Winter Snow's POV
Tila'y nabugbog ang buong katawan ko dahil sa halos wala nang pahinga.
Suwertehan nalang kapag nakakatulog ako ng apat hanggang limang oras.
Nakadukdok ako ngayon
sa Desk ko habang nag di-discuss si SIR Chaos sa harap.
"Miss Snow, Nakaka-istorbo ba kami sa'yo?" Napa-angat ang ulo ko ng banggitin ni Sir ang Pangalan ko.
"You're not. Don't mind me." I frowned when he just rolled his eyes on me.
"Want me to accompany you in the clinic?" I shake my head as a response.
Bumuntong hininga siya't rinig ang kalabog ng kanyang lamesa nang marahas niyang ibinagsak ang hawak niyang libro.
Kunot-noo ko siyang tinitigan nang maglakad siya papunta sa gawi ko.
Agad niyang hinawi ang buhok kong tinatabunan ang mukha ko. He leaned forward and place his palm on my forehead, checking if I have a fever. Agad akong nagpatinaog ng lumapat ang likod ng palad niya sa leeg ko.
Pinag mamasdan ko lang siyang nakakunot ang noo hanggang sa magtama ang paningin namin.
He bit his lower lip and grab my wrist at pinatayo. "Hey!" Agad akong kumawala sa hawak niya.
"I told you they're in a relationship!"
"Ow, Newest s**t of the year!"
"They look hot together!"
"Geez, They're not fit together"
Hindi ko pinansin ang bulungan ng mga kaklase ko't tinignan lamang si Chaos.
"You're not fine, babe. Let's go the clinic." He whispered but I know that they heard it enough.
"I'm f*****g fine, Gusto ko lang matulog. Ayo'ko sa clinic." Tamad kong inilagay ang dalawang kamay ko sa aking bulsa.
"Then let's go home." Tigas na iling ang sinagot ko sa kanya. Bumuntong hininga siya at tila'y nauubusan na ng pasensya.
"Fine, Umupo ka lang d'yan and sleep." As he rolled his eyes at muling naglakad patungo sa harapan.
Tamad akong bumuntong hininga't umupo. Rinig ko pa rin ang pagbubulungan ng mga kaklase ko.
Until someone named Emerald raised her hand upang mapansin ni Chaos. Agad siyang tinuro ni Sir na senyales upang mag-tanong siya.
"What's your relationship with that s**t?" As she pointed her finger on me. I frowned on what she asked and looked at Sir, who's intently looking at Emerald.
He cleared his throat before speak. "First of all, She's not a s**t and second, you don't need to know about my relationship with her since you're just a mere student of mine. I don't even know you," he said. Tila'y nawalan ng bunganga si Emerald at hindi na nakapagsalita.
Pahiya ba naman eh...
"Miss Snow," he called me using his soft voice, " You can now sleep peacefully. I'll wake you up later, okay?" I nodded as a response at dumukdok na sa desk ko.
IT'S saturday morning already and it's 3:40 am. Kakauwi ko lang dito sa apartment ko galing sa trabaho.
I'm now doing my story na ipapasa ko for the writing contest para mamaya ay mahimbing na ang tulog ko since wala naman akong klase.
Napakunot ang noo ko when someone just knock at the door.
Tumayo ako upang lumapit sa pintuan at dahan-dahang binuksan iyon.
Ngunit wala akong tao'ng nadatnan at maliit na box sa sahig ang nakita ko.
Agad kong kinuha 'yon at sinarado kong muli ang pintuan. Umupo na muli ako sa Sofa na inupuan ko kanina bago binuksan ang box at nangunot ang noo ko ng makita ko ang laman nito.
A stethoscope necklace.
I bit my lower lip while looking at this necklace. Agad kong tinignan muli ang box at do'n nakita ang letter na nakasingit.
'You did great and I'm so proud of you...' Sulat kamay ito ngunit hindi ko alam kung sino ang nagsulat. Walang nakalagay na pangalan.
Ang mumunting ngiti ay unti unting nakikita sa labi ko.
"Did I?" I asked myself, plastered a smile in my lips.
Ngiting ngiti kong sinuot ang necklace at pinaka-titigan iyon.
"Thank you," I said. "You made my day better."
Niligpit ko na ang mga gamit ko at tumungo ng kuwarto upang matulog.
PAGKAGISING ko palang ay isang tunog ng aking cellphone ang bumungad sa'kin.
Tinignan ko iyon at nalamang may tumatawag sa'kin.
Agad ko naman itong sinagot. "What?" Umayos ako ng upo sa gilid ng higaan ko at nag suot ng tsinelas ko.
"Can you come? We need you, right now." Unti-unting napakunot ang aking noo nang mabosesan ko ang nagsalita sa kabilang linya.
"Bakit nasa'yo yung phone ni Chaos, Zeus? Anong nangyari?" I know Chaos very well. Hinding-hindi 'yon nagpapahiram ng phone niya. Matagal ko na siyang kilala at hindi ko maipagkakailang kabisado ko na ang ugali niya.
"He got injured. But he don't want to go in the hospital. You know what's the reason." Napabuntong hininga ako't tumayo na sa higaan ko.
"Ipasundo mo 'ko kila Eros. Huwag isasama si Perses, parang awa!" nakikiusap na saad ko.
"Sige, Just message me your Address." Pagkababa ng tawag ay agad kong Tinext ang Address ko't pagkatapos no'n ay kaagad akong kumuha ng susuotin ko at nagtungo sa banyo upang maligo, magsepilyo at magbihis.
Nang maayos ko na ang sarili ko at malinis ang mga gamit ko'y sakto naman'g may kumatok sa pintuan.
Paniguradong si Eros 'yon mga gala iyong mga yon.
Kinuha ko na ang maliit na shoulder bag ko't binuksan na ang pintuan.
Tama nga ang hinala ko't Si Eros nga iyon at kasama si Hades. Mabuti naman na wala si Perses kung hindi ay hindi talaga ako sasama!
Nakakainis kasi ang ugali nung mokong na 'yon, masyadong isip bata!
Kaagad na kinuha ni Eros ang bag ko't tinanguan ako plastered a genuine smile in his lips.
Tinanguan lamang ako ni Hades kasabay ng pagtapik niya sa balikat ko.
Sinara ko na ng maayos ang pintuan ng apartment ko't sabay-sabay na kaming umalis.
Kaagad akong sumakay sa backseat ng kotse ni Eros habang Si Eros ay nasa driver seat at si Hades naman ay nasa front passenger seats. Nagkabit muna sila ng seat belts pagkatapos paandarin ni Eros ang sasakyan.
Habang nasa biyahe ay naisipan kong magtanong, "Ano bang nangyari kay Chaos?"
Napatingin ako sa salamin at sinalubong ang paningin ni Eros. Muli ay binalik niya ang paningin sa daan bago mag salita.
"Takaw g**o e." Napakunot ang noo ko sa sinagot ni Eros kaya't binaling ko ang paningin ko kay hades na nakatingin lamang sa bintana ngunit batid ko na nakikinig siya sa usapan.
"Takaw g**o nga siya, pero may reason 'yon." Humalukipkip ako habang sinasabi ang linyang iyon.
"G-Gano'n nga," saad ni Eros na tila'y nagdadalawang isip na sagutin ako.
"At anong rason naman ngayon kaya siya nakipag basag-ulo?" Natahimik si Eros sa muling pagtanong ko at laking pasalamat ko nang bumuntong hininga si Hades bago umayo ng upo, senyales na magsasalita siya.
"Protecting you," Hades said na ikinabuntong hininga ko.
"Ang lakas talaga ng tama ng lalake'ng 'yon!" mahinang bulong ko.
"Ang lakas ng tama sa'yo," Sabay na wika ni Eros at Hades. Nagkatingin silang dalawa't sabay na ngumisi.
Iniwasan kong mapaikot ang aking mata't bumuntong hininga nalamang muli.
"E'di ipamental hospital o kaya rehabilitation center para makalayo sa'kin at hindi na lumakas pa lalo ang tama," Ngising saad ko.
"As if naman magagawa namin 'yon, mahawakan pa nga lang cellphone no'n nangbubugbog na eh, ipunta pa kaya siya do'n?" Napangisi ako lalo sa sinabi ni Eros.
Totoo iyon. Ang weirdo ng Chaos na 'yon.
"Ano bang me'ron kayo ni Chaos?" Muling salita ni Eros na agad ko namang kinunotan ng noo.
"Labas ka na ro'n," saad ko kasabay ng pag ikot ng aking mata.
"Ang daldal," sabay na bigkas namin ni Hades.
"Tch. E'di tatahimik, mapanis sana laway niyo!"
To be continued...