"Hindi talaga ako makapaniwala na magaling ka palang sumayaw at maganda ang boses mo, Mari Yzebelle Santo Domingo." Saad ni Badong habang naglalakad kami. Ihahatid nya ako pauwi ng bahay namin. Dapat ay si Onnie ang maghahatid sa akin pero sabi ni Badong siya na lang daw tutal uuwi na din naman daw siya. Nauna na kasing umuwi si Chelly at ang Inang Lilian. Kasama nila si Ate Len at si Kuya Hanz. Si May Ann naman at si Dhorie ay sinabay ng umuwi nina Pot at Iking. Pinaiwan pa kasi ako ni Tita Julie at Tita Emy kaya nagpaiwan na din si Badong. "Hanggang ngayon ba naman, Salvador, eh hindi ka pa makaget over." Nakangiti kong saad kay Badong. "Aba eh Oo. Hindi pa talaga. Biruin mo eh ilang taon ka na din naming kaibigan ng Tropang Tambays. Ni hindi mo man lang nabanggit na may talent ka pala

