Noong makauwe na kami ay pinag-impake ko si Stephanie. Kaunti lang din ang damit ko kaya hindi na ako nahirapan sa pag-iimpake. Mabuti na lang din at wala na sila nanay sa bahay. Hindi na ako mahihirapan pang magpaalam. Nag-iwan na lang ako ng sulat sa kay nanay. Alam ko na magagalit siya sa akin pero babalik na lang kami kapag ayos na ang lahat. Pagkatapos namin ay umalis na rin kami agad. Kanina ko pa iniisip kung saan kami pupunta ngayon. Buti na lang at nakita ko si Lito. Napangiti ako at biglang nagkaroon nang ideya. Alam ko na kung saan ko siya dadalhin. "Where are we going, Aga?" tanong ni Stephanie pagkababa namin ng traysikel. Hila-hila ko ang malaking maleta niya. Mayroon ding nakasukbit sa aking backpack na may laman na mga damit ko. Mayroon pang dalang malaking bag si Ste

