"Wow. Ang dami namang pagkain." Ani ni Pot nang mailagay na nila ang lahat ng binili kong pagkain sa dining table. Halos mapuno yung mesa sa dami ng binili ko. "Busog lusog na naman tayo nito, Iking." Dagdag pa niya at naghigh five pa silang dalawa. Kanina ay nagpaalam muna ako kay Nanay na aalis muna ako para bumili ng makakain namin. Nakatingin lang sa akin ang Tropang Tambays na tila iniintay na ayain ko ang isa sa kanila na samahan ako. Alam ko na gusto nila akong samahan pero dahil nga ang alam nila ay galit pa ako sa kanila kaya wala ni isang nagtangkang magtanong sa akin kung pwede silang sumama sa akin. Hindi din nagsuggest si Nanay na samahan ako ng isa sa Tropang Tambays. Naisip siguro ni Nanay na baka supladahan ko lang ang sino man na sasama sa akin. Imbes kasi na ipadeli

