[DUDA] HINDI alam ni Farrah kung makakaya niya bang makausap si Paulo, pagkatapos sagutin ni Marissa ang tawag niya rito. Masamang-masama ang loob niya at basta na lamang binaba ng babae ang tawag niya sa numero ni Paulo. Pagtataka ang nararamdaman niya hanggang sa binaba niya ang tawag. Hindi na rin siya nagtangka pang tawagan ito ulit. Masisira lang ng tuluyan ang araw niya at ayaw niya itong mangyari. Kanina lang masaya siya at kaharap niya si Rio tapos masisira lang ng isang Marissa--- but no! Hindi ba dapat kay Paulo siya magagalit? At bakit hahayaan ni Paulo ang cellphone niya kay Marissa. Masyado naman yatang close ang mga ito para ipagkatiwala niya sa dalaga ang sariling gamit niya, masyadong friendly naman yata ang nobyo nya. Of all people si Marissa pa, aniya sa sarili niya.

