Kinahapunan ay kasama ko si Stephanie na pumunta sa bayan. Sumakay pa kami ng traysikel para makarating sa bayan. Mabuti nga mayroon ng sasakyan dito dahil noon ay motorsiklo lang ang sinasakyan namin. Mabuti at naisipan kong mag-withdraw ulit bago kami pumunta rito sa Catanduanes. Ayaw na kasing gamitin ni Stephanie ang atm. Kahit ako naman. Wala lang akong choice ngayon dahil wala pa akong trabaho. Bukas na bukas ay maghahanap ako. Namili kami ng mga gamit sa bahay. Tatlong plato lang muna ang binili namin at ilang piraso ng kutsara't tinidor. Isang kaldero at kawali, at saka iba pang mga gamit sa kusina. Bumili kami ng maliit na gas stove para maging lutuan. Pati banig at limang pirasong unan ay bumili na rin kami. Bundle kasi 'yong unan kaya binili na namin. Gusto ko sanang bilhan ng

