CHAPTER 16

1028 Words
CHAPTER 16 MI VIDA POV APAT NA buwan na akong nagdadalangtao tao. Nasa Japan kami ni papa ng malaman kong nagdadalangtao tao ako dahil sa bigla nalang akong nawalan ng malay ng mga oras na sinusundan namin ang anak ni Morinaga sa Tokyo. Dinala ako ni papa sa pinakamalapit na clinic at napag-alaman ni papa na 12 weeks na noon ang aking pinagbubuntis. Ayaw ni papa na ituloy ko ang plano naming pagpasok sa loob ng training camp ng mga yakusa ngunit mapilit ako. Kaya ko ang aking sarili. Si papa at laging nakasubaybay sakin hanggang sa ngayon. Subalit pagkarating namin dito sa pilipinas, apat na araw na nakakalipas ay napag-alaman kong nagdadalangtao tao si Beatres. Lalo pa ng muli ko siyang makita na kasama nya sa racing field ang babae. Yung pagtingin ko kay Gan ay mabilis ding nalusaw. Bumalik rin agad sa yelo ang nararamdaman ko. At sa gabing ito, hindi ko lubos maisip na nabuhay ang dugo ko sa mga ugat na dumadaloy dating katawan. May lolo pa ako. May pamilya na ako. Ang akala ko ay nag-iisa nalang ako.... Ngayon ay nabuhay akong muli. Ang dami nyang alam sakin sa maikling panahon lamang at maging ang pinagbubuntis ko ay alam rin niya. Ako, kasama ang aking lolo at ang anak ko.... **** SALVADOR POV NAKITA kong may lalaking lumapit kay Vida. Palihim akong lumapit sa mga ito at malinaw kong narinig ang kanilang pinag-uusapan. Tama ang aking hinala na may kaugnayan sa buhay ng aking alaga si King Charles Martinez. Masyadong malihim si Señor Sebastian ay ang kanyang asawa. Wala talaga akong alam sa buhay ng mga ito bukod sa black organization na isinasagawa sa Hell Island. Magkahiwalay ang table namin ng aking anak na si Gan at kasama ko ngayon ang kanyang babae. Sa totoo lang ang laki ng problema ko ngayon. Oo, ako ang namomoblema ngayon. Hndi ko masabing nagkulang ako sa pagpapaalala sa anak ko. Nagdadalangtao si Vida sa kauna unahang apo ko at hindi ko inaasahan na may isa pa. Kung kay Vida ay walang duda na anak ni Gan ang pinagbubuntis nito ngunit dito sa katabi ko ay hindi ko masabi. Maaaring oo dahil simula ng magkaroon ng ugnayan ang dalawa ay hindi na nakipagrelasyon ang dalaga kahit na kanino. Ngunit hindi parin ako makakatulong dahil apat na buwan ko siyang hindi nasubaybayan. Malikot ang aking mga mata. Hindi ko rin nilulubayan ng tingin si Gan hangganang sa nilapitan ito ng lalaking lumapit kanina kay Vida. Humingi ng permiso ang aking anak sa pamamagitan ng mata kung kayat sumang-ayon ako. Si King Charles Martinez ay ipinakilala na sa lahat at dahil malayo ito sa kinaroroonan ko ay may nakafocus naman na camera dito. Dito ko namataan si Solex na nahagip ng camera. Kaya mabilis kong hinagilap ng mata ang binatang ito sa kalayuan at nakita kong pumasok ito sa isang silid. **** "Why so tagal ni sweetiepie Dael ko Mr. Lee!? Asan na ba sya!?" Nakapout si Levi na nagtatanong kay Solex "Tsk!!! Binakuran mo na, nakawala pa sayo!? " mapang-asar na tugon nito sa dalagang doctor na kanyang katabi. " Why so sungit ka ba, akala mo naman nakagwapo sayo yan!!!? " "Matagal ko ng alam na gwapo ako chicken girl! " "What!? Why chicken ha? Im Miss Levi Mr. Sungit! " "Slow mo rin talaga noh..... Putak ka ng putak, ang daldal mo in other word. Tsk! Stay here may pupuntahan lang ako. Dont go anywhere okay. " HINDI makapaniwala si Solex sa kanyang nakikita. Kanina lang ay nakatanggap ito ng text na pinapapunta siya sa isang silid kaya naman nagpaalam ito kay Levi na may sasaglitin lamang siya. Agad siyang pinapasok sa isang silid na kanyang ikinagulat. "Whoooaaah! Mi Vida mie amor... What the!!! Nakakahanga ang ganda mo mahal ko.... This is the first time na nakita kitang nakapangbabae. " "Shut up Solex. I have a favor. I will be gone again for a year. At alam mo na kung ano ang pinapakiusap ko. " "f**k! You've been out of my sight for four months ... and now it's the year !? I almost lost my mind to find you. No, take me with you wherever you go!" aborido nitong boses... "I'm not like your husband who is just complacent even when you're not by his side Vida. How many times na dapat kong sabihin na ako nalang ... you know how much I love you and will protect you kahit kapalit ng buhay ko Vida...." dagdag pa nito na nakapagbigay ng malalim buga ng paghinga ni Vida. "Bahala ka. Its your life anyway. You can visit me there if you want. I'll stay with my lolo Solex. " nakangiti nitong sabi na ito rin ang kauna unahang nakita ni Solex sa labi ni Vida. Bigla niya itong niyakap ng mahigpit. "Oh my God. This is the first time I saw you smile perfectly Mi Vida. I am so happy seing you like that. Sana magtuloy tuloy na ang ngiti mong iyan mahal ko.... Salamat." wika nito ng muling bumukas ang pinto. "Chère princesse, je suis désolé, il est temps." (Excuse po, wawalang galang na po mahal na prinsesa, oras na po.) Kumawala sa pagkakayakap si Solex kay Vida. **** Nanginginig ang mga kamay ni Gan na hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa. Hindi siya makapaniwala na narito na ang asawa niya sa kanyang harapan. Malamig ang mga mata nito sa kanya. "My wife.... " "Just escort me tonight Gan. Nothing more. Then start tomorrow, Beatres and you will be free. " Halos sakluban ng panlalamig ang katawan ni Gan sa kanyang narinig na nakapagpahigpit ng yakap niya sa asawa. "My wife..... I'm sorry... Please don't do this.... " puno ng pagsusumamo ng boses ni Gan. "......let's welcome the crown Princess Sy, Mi Vida Martinez with his husband Mr. Gan Sy. " doing nilang wika ni President Suerte. Bumitaw sa pagkakayakap si Gan at bago sila naglakad patungo sa designated table nila ay kinintalan niya ito ng halik sa labi ngunit hindi tumugon sa halik si Vida. Malinaw itong nakita sa screen ni Beatres at namalayan na lamang niyang lumuluha na ang kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD