"Kinausap ka ni Ate Majhoy, Yze?" Tanong ni Pot sa akin. "Oo, Pot. Pinuntahan ako ng Ate Majhoy mo kanina sa bahay. Nagusap kami. Marami siyang sinabi at may mga ipinaliwanag siya sa akin na nakatulong din naman para maabswelto kayo. Halos pareho yung kwento ni Majhoy at ng mga kapwa ko Kanto Girls tungkol sa nangyari noon. Nag-sorry din si Majhoy sa mga nagawa niya na hindi ako aware na malaki pala ang naging epekto sa akin at pinatotohanan din nya yung isang kwento na dapat pala ay noon pa nga nagsimula." Nakangiti kong saad. Tinignan ko si Badong at nginitian. Nakita kong napangiti siya. "Sorry talaga, Yze. Ako naman talaga ang puno't dulo ng lahat ng gulo na nangyari noon. Ako lang naman talaga ang may atraso sayo. Nadamay lang ang mga kaibigan natin dahil sa kagaguhan ko. Sorry tala

