Blurb
"This is bad," bulong ko sa lalaking ngayon ay sumampal sa kapatid ko. Oo, lalaki sumampal. Mukhang isa ito sa mga laruan ng kapatid ko.
Nasa 3rd row ang sexuality ng kapatid ko. Oo, support ko siya doon kahit kailangan pang itago ko iyon sa sarili namin na mga parents.
Support ko siya sa kahit na saan ngunit hindi dito. Kababalik ko lang galing sa France tapos ganitong eksena ang makikita ko matapos ko tangkain na sunduin ang kaisa-isa kong kapatid na lalaki.
Ilang beses ko na ba sinabi kay Yulo na kahit pa anong gender ng taong iyon. Wala siyang karapatan saktan ang feelings ng kahit na sino.
Patay sa akin ang lalaking iyon pag-uwi ko. Tiningnan ko ang lalaking gusot ang mukha na umalis. Lumabas ito ng gate at kitang-kita ko kung paano tumulo ang luha nito.
Sumama ang mukha ko at tumingin kay Yulo na may kaharap pang isang lalaki. Mukhang sinampal ang mukha at na-dislocate ang nguso. Kumpara naman sa kasama ng kapatid ko ngayon mas mukhang maganda at disente ang lalaki kanina.
Naiiling ako at sumakay sa kotse. Nanggigil ako sa kapatid ko— imbis puntahan si Yulo pinaandar ko ang kotse ko patungo sa direksyon kung saan pumunta iyong lalaki.
Nakita ko siyang naglalakad sa gutter at mukhang wala sa sarili. Hindi sa kalayuan may nakita akong grupuhan ng babae. Nagtatawanan ang mga ito at mukhang patungo ang mga ito doon sa lalaking sumampal sa kapatid ko.
Napataas ako ng kilay. Hindi ko namalayan na nakababa na pala ako ng sasakyan at patungo sa direksyon ng mga estudyante na pinagtutulungan iyong lalaki kanina.
"Ngayon wala na si Yulo. Sino ng ipagmamalaki mo ngayon ha? Kea stupida," natatawa na sambit ng babar bago tinulak ang lalaki at napaupo sa sahig.
Napa-pokerface ako. Nasaan ang equality diba? Ganito ba talaga kahina ang mga lalaki ngayon.
May humablot na estudyante doon sa may pangalan na Kea at tinayo ito.
"Ngayon wala na si Yulo. Saan ka na pupulutin ngayon ha? Kea— masyado ka kasing paimportante. Hindi ka naman maganda at isa pa hindi ka nababagay dito," ani ng lalaki at ngumisi.
"How about pag-usapan natin ngayon gabi ang pang-tuition mo?" bulong ng lalaki na nakangisi. Tinulak 'nong Kea ang lalaki at nagtawanan ang mga ito.
"Ano bang gusto mo mangyari? Gianna— kasalanan ko bang hindi ka nagustuhan ni Yulo? Nakita mo naman na iniwan niya na ako diba— kaya pwede ba tigilan niyo na ako!" bulyaw ng lalaki. Aalis ito nang hablutin siya 'nong Gianna at sinampal ito.
Bumuga ako ng hangin. Ayoko ng manood— lumapit ako bago pa mapagtulungan iyong ex boyfriend ng kapatid kong isa't kalahating gago.
Bago pa masampal ulit ang lalaki. Sinalo ko iyon at nagulat silang lahat.
"Sino ka!" sigaw ng babae. Napatakip ako ng ilong.
"Kapal ng mukha mo magsalita ang baho naman ng hininga mo. Hindi na talaga ako nagtataka sa ugali mo. Basura katulad ng amoy ng hininga mo," ani ko at hinila ang buhok ng babae. Walang hirap kong hinagis ito sa mga kasamahan niya na sabay-sabay na tumumba sa sahig.
Binaliktad ko ang suot kong wrist watch at ngumisi.
"Sino gusto magkipag-sparring sa akin ngayon?" tanong ko. Nagtakbuhan ang mga ito kasunod iyong dalawang lalaki kanina matapos ko marinig ang boses ng school guard.
"May nangyaring bullying kanin. Gusto ko makausap nag principal mamaya," ani ko. Natigil ang guard at bahagyang nagulat matapos ako makita.
"Ms. Valencia, kailan pa kayo nakabalik," tanong ng guard. Napangiwi ako. Si manong guard panira talaga ng plano.
Nilingon ko iyong lalaki kanina na ngayon ay namumutlang nakatitig sa akin. Mukha tuloy siyang white bunny na nanginginig.
"Maya na tayo mag-usap manong guard. Huwag niyo muna din sasabihin sa walanghiya kong kapatid ang pagdating ko dito," ani ko na may ngiti sa labi. Agad na tumango si manong guard at umalis.
Tiningnan ko ang ex boyfriend or girlfriend. What ever hindi iyon importante.
"How about mag-usap tayo brother-in-law? About sa ginawang pangwawalanghiya ng kapatid ko," may ngiti na sambit ko. Agad na umiling ang lalaki at umatras.
Wala sa mukha nito ang gago kaya alam kong ang kapatid ko ang may mali. Kilala ko ang siraulo na iyon.
"Sinabi ko na— let's talk. Hindi ako iyong tipong nagdadalawang salita," ani ko na may ngiti sa labi and this time may kasama ng warning.