"Hoy, Yzebelle. Tara na muna. Kakausapin ka na ni Nanay at Tatay ko." Saad ni Onnie. "Si Kuya Onnie naman. Istorbo ka eh. Nagmomoment pa kaming Kanto Girls dito." Reklamo ni Chelly. "Mamaya nyo na ituloy yang pagmomoment nyo. Pinatatawag na si Yze ni Tita Julie at ni Tito Aldo." Saad ni Badong. Hinawakan pa nya ako sa braso ko at maingat akong hinila mula sa mga kaibigan ko. Shit! Hawak na naman ni Salvador Lagdameo Jr. ang braso ko. Nakakakilig naman talaga. "Sasama ka?" Pabulong kong tanong kay Badong habang nakasunod kami kay Onnie. "Need mo ng back up di ba kaya sasamahan kita." Pabulong na tugon ni Badong sa akin. "Salamat." Nakangiti kong bulong kay Badong. Nang makapasok kami sa bahay nina Onnie ay may kausap si Inang at si Ka Julie na isang babae na hindi ko kilala. Mukhang

