CHAPTER SEVEN : RIO ALMARIO
"SABI ko na nga ba! Ikaw 'yan, Tol."
Napalingon si Farrah sa malakas na boses ni Miggy. Sinundan niya ng tingin ang sinalubong nitong lalaking bagong dating sa shop na pagmamay-ari ng mga kaibigan niya. Mukhang pamilyar sa kaniya ang lalaki, mukhang nakita niya na ito somewhere Hindi niya lang lubos matandaan sa kung saan.
"Kamusta kayo rito?" narinig niyang tanong ng lalaki.
"Ayos naman kami rito,Tol. Ayon si July nasa Baclaran na naman," sagot naman ni Miggy. Naging-abala ito agad at kinuhanan ng upuan ang bisita. Naisip niyang baka kostumer nila ito sa araw na 'yon at ganoon na lamang ang pagiging abala ni Miggy. Sabagay kahit naman kanino ganoon talaga si Miggy, madalas nga nilang itong nasasabihan ni July na kiti-kiti kung may bagong dating. Good lang din 'yon sa shop nila ang ibig sabihin; productive lang talaga ang bestfriend niya ss lahat ng taong nadalaw sa kanila, costumer man ito o hindi.
Pinagmasdan ng lihim ni Farrah ang bagong dating; naka-leather jacket, fitted jeans, leather brown shoes at naka louie vitton baseball cap ito.
Napataas kilay siya. Mukhang yayamanin ang bisita ng mga kaibigan niya, aniya.
Napailing-iling na lang siya sa isang gilid at muling binalik ang pansin sa binabasa niya sa isang magazine. Tungkol ito sa mga sikat na tattoo artist ng bansa. Muling tinuon ni Farrah ang tingin sa lalaking nasa unahan niya, sa tabi ni Miggy habang tinitingnan ang ilang mga bagong designs sa board na dinikit kailan lang ni July. Ang binili ng mga kaibigan niya nagdaang linggo sa Greenhills, San Juan.
Tinanggal ng binata ang suot nitong mamahaling sumbrero, pansin niya rin ang pagtanggal ng jacket nito. Hindi naman nakaligtas sa kaniya ang tattoo nito sa kaliwang kamay nito. Sumagi sa isip niya ang lalaking nakita niya noon sa isang mamahaling restaurant kasama si Paulo n'ong monthsary nilang dalawa. .
"Ay. Oo nga pala, Rio. Ipapakilala ko nga pala sa'yo kaibigan kong si Farrah," ani ni Miggy.
Sabay pa ang paglingon ng dalawa sa kaniya.
Napalunok si Farrah nang tuluyang makilala ang lalaking bisita sa shop nila.
"Farrah si Rio--- Rio Almario."
Natigilan si Farrah kasunod ang sunod-sunod na muling paglunok nang makilala ang lalaking nasa harap niya. Hindi siya pweding magkamali at hindi siya makapaniwalang si Rio Almario ito--- ang isa sa mga sikat na tatto artist ng iba't ibang personalised sa loob at labas ng bansa.
"Hoy! Natulala ka na d'yan," untag sa kaniya ni Miggy.
"Oo! Si Rio yan frenny si Rio Almario," ulit pa sa kaniya nito.
Isa pang paglunok ang pinakawalan niya nang mataman siyang tinitigan ni Rio kasunod ang matamis na ngiting sumilay sa labi nito. Sino ba ang mag-aakalang nasa harap niya mismo ang isa sa mga lalaking hinahanggan niya sa larangan ng karerang tinatahak niya?
Abot kamay niya na nga ang pangarap sa tulong ng mga kaibigan niya, mismong nasa harap niya pa ang inspirasyon niya.
"Rio.. Rio Almario," pagpapakilala sa kaniya ni Rio, sabay lahad ng kanang kamay nito.
Kabado pa si Farrah na tanggapin ang pakikipagkamay ng binata.
"F-Farrah... Farrah Lastimoso."
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Rio nang tanggapin niya ang kamay nito.
Agad niya naman itong hinila nang marinig niya ang pagtikhim ni Miggy.
"Sorry, Friend. Hindi ko yata na-inform sa'yong si Rio ang may-ari ng shop na 'to."
Napa-awang ang labi ni Farrah sa sinabi sa kaniya ni Miggy. Paano nagawang ilihim ng mga ito sa kaniya na ang hinahangaan niya pala ang may-ari ng lugar na 'yon? Siguradong matutuwa nito si Paulo sa isip niya
Binaba niya ang tingin sa kaliwang kamay nito, malayang sinipat ni Farrah ang tattoo ng binata, hindi nakaligtas sa paningin niya ang tattoo na mayroon ito; hearing, protection, strength at love ang naka-tinta rito. Sa taas na bahagi naman ng siko nito nakaukit ang eternity and forgiveness.
Natuwa ang puso ni Farrah dahil sa ilang taon ng pag-aaral niya halos nakakabisado niya na ang lahat ng simbolo ng isang tattoo kung mayroon ang isang tao.
Tulad na lamang ng mayroon siya sa likurang bahagi ng batok niya ang rosary at forever symbol na may initial name nila ni Paulo.
"Mas gumanda ang lugar na 'to ngayon, Miggy," sambit nito kay Miggy nang lingunin nito ang kaibigan.
Hindi niya pa rin magawang alisin ang mga mata niya sa binata, pagkamangha talaga ang nararamdaman niya.
Hindi niya talaga inaasahan ang sandaling 'to sa buhay niya. Imagine! Isa lang naman si Rio sa nag-tattoo sa isang international singer na hinahangaan nilang dalawa ni Paulo. Kaya hindi pweding hindi niya talaga ito mabanggit kay Paulo kung magkikita sila mamaya.
"Artist?" tanong sa kaniya ni Rio nang lingunin siya nito.
"Yes, Rio. Farrah is my most passionate friend, regarding sa pag-ta-tats," agaw ni Miggy sa magiging sagot niya sana.
"Nag-aaral pa lang," she humbly answered to Rio.
"Nice. Minsan lang ako makakita ng babaeng tattoo talaga ang hilig. Welcome to our world," sambit sa kaniya ni Rio, kasabay ang muling paglahad ng palad nito sa harap niya. Tinanggap ito ni Farrah na may maluwag na ngiti sa labi niya. Isang opurtunidad na iyon para sa kaniya, baka hindi niya na muling makaharap ang lalaki, aniya.
"By the way, Miggy. Dumaan lang ako rito para imbitahan kayo sa welcome party ko sa bahay. Hope you will come. Aasahan ko." Narinig niyang imbitasyon ni Rio sa kanila ni Miggy, nagpalipat-lipat pa ito ng tingin sa kanilang dalawa.
"Talaga, Tol? Sinadya mo pa talaga kami puntahan dito para doon? Ang galing naman, feeling ko tuloy ang espesyal namin," may pagkamanghang sambit ni Miggy. Oo nga naman, tama naman talaga si Miggy at ang swerte naman nilang magkakaibigan at bahagi pa talaga sila sa selebrasyon nito.
Ang swerte naman, 'ika ng isip niyang hindi niya kayang itanggi. Isang Rio Almario ang nandoon e. Personal silang pinuntahan.
"You too, Farrah. Hoping na makasama ka sa kanila," anito sa kaniya.
Paano ba siya tatanggi? O, paano ba siya makakapayag? Biglang sumagi sa isip niya si Paulo alam niyang hindi nito magugustuhan ng katipan ang balak niya. Kilala niya si Paulo isa 'yon sa mga bagay na 'di niya pweding gawi ang lumabas kasama ang ibang tao lalo na kung dis-oras ng gabi.
"Negative, Tol," ani ni Miggy.
"Mahigpit ang jowa," dugtong pa nito.
Gusto sana itong pigilan ni Farrah sa iba pang sasabihin nito sa binata, wala lang siyang magawa at totoo naman ang sinabi nitong negative naman talaga siyang makakasama. Sobrang malabong mangyari 'yon, riot lang sila ni Paulo kung magkataon lalo pa't lalaki ang makakasama niya, baka pagkatapos nang gabing 'yon wala na siyang nobyo.
Kilala rin ng mga kaibigan niya si Paulo kung gaano ito kahigpit sa pagkakataong 'yon, kahit pa sabihin niyang si Rio Almario ito. Malabo pa rin para sa kaniya ang payagan ng isang Paulo Rodriguez.
"Ganoon ba? E, 'di ipaalam natin sa jowa? Ano, Farrah? Game ka ba?" hindi niya alam kung nagbibiro lang ba si Rio sa tanong nito sa kaniya. Siya ipapaalam nito kay Paulo? Iyon ang pinakadelikadong bagay na pweding mangyari sa buhay niya, malalagot lng siya kay Paulo.
Napalunok si Farrah, mas lalong hindi magugustuhan ni Paulo kung magkataon. Baka pagsimulan lang ng away nila, aniya sa isip niya.
"Salamat nalang, R-Rio. Pero alanganin ako e. Isa pa, baka may lakad din kami ni Paulo," katwiran niya. Sa bahagi ng puso niya nandoon ang isiping gusto niyang sumama sana sa mga kaibigan niya, natatakot lang talaga siya.
Napakibit-balikat si Miggy na napatingin sa kaniya, alam niya ang ibig sabihin nito. Kahit naman siya nanghihinayang, alam niya kasing mas marami pa siyang makikilalalang mga taong may kaugnayan sa karera nila pag natuloy siya. Iyon nga lang kailangan niyang isipin si Paulo at respituhin ang gusto nito, kahit pa nga hindi niya alam kung papayag ito o hindi sa pagkakataong 'yon, pero mabuti na 'yong tumanggi na siya.
"Marunong ka na ba mag-tatts?" tanong sa kaniya ni Rio nang lingunin uli siya nito. Isa na namang paglunok ang pinakawalan ni Farrah. Huwag nitong sabihin magpapa-tattoo ito sa kaniya, nahihibang yata si Farrah at kung ano-ano na lang din ang naiisio niyang imposible.
"Next time pwedi bang magpa-tattoo sa'yo? May lakad lang ako ngayon e. Ngayon sana, kaso importante at hinihintay ako ni Ylla.," sabi nito sa kanila ni Miggy. Mabilis naman yatang nadinig ang hiling ng isip niya.
Napalaki ang mga mata ni Farrah sa sinabi ni Rio.
"Wow! Talaga ba?!" bulalas naman ni Miggy. Pati ito hindi rin makapaniwala sa sinabi ng isang sikat na artist patungkol sa kaniya. Parang nananaginip lang yata siya, mahirap talaga.
Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito o hindi e. Ang hirap kasing maniwalang siya ay pagkakatiwalaan siya nito. Ano pa nga lang ba siya? Wala pa siyang napatunayan.
Samantalang ito professional na ito, marami ng napatunayan tapos basta-basta sa kaniya ipagkakatiwala ang balat nito? Parang ang hirap naman, sigaw ng isip ni Farrah.
"Oo. Hindi mo ba alam na ang ibang tattoo ko babae ang gumawa sa London?" anito kay Miggy at nang ipukol nito ang tingin sa kaniya. Nagkasya na lamang siyang pakinggan pa ang ilang sasabihin ni Rio, baka sa pagkakataong 'yon mas marami siyang bagay na matutunan dito na magagamit niya kalaunan sa karerang mayroon siya. Wala naman masamang makinig lalo pa't hilig niya talaga ang pinag-uusapan, same lang din naman kay Miggy. Kaya nga siguro ang attentive ito sa harap ni Rio, bukod kasi sa kaniya si Miggy ang pinaka-passionate sa kanilang tatlo. Kaya nga matagumpay talaga ito kung tutuusin dahil ma rin siguro sa ilang local suki nilang pabalik-balik sa serbisyo ng mga kaibigan nya lalo na ni Miggy.
Namilog na naman ang mga mata ni Farrah sa paghangang nararamdaman sa binatang nasa harap niya.
"Next time ha, Farrah!" muling untag sa kaniya. Hinawakan pa nito ang balikat niya at muli ring binitiwan nito.
Iniwas niya ang tingin, sa puso niya nandoon ang sobrang pananabik na naramdaman niya kung sakali mang totoo ang sinasabi nitong bibigyan siya ng pagkakataong mag-tattoo rito.
"Isang malaking karangalan," aniya ni Farrah dito.
Isang matamis na ngiti ulit ang pinagkaloob nila sa isa't isa.
"I want purity dito," sabi nito sa kaniya sabay lahad ng kanang likurang bahagi ng braso nito.
Tumango-tango si Farrah, ramdam niya agad ang pananabik kung sakali. Madali lang naman ang purity, 'ika niya.
"Kayang kaya," buo ang loob na sabi niya rito.
"Shoot! Good! Paano ba 'yan, dumaan lang talaga ako. I have to go! Uhm, Miggy and July saturday huwag kayo makakalimot," sambit nito kay Miggy. Hindi na ito nagtangka pang lingunin siya matapos itong magpaalam.
Sinundan nila ni Miggy ng tingin ito hanggang sa makasakay sa mamahaling kotse nitong naka-park sa harap ng shop.
"Pogi 'no?" untag sa kanya ni Miggy.
"Tsssee! Hindi niyo man lang na-kwento sa akin ni July," kunwang may himig pagtatampo niyang sagot dito.
"Akala ko naman kasi alam mo na at nag-research ka," sambit naman nito sa kaniya.
Paano ba siya makakapag-research pa kung siya mismo naging abala rin sa pag-aaral at sa ilang mga bagay na pinagkaabalahan nila ni Paulo.
Napangiti siya ng maisip ang katipan at ang pinagsaluhan nila nagdaang-gabi.
Kinuha niya ang cellphone sa bag niya para i-text si Paulo, magtatanong siya kung susunduin ba siya nito o mag-ko-commute na lang siya pag-uwi.
[Sundo mo ako, Love?] Text niya sa kasintahan. Alam niyang hindi agad ito mag-re-reply sa kaniya pag oras ng trabaho lalo na pag nasa garments factory ito.
Ilang minuto pa ang hinintay ni Farrah sa sagot sa kaniya ni Paulo.
Nagpasya na lamang siyang tawagan ito, tatlong ring at sinagot na nito ang tawag.
Iyon na lamang ang pagkabigla ni Farrah nang babae ang sumagot sa kaniya.
"Hi---" maarting boses ng nasa kabilang linya.
"Hello. P-Pau?" nauutal niyang sambit sa pangalan ni Paulo, malakas ang kutob niyang kilala niya ang may hawak ng cellphone ng nobyo.
"Paulo is not around si Marissa 'to!"
Napalunok si Farrah sa nakumpirmang ang babae nga ang siyang sumagot sa kaniya.
Paanong ito ang may hawak ng telepono ng nobyo niya?
---