kita niya kung paano pumulupot sa bisig niya (Gan) si Beatres. Hindi ako umimik pero inakbayan ko si Mi Vida sabay talikod sa mga ito matapos ko iwanan ng ngisi ang lalaking ito. Pumasok kami sa loob ng sasakyan ko. Wala akong pakialam kung ano ang isipin nila. "Pahiram ng buddy mo Solex. Tuturuan ko lamang ang magaling kong asawa na nakikipaglandian sa mismong harap ko. " "Sure. Pero marami kang ikwekwento sakin mamaya ha. " sabay halik ko sa kanyang pisnge at bumaba na ako sa aking sasakyan. "Hey Mr. Sy, i bit my penthouse in London. You gonna loss the game again. How about you? " pangbawe ko sa hay*p na toh. GAN POV "F*ck dude! Just make it sure na kaya mong ipusta yun. " sagot ko ng bigla nanaman akong kabahan. Iniisip ko ang pwede kong itapat dito. May pinundar akong resort dito sa Batanggas ngunit hindi iyon sapat para sa sikat niyang penthouse sa London. Kailan lang ay ito ang naging topic sa isang sikat na magazine. Ayaw ko namang bigyan ng problema ang asawa ko dahil pareho lang naman kaming open sa isa't isa pag dating sa financial. "How about be my slave in my company for one week eh!? Alam kong kahit bilyunaryo ka eh you can't decide by your own dahil may asawa ka, but look at you Mr. Sy, di ka ba aware na your wife is the goddess woman in this world? at nagagawa mo pang magluko, but anyway she will be mine soon. " saka ito tumalikod sakin at humanap ng magandang puwesto sa audience station. Para akong nabinge sa huli niyang sinabi! Ngayon palang halos kumakawala na ang usok sa ilong ko sa galit. That Solex, kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Kilala nya ang asawa ko at, papaano nya nalaman ang tungkol sa asawa ko? P*utangna! Ako na ang kusang kumalas sa mga kamay ni Beatres na nakapulupot sakin. Ahhhh shiiit!!!! "Hon! " rinig pa niyang tutol ni Beatres. Four months na kasi itong di nagpaparamdam sakin at si papa. Nililibang ko lamang ang sarili ko pero for four months hindi naman nawala sa isipan ko si Vida. Nakikipagtalik ako kay Beatres pero may proteksiyon. Simula ng may nangyari samin ng aking asawa naging maingat naman ako. Kaya lang ang putcha, sinasabing nabuntis ko siya at wala pa akong ginagawang aksiyon dito. Tsk, alam kong safe ko siyang ginagamit. Dali dali na akong sumakay sa aking sasakyan. Hinampas ko ng dalawang kamay ang aking manubela dahil sa matindi kong inis. May mga journalist ngayon dito at kumakalap ito ng ibabalita sa sport news. Kailangan kong manalo ngayon lalo pat narito si Shadow. Putcha, isa pang pagkatalo at kapag mapapahiya ako dito, ay di na ako mag-aalinlangan patayin ito. Sampo kami ngayon sa racing field. Maka top 3 ka lamang ay may makukuha ka namang prizes. Legit naman ang laro ngayong araw. Dagdag collection rin ang trophy na makukuha ko ngayon kung sakali na hindi ako mapapahiya. Shiiit nagiging negatibo ako kapag nasa field si Shadow. Nasa ikalawang linya ako at habang siya naman ay nasa ikaapat. Suot ko narin ang aking helmet. Naghihintay na lamang ng hudyat upang kumaripas ng pagpapatakbo ng aking sasakyan. At hito na nga, kumakarera na ako, nakikipagsabayan ako sa bilis ng pagpapatakbo ng mga kasamahan ko. Ibinigay ko ang concentration ko sa bawat kurba ng track. Kailangan ng ibayong pag-iingat. May ilan akong nakasabay sa pagliko. At sa pangalawang pagliko ko ay nauna ang dalawa kaya naman kitang kita ko na sabay na tumaob ang dalawa ng mabilis na sumalpok sa isa't isa. Kasabay nito ang pagsumpirit ng isa pa sa aking harapan na parang enjoy na enjoy itong nakikipagsabayan sa akin ngayon. "F*ck!!!! " ang Ford ni Solex nagamit ni Shadow. Ang sasakyan nya ay isa rin sa magandang pangpangangera. Bumusina pa ito bago sabay naming narating ang finish line. Ngunit ng maereview ang camera ay si Shadow ang unang nakastep in sa finish line, shiiit!!!!! Halos ayaw kong tumapak sa ikalawang podium para sa top 3. But I need to be sport. Matiim akong nakatitig sa kinaroroonan ngayon nila Solex at Shadow na nag-uusap ngunit sakin nakatutok ang kanilang paningin. Buo na ang aking desisyon. Agad na akong sumakay sa sarili kong sasakyan at nag-iwan ako ng mensahe kay Black. I have no idea about the name of this man. Only his alyas, shadow. Magaling ang aking assisanator kung kayat di ko na proproblimahin ang taong iyon. Biglang sumakay sa aking shotgun seat si Beatres kung kayat walang imik ay sabay na namin nilisan ang Batangas. Sa Axes Club kami tumuloy sa Boulevard. Dito na kami nagpangita ng tropa at nila Brian. "Tol sagot mo ha! Laki ng panalo mo eh! " si Marco na tinapik si Brian na subra ang ngisi. "Shuuut up!!! Just order mga bro, ako na ang bahala! " si Brian na humahalik sa leeg ng babaeng kayakap niya habang si Beatres naman ay naglilikot ang kamay sa aking dibdib at naglalaro ang labi sa aking leeg. Sumisimsim ako ng alak ng mapansin kong nasa kabilang coach sila Solex at ang tropa nito. Kasama ang laging naka cap na si Shadow pero sa unang pagkakataon ay wala na itong mask. Natabig ni Solex ang sumbrero nito ng umakbay siya kay Shadow. Sinasabi ko na nga ba, bakla ang hayop. May ibinubulong pa ito sa lalaki bago tumayo si Shadow. Hinayaan lamang ito ni Solex. "Hey Beatres, CR lang ako!" paalam ko sa dalaga kung kayat bumitaw siya sakin. Sinundan ko si Shadow palabas ng club. May tinagpo lamang ito sa labas at papasok muli. Wala akong mapagtaguan kung kayat nagpasimpleng tayo na lamang ako. Ang putcha, titig na titig sakin ang taong ito. Ang lamig ng kanyang mga mata. Bakit ganun, bakit parang may mali? Bakit parang galit itong tumititig sakin at pumintig naman ng mabilis ang puso ko. Lalampasan na sana niya akong ng bigla nalang may tumadyak sakin at kasabay nito ay ilang mga putok ng baril ang maririnig. Nakadapa ako ngayon sa intrada ng mahulog ako sa ikalimang palapag ng hagdan. Maya maya ay may humila sakin at agad akong nakapasok sa di kilalang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD