?Isn't she lovely? Isn't she wonderful?? Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kasalukuyan akong namamahinga dahil kakatapos ko lang gumawa ng plates para kay Architect Caparas. Mag aalas singko na ng hapon at bilang pagrerelax ay gumagawa ako ng collage ng mga litrato ng paborito kong basketball player na si Jojo Lastimoso ng Alaska. Onnie calling ang nakaregister sa monitor ng cellphone ko. "Hello." Bungad kong saad ng iaccept ko yung tawag ni Onnie. "Bakit nawala kang bigla kagabi?" Tila naninitang tanong ni Onnie. "Alangan namang panoorin ko ang pagmomoment nyo ni Ka Julie saka kailangan nyong mag-usap ng kayong dalawa lang." Pangangatwiran ko kay Onnie. "Salamat ha, Yzebelle. Maraming salamat sa pang-unawa mo at pagiging tunay na kaibigan sa akin." Sincere na saad

