Pagtataksil
HINDI malaman ni Caloy ang gagawin. Kahapon pa niya alam na nawawalan siya ng pera sa kaha. Hindi sila ni Reden ang kumuha kaya isa sa mga kasama niya ang gumawa no'n. Pero sino? Hindi muna niya sasabihin kay Reden ang nangyari. May isinusulat itong novela kaya hindi dapat maabala. Lulutasin niya itong mag isa. Magmamatyag siya sa mga kasama. Hindi niya ipapahalata na alam na niya. Lihim siyang makikiramdam.
Umikot si Caloy sa likuran, nagkunwari siyang may kukunin. Abala sa pagbuhat at pagsalansan ng mga iihawin ang mga tauhan. Dumiretso siya sa kusina, nandon si Digoy. Maliksi ang bawat pagkilos nito. Si Digoy ang namamahala sa pag iihaw. Pumasok si Caloy sa kanyang opisina. Maliit lang ito. Apat lang silang nakaka labas-masok dito. Siya, si Reden, si Digoy at ang nobyang si Joan. Hindi sila ni Reden ang kumuha ng pera. Si Joan ay matagal na niyang kasama sa hirap man at ginhawa. Si Digoy ay nagbago na noon pa, may asawa't anak na ito. Saksi siya sa kasipagan at dedikasyon nito sa trabaho. Sapo ang noo na isinandal niya ang likod sa upuan.
SI DIGOY, 'di mapakali. Paikot ikot ito sa sala ng maliit nilang bahay. Nagtatalo ang isip niya. Lumapit ang asawa nito sa kanya. Matagal nag usap ang dalawa, parang may pinagtatalunan. Umiling at tumango ang ginagawang pagsagot ng ginang dito. Hanggang sa ipasya na nilang matulog.
MAAGANG nag out si Joan, may importante daw itong lalakarin. Humalik pa ito sa labi ni Caloy bago lumabas ng opisina. May napupuna si Caloy sa kasintahan, napapadalas na ang pag absent nito at kung pumasok man ay umaalis din agad. Si Joan ang supervisor ng ihawan nila.
Kinabahan si Caloy, nagku kwentuhan ang ilang staff niya kanina at nang makita siya ay biglang nagsitahimik. May tiwala siya kay Joan, kahit nakikita niyang close si Joan sa bagong staff ay hindi siya nag iisip ng masama. Part timer nila ang lalaki, nag aaral pa. May porma at matangkad. Marami sa staff niyang babae at bakla ang nagpapa cute dito. Nangingiti nga lang siya kapag naririnig niya ang paghagikgik ng mga ito pagdumating na ang lalake. Dati ay wala lang sa kanya, pero ngayon ay parang nag aalala na siya. May basehan ba ang nararamdaman niya? Naipasya niyang dalawin si Joan sa apartment nito.
MADALING araw na ay wala pa si Caloy. Hindi nito sinasagot ang celfon, kanina pa ito sinusubukang tawagan ni Reden. Kapag hindi sila makakauwi ay tinatawagan nila ang isa't isa. Hindi na naituloy ni Reden ang ginagawa. Kanina nang tumawag siya sa ihawan ay nakaalis na raw ito. May problema ang kaibigan, ito ang naisip niya. Habang inaantay si Caloy ay nirerebisa niya ang katatapos lang na novelang ginawa. Tinignan kung may kailangan bang i edit. Nasa huling pahina na siya ng binabasa nang may taksing pumarada sa tapat ng bahay nila. Binalewala niya lang iyon. Toyotang pula ang kotse ni Caloy. Itinuloy niya ang pagbabasa. Tumunog ang doorbel......Tumayo si Reden para mas makita niya kung sino ang bisita. Si Digoy ang nagdo doorbell at may inaalalayang lalake. Bumaba siya ng terrace at pinagbuksan si Digoy. Nagulat pa siya dahil si Caloy pala ang kasama nito. Lasing na lasing ang lalake. Tinulungan niya si Digoy na maipanik at madala ito sa kwarto. Nang maiayos na ng higa ang lasing ay bumaba na sila. Tumanggi si Digoy nang alukin niyang magkape. Naghihintay daw ang taxi sa labas , umalis agad ito. Ramdam niya,umiiwas sa kanya si Digoy.
May dalang isang bugkos na bulaklak si Caloy. Susorpresahin niya ang nobya. Nang umalis ang babae kanina ay masama daw ang pakiramdam. Naging abala si Caloy sa pagpapalago ng ihawan nila ni Reden kaya di na niya madalas madalaw ang dalaga. Sa trabaho naman ay madalang din sila magkaroon ng panahon mapag isa. Babawi siya sa dalaga. Bumaba na ng kotse si Reden, dala ang bulaklak. Dire-diretso siya. Dahil may susi rin siya sa apartment ng dalaga ay nabuksan niya ang pinto. Nasa tapat na ng kuarto si Caloy nang may marinig siyang mga ungol,umuungol si Joan. Ganun din ang pag ungol nito kapag nagsesex sila. Pabigla ang ginawa niyang pagbukas sa pinto ng kwarto. Nagulat ang mga nasa loob. Nabiglang umalis sa ibabaw ng lalake si Joan. Ang lalake naman ay mabilis na nagtakip ng kanyang harapan. Dahil sa nakita ay sumugod si Caloy. Pinagsusuntok nito ang kaulayaw ng nobya. Wala namang malaman gawin si Joan. Hindi pansin na walang anumang saplot sa katawan nang umawat ito sa nobyong nagwawala. Nakatalilis ang katalik ni Joan, wala na ito nang mapaupo sa kama si Caloy. Tikom ang kamao na pinipigil nitong saktan rin ang taksil na babae. Bihis na si Joan nang mag usap sila. Gaya ng mga katwiran ng mga nagtaksil ang sinabi ni Joan. Nagkulang na daw siya. Marami pa itong sinabi, isa na rito ang maghiwalay na sila. Bumalik sa ihawan si Caloy. Sarado na iyon para sa mga kostumer. Naabutan ni Caloy si Digoy at ibang tauhan na nagliligpit pa.
Nagpaiwan si Digoy, alam niyang kailangan ni Caloy ng kasama. Madilim at bagsak ang balikat nito ng dumating kanina. Nagsalin ng brandy si Caloy sa dalawang baso, iniabot nito ang isang baso sa kanya. Tinungga nito ang baso, nagsalin uli, tinungga uli. Salin tungga.. Parang may hinahabol ang binata. Nakamasid lang siya. Nang magsasalin na naman ito ay pinigilan na niya. At nagsalita na si Caloy. Umiiyak ito na ikinwento ang dahilan ng pag inom. Awang awa siya sa kababata. Mabait ito at mahal na mahal ang nobya. Matagal nang alam ni Digoy na may ginagawang di maganda ang nobya nito. Nahuli na niyang kahalikan nito ang bagong staff nang bigla siyang pumasok sa opisina ni Caloy. Sinabihan siya ni Joan na wag magsusumbong. Hindi dahil takot kaya di siya nagsalita. Hindi lang siya nakialam, nag alala siyang baka di maniwala si Caloy kung magsusumbong siya. Ngayon ay alam na nito ang totoo. Hindi niya iniwan ang amo at nang malasing ay inihatid niya sa bahay sakay ng taksi. Sinadya niyang iwasan si Reden dahil na rin sa pakiusap ni Caloy. Ayaw nitong malaman ni Reden ang kataksilang ginawa ng pinakamamahal na babae.