CHAPTER 15

1425 Words
IPINASOK SIYA SA ISANG SILID NI ENRICO AT DALAWANG TAO ANG SUMALUBONG SA KANYA bago siya iniwan ng lalaki. "Nous sommes heureux de servir la chère princesse. Moi, Monic, je prendrai soin de vous." pakilala ng isang pormal na babae kay Vida. (Kinagagalak po naming pagsilbihan ang mahal na prinsesa. Ako po Monic, ang mag-aayos po sa inyo. ) "Je suis Anastacia, je fais aussi partie de ceux qui te répareront chère princesse. C'est un honneur que le cher roi nous ait choisis pour vous servir ce soir. Tout est prêt. S'il vous plaît, faites confiance à notre capacité." wika naman ng isa. (Ako naman po si Anastacia, isa rin po ako sa mag-aayos sa inyo mahal na prinsesa. Isa pong karangalan na kami ang napili ng mahal na hari na kayo'y palingkuran ngayon gabi. Nakahanda na po ang lahat. Magtiwala po sana kayo sa kakayahan namin. ) Hinayaan na lamang ni Vida na nagpatianod siya sa mabilisang kilos ng dalawa. Ang kaninang three suit niya ay naging isang kaaya ayang raffle off shoulder golden fitted gown kung saan ang haba nito sa likod ay sumasayad ng isang metro sa akala mo ay may kapa siya, subalit ang sa harapan ay above the knee ang haba na nagpakita sa ganda ng kanyang mga binti. Style long sleeve ito na nakaraffle. Isang eleganting golden fashion dress ito na swak sa kanyang katawan. May tiara rin siya sa kanyang ulo na sumisimbolo sa pagiging crown princess niya at ang kanyang suot sa talampakan ay kumikinang na style boots. Halos trenta minuto lamang ang tinagal nila sa loob ng silid na yun. "C'est fini, chère princesse. Tu es vraiment très belle et tu ressembles à feu la chère reine, ta grand-mère. Nous voulons que vous soyez heureux de rencontrer le cher roi." (Tapos na po mahal na prinsesa. Napakaganda nyo po talaga at kawangis nyo po ang yumaong mahal na reyna, ang lola nyo po. Hangad po namin na kayo ay magalak sa pagkikita nyo ng mahal na hari. ) "Merci. " maikling sagot ni Vida na kalakip ang munting ngiti sa kanyang labi. (Salamat.) Ito ang kauna unahan niyang ngiti mula ng siya iwan ng kanyang mga magulang. Muli siyang nakaramdam ng pag-asa sa katauhan ng sinasabi nilang Charles Martinez. Mula ng marinig niya ang pangalang ito sa Japan ay ginulo na siya nito. At hindi pa man siya kumikilos ay hito nat si Charles na ang lumalapit sa kanya. Narinig niya ang tatlong katok sa kwarto na kinaroroonan niya kung kayat binuksan ito ni Anastacia. Oras na upang lumabas siya ng kwartong iyon dahil sinundo na siya ni Enrico. Sinalubong sila ni President Diego Suerte at malugod siyang binati at hinalikan ang kanyang kamay. "Hindi ko inaasahan na nasa Pilipinas pala ang nawawalang anak ni Señor Sebastian Martinez at ikaw pala ang tinutukoy nilang nawawalang apo ng hari ng France. Kinagagalak kitang makilala Prinsesa Mi Vida Martinez. " "Mi Vida Martinez Sy, sir. " "Ohhh yeahhh, I forget na asawa ka nga pala ni Mr. Gan Sy. Sana lang maaga kitang nakilala my princess... " si Diego na bakas ang panghihinayang sa kanyang boses. Si President Suerte ay binatang presidente ng pilipinas. Mababakas na mukha niya na siya ay lubos na humahanga sa gandang taglay ni Vida sa kanyang harapan. Inoffer niya ang kanyang kamay at ito na ang naghatid sa kinaroroonan ng kanyang lolo. Wala pang isang minuto ay narating nila ang pinakadulong flat ng hotel. Mapapansin na maraming security ang bawat sulok ng hotel na ito simula ng siya ay pumasok sa gusaling yun. Hindi niya inaasahan na pati ang president ng pilipinas ay makikiisa sa event na ito at kasama pa niya, lalo na ang hindi niya inaasahang may lolo pa siya sa side ng kanyang ama. "See you at the party Princess. Enjoy this night with your grandfather. " wika nito at muli siyang hinahagkan sa pisngi at inabot ang kumpol na dilaw na rosas mula sa taong sumusunod rin sa kanila. "I hope so Sir. Thank you. " simple niyang sagot dito at ngumiti na ikinapula ng binata. "You look more beautiful when you smile. napakaswerte ng iyong asawa. " Agad na binuksan ni Enrico ang pintuan ng silid na kinaroroonan ni King Charles kung saan ang hari naman ay inaabangan sila. Saka umalis si Suerte na may noon baong ngiti sa kanyang labi kahit na may kirot sa naramdaman ang kanyang puso. Nakakailang hakbang pa lamang si Mi Vida ng magtagpo ang mata nilang maglolo. Kitang kita ng kanyang mga mata na sila ay nagpapaligsahan sa pagluha. Mula sa kaibuturan ng puso ni Vida ay damang dama niya ang lukso ng dugo para sa matandang nasa kanyang harapan. "Mon très cher petit-fils.... Je t'ai enfin vu.... oh Sébastien fils, regarde la princesse des Martinez, c'est mon indéniable petit-fils !!!! Mi Vida !!!! ma princesse !!!" sumisikdo na pahayag ng matanda. (Ang pinakamamahal kong apo.... nakita narin kita sa wakas.... oh Sebastian anak, tingnan mo ang prinsesa ng mga Martinez, hindi maikakailang apo ko nga siya!!!! Mi Vida!!!! my princess!!! ) Mabuti na lamang at water proof ang make up ni Mi Vida at kahit na marami pa ang kanyang iluluha ay di maapektuhan ang kanyang kagandahan. Agad siyang niyakap ng kanyang lolo at hindi na niya napigilan pang humagulhol sa balikat nito. Hindi inaasahan ni Vida na muli siyang mabubuhay sa yakap ng kanyang lolo. "Tu n'es plus seul mon petit-fils.... ton grand-père est là... te protège... Il est temps pour moi de te présenter ma chère princesse.... viens.... n'aie pas peur... Alors ce soir, permets-moi de t'emmener d'abord dans le royaume pour le bien du bébé dans ton ventre. Je vais d'abord t'éloigner de ta femme..." (Hindi ka na mag-iisa apo ko.... narito na ang iyong lolo... proprotektahan kita... Ora's na para ipakilala kita mahal kong prinsesa.... halika.... huwag kang matakot.... pagkatapos ng gabing ito ay pagbigyan mo akong isama kita muna sa kaharian para sa ikabubuti ng sanggol sa sinapupunan mo. Ilalayo muna kita sa asawa mo na.... ) Tanging ang pagtango lamang nito ang naging hudyat para sa hari na sumasang-ayon ito sinabi nito. Oo, si Mi Vida ay apat na buwan ng nagdadalangtao. Hindi ito halata sa kanya dahil maliit parin ang tiyan nito na halos walang pinagbago. **** Kasalukuyang kinakausap ni Gan si Mr. Chua ng China na interesado sa kanyang business na maginvest at handang magkaroon ng branch sa bansang China ng mapansin niya si Shadow na dumaan sa kanyang harapan. "What the..... -" bulong ng kanyang isip. Ang alam niya ay tinapos na ito ni Black ngunit pumalpak ata ang kanyang assasinator. Ang isa pang nakakabahala sa kanya ay ang pagtibok ng kanyang puso ng tulad sa nararamdaman niya para sa asawa. Hindi niya inaasahan na makikita niya ang shadow na ito sa ganitong event. Agad na umikot ang kanyang paningin at nakita niya si Solex na malapit lamang sa kanya at tinapunan siya nito ng nakakalukong ngiti habang nakapamulsahan ang isa nitong kamay at may hawak naman ng kupita ng alak ang isa niyang kamay. Kanina pa nagsimula ang program at ang oras na ito ay tumahimik ang lahat at nagsipag-upuan na sa mga itinalagang upuan para sa kanila dahil sa pakisuyo ng emcee. Sinalubong ng masigabong palakpak ang paglabas ni President Suerte sa entablado na hindi inaasahan ng mga panauhin pero naging usap usapan na ito kanina at naririnig ni Gan. "Mr. Gan Sy, please follow me," si Enrico na alam na alam na niya ang kanyang gagawin. Tumayo naman si Gan at nagpatianod sa lalaking lumapit dito ng sinenyasan siya ng ama na sumama. "I am pleased to inform you that tonight we have a special guest from France. We are honored that the royal king visited us. Let's welcome, King Charles Martinez! " kalagitnaang speech ng president na syang lumabas naman ng matanda at binigyan ito ng spotlight patungo sa designated table niya at pinalakpakan ito ng mga panauhin. Binigyan naman ng magandang ngiti ng hari ang lahat ng nasa paligid. " He joined us tonight to lend the good news... he is ready to invest in the four corners of our country. Bukod doon ay he will build a foundation for the basic assistance for Filipinos. And now we are grateful for its presence that will greatly contribute to the economic development of the Philippines." " Let's welcome also his only grandchild, let us meet the crown princess Miss Sy, Mi Vida Martinez." tinig ni President Suerte na nakaagaw ng pansin kay Gan at nagpatigil sa kanyang paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD