Entry #10: Infatuation/Admiration

1461 Words
Blog Post #83: Seven Stages of Love Base kay Google ang seven stages of love ay ang mga sumusunod: Attraction, Crush, Like, Infatuation/Admiration, Love, Possesion and Obssesion. At base naman sa self-evaluation ko, lagpas na ako sa Attraction at Crush. Una, matagal na naman akong attracted sa katawan ay este kay S. Given na `yon. Kahit sinong babae mabilis na ma-a-attract sa kanya. Guwapo, check! May pinagpalang katawan, check! Matalino, check! Saan ka pa, `di ba? Crush is paghanga, `di ba? So, definitely nand’yan na ako sa level na `yan o lumagpas na ako sa level na `yan. Dahil matagal na akong may paghanga kay S. Nasa kanya na nga kasi lahat, wala ka nang hahanapin pang iba. Like is gusto, `di ba? Gusto ko si S. Gusto ko siya kasi best friend ko siya. Infatuation or Admiration, parang pareho lang naman `yon sa crush, `di ba? Ibig bang sabihin nito nandito na rin ako sa level na `to? Naguguluhan ako. Love. Mahal ko si S. Oo, mahal ko siya bilang best friend. Beyond that, hindi ko pa naiisip. Siguro minsan, oo bumibilis ang t***k ng puso ko kapag kasama ko siya, pero, minsan ay dahilan `yon ng mga pangyayari. Katulad na lang kahapon. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil muntik na kaming masagasaan. Paano ko ba malalamang kung in love ako sa kanya? As in `yung in love hindi bilang best friend. `Yung mahal ko siya bilang `yon. Sabi ni Google, butterflies in your tummy, lagi mo siyang na-mi-miss, lagi mo siyang iniisip at ginagawa mo ang mga imposibleng bagay para sa kanya. Once ko lang naramdaman ang butterflies sa tummy ko. `Yoon ay sa panaginip pa yata. `Yung sinabi n’ya ang mga kagatagang, “Don’t you ever say that nobody wants you, because I know someone who does.” Lagi ko siyang naiisip at na-mi-miss, natural, e, best friend ko siya, e. Dapat, alisin `to sa list ni Google kasi normal siya sa friends. Last, mga imposibleng bagay. Wala pa naman akong nagagawang imposibleng bagay para sa kanya, well, I guess, wala pa nga. So, ano ang conclusion ng mga pinag-ta-type ko na ito? I will accept na infatuated ako sa kanya. Oo, infatuated. Hanggang doon lang. Kung aabot man sa love. Love ko lang siya bilang kaibigan. `Yun na `yon. Commenter commented on your Blog Post #83. Commenter: Is it just me? O talagang nasa stage five na si S sa iyo? Base sa mga blog post mo, nasa stage five na siya. At kung itatanong mo kung paano ko nasabi na nasa five na. I remembered na binili n’ya `yung hide out niyo with half ng inheritance n’ya. Masasabi kong isa `yon sa mga imposibleng bagay na kayang gawin ng tao. Kung ako `yon, bakit ko aaksayahin ang kalahati nang mamanahin ko para sa isang tao na hindi ko naman mahal? Made sense, `di ba? ms-secretnoclue: Point of view ko lang ang nakikita mo sa mga blog ko at hindi ang kay S. Kaya walang credibility ang mga sinasabi/tina-type mo ngayon. Pati, hindi ako magugustuhan ni S. Kasi nga, best friend n’ya ako. Alam ko `yon. Kasi ramdam ko na hanggang doon lang kami. Commenter: Baka kaya hindi mo matanggap na nasa stage five ka na rin dahil d’yan? Nililimitahan mo kasi ang sarili mo. Paano mong naramdaman na hanggang doon lang kayo? Paano mo nalaman? Sinabi n’ya ba? Wala ring credibility ang mga sinasabi/tina-type mo. ms-secretnoclue: Bakit ba nagmamarunong ka? Ano ba’ng alam mo sa nararamdaman ko? Tss. Ang ginagawa mo lang naman ay magbasa ng blog ko. Hindi por que binabasa mo ang mga sinusulat/tina-type ko dito ay ibig sabihin ay may karapatan ka nang magbigay ng say mo sa mga nararamdaman ko. Commenter: Una sa lahat, hindi ako nakikialam. Sinasabi ko lang ang tingin ko. Hindi ko sila pinipilit sa iyo. Pangalawa, noong nagsimula kang mag-post dito binigyan mo na nang laya ang lahat para mabasa kung ano ang nararamdaman mo, nagkataon lang na ako lang ang nag-ko-comment. Pero hindi mo masasabi na ako nga lang ang nakakabasa nito. Pangatlo, kung hindi totoo ang mga tina-type mo sa mga blog mo, maaaring wala nga akong alam sa kung ano ang nararamdaman mo. Pang-apat, hindi mo isusulat/itata-type ang mga ito sa blog mo na ito kung hindi talaga ito ang nararamdaman mo at kung ayaw mong ilabas itong mga `to. Nagba-blog ka dahil gusto mong may paglabasan ng mga bagay na hindi mo kayang sabihin sa iba. Sabihin mo nga kung may mali sa mga sinabi/t-in-ype ko? Tss. Hindi ako nakasagot sa mga sinabi n’ya. Lahat `yon totoo. Wala akong paraan para imali siya. Bakit ba kasi ano nagsabi sa kanya nang ganoon? Tama ba siya na nililimitahan ko lang ang sarili ko dahil sa mag-best friend nga kami? Tss. Back to square one na naman ako. Naguguluhan na naman ako. NAGPUNTA ako sa office nila Kuya. Kailangan ko ng distruction ngayon. Hindi na ako normal. Masyado kong dinibdib `yung comment kagabi ni Commenter. Medyo na-depress ako dahil doon. Hindi ko alam kung bakit. Nawawalan na ako nang ganang mag-blog. Alam ko kasing mababasa ni Commenter at sa hindi mo malamang dahilan, pakiramdam ko ay nahihiya na ako ngayon sa kanya. “What are you doing here?” walang ganang tanong sa akin ni Kuya nang makita n’ya ako sa lobby. “I got bored in our house that’s why I decided to go here,” walang ganang sagot ko rin. “Why don’t you just go to your hide out and play with Ulap like you always do?” kunot noong tanong n’ya. Sumimangot ako. “Did something happened?” “Nothing. I just don’t like to see him right now. I’m in a mess,” halos pabulong nang sagot ko. “Don’t be like that, tell me what happened,” sabi n’ya at inaaya ako papunta sa isa sa mga recording studio nila. “Come on, spill it. What happened?” Umupo ako sa isa sa mga office chair doon. “Nothing,” sagot ko at saka nagpaikot ikot sa inuupuan ko. “Nothing? You sure? Because it’s not normal if the two of you are not together.” Hindi ako sumagot sa kanya at pinaglaruan na lang `yung computer na nasa harapan ko. “I’m calling Ulap,” biglang sabi n’ya. Napahinto ako sa ginagawa n’ya at tumingin sa kanya. “Why would you call him?” “To ask what happened,” seryosong sabi n’ya at nilabas na n’ya ang cellphone n’ya. “Do you really want me to do this?” “All right, come on. Don’t call him. I will tell you,” suko ko. Pero in the end, nagkuwento lang ako nang kung ano-ano kay Kuya. Syempre hindi ko sinabi sa kanya na nagtatalo ang right at left brain ko kung ano talaga ang nararamdaman ko kay Sky. Mas mabuti nang hindi n’ya alam. Close din sila ni Sky at baka kung ano pa ang sabihin n’ya. “I know you’re lying. I don’t give a s**t to what you said. But let me just tell you something. If you’re already in love with Ulap, I won’t mind. I like him, he’s really nice but if is with different person for example someone I do not know, I still need to meet him and see if he’s good for you,” seryosong sabi n’ya. “Uhm. What do you mean? I didn’t say I’m in love with someone or something like that.” “You actually are. I can tell it. It’s too obvious. And I’m eighty percent sure that you’re in love with Ulap. You just didn’t realized it yet,” sabi n’ya pa. “No, I’m not in love with him!” depensa ko pa. “I’m not in love with anyone to be more specific.” “Then why don’t you like to see Ulap right now? He said that the two of you are good. So, what’s the reason of you being in here and not being with him right now?” “Because I don’t want to!” “Why?” Napatingin ako sa likuran ko. “Sky.” Napatakip ako sa mukha ko. “Cac!” s**t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD