“Engineer Rey!” Narinig kong tawag ni Badong sa isang di katandaang lalaki nang itapon ni Badong ang mga pinagkainan namin. Naiwan akong nakaupo habang nakikinig sa paguusap nila. “O, Badong, anong ginagawa mo dito?” Nakangiting tanong nung lalake kay Badong. “Na-stranded po kami ng kasama ko, Boss. Hindi po kami makaalis dito kanina pa dahil hindi tumitila yung ulan. Eh nilalagnat po yung kasama ko kaya hindi kami pwedeng sumugod sa ulan. Wala din pong tricycle na nagdadaan kaya eto po, until now andito pa kami.” Pagkwekwento ni Badong sa kausap niya. “Ganoon ba. Tara na kayo. Idadaan ko na kayo sa bahay nyo. Magkalapit barangay lang naman tayo.” Aya ng kausap ni Badong na ikinangiti ko. Hay, salamat. Makakauwi na kami. Natuyo na kasi yung damit ko sa paghihintay namin na tumil

