"Tao po." Tawag ko mula sa gate ng bakuran nila Onnie. "Tao po." Tawag ko ulit ng mas malakas kasi nga medyo malaki din ang bakuran nina Onnie. Ang hirap namang tumawag dito kina Onnie. Ani ko sa isip ko. Buti na lang na nagkataon na walang tao ngayon dito sa Looban. Walang mga nakatambay na maguusisa sa akin kung ano ang ginagawa ko dito. Magtatao po pa ulit sana ako ng bumukas ang front door ng bahay nina Onnie. Si Ka Julie ang bumungad sa akin. "Good evening po, Ka Julie." Bati ko ng makalapit sa gate si Ka Julie. Pasado alas sais na kaya Good evening na. "Good evening din, Yze. Bakit ka napasyal?" Bungad na tanong sa akin ni Ka Julie nang buksan nya ang gate. "Wala dito si Onnie." Dagdag pa nya. "Mano po." Saad ko ng magmano ako kay Ka Julie. "Hindi po si Onnie ang sadya ko. Ka

