"Tanungin mo na." Narinig kong saad ni Lorin kay Chelly. Andito kami ngayon sa bahay nina Chelly. Wala akong pasok ngayon at wala din akong deadlines kaya sumama ako sa mga kaibigan kong Kanto Girls na tumambay kina Chelly. Wala si Badong kaya hindi ako makasilay. Hahaha. Hindi ko naman matanong si Chelly kung nasaan ang Kuya Badong niya dahil baka kung ano pa ang isipin ng mga kaibigan ko kaya behave na lang ako sa rocking chair na kinauupuan ko. "Oo nga. Malay mo pumayag." Pagsegunda naman ni Dhorie. "Hoy. Ano problema nyo?" Usisa ko. "Kanina pa kayo bulungan ng bulungan dyan. Sinundo nyo lang ba ako para makinig sa bulungan nyo?" Ani ko pa. "Ikaw na kasi, May Ann, ang magsabi." Susog ni Chelly kay May Ann. "Ano kasi, Yze. May debut na pupuntahan yang sina Chelly, Dhorie at Lorin. An

