"Ate Len? Inang? Kanina pa po…" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na agad si Badong. "Kanina pa nandyan sa kabilang bahay ang Inang. Kasabay namin siyang pumunta dito kaninang before lunch. Ilang araw na kasi niya akong kinukulit na gusto niyang makita ang magiging bahay nyo ng Nanay Linda mula ng sabihin ko sa kanya na magiging magkapitbahay tayo dito sa Madiera Homes." Saad ni Badong. "Kami naman ay tinawagan kanina ni Bayaw Badong na sumunod dito para daw makita mo, Insan Yze, ang baby namin ng Ate Len nyo. Ninang ka ni Baby Hanilyn ha. Payag ka ba?" Masayang saad ni Kuya Hanz na tinugunan ko ng pagtango at pagthumbs up. “OO naman, Kuya Hanz. Bawal daw tumanggi sabi ng mga matatanda.” Saad ko pa. “Pupunta ka ha.” Paninigurado pa ni Kuya Hanz. “Hmmm…. Depende.

