"Kaninong kanta to?" Tanong ni Iking. Nasa harap na kami ng bahay nina Onnie. Inilipat na yung videoke machine mula sa likod bahay nina Onnie ng umalis na yung karamihan ng mga bisita nila. "Kay Ate Yze iyan." Sagot ni Dhorie at kinuha ang mic na hawak ni Iking. "Sa akin?" Gulat kong tanong. "Oo. Favorite song mo yan di ba." Saad pa ni Dhorie. "Siraulo ka talaga, Dhorie. Pahamak ka." Himutok ko. "Minsan lang naman saka tayo tayo na lang naman ang andito. Dali na, Ate Yze. Kumanta ka na." Udyok ni Dhorie. Hinila pa nya ako para tumayo nang maiabot nya sa akin ang mic. "Kakanta na yan. Kakanta na yan." Kantyaw ng mga tao sa paligid ko. "Oo na. Pag pumiyok ako eh bahala kayo." Saad ko. "Sus. Kami nga kanina pa nagkakalat." Ani naman ni May Ann. "Sige na, Yzebelle. Kantahin mo na yan

