Chapter ONE: Offer
Precious Pearl Rivera's POV
"Sir Luhan! May kailangan pa po kayo?" Tanong ko sa aking pinakagwapo at pinakamabait na boss ko, nang matapos ang meeting namin.
"I'll just ask you kung na-submit mo na ba yung report kay Mr. Mallari?" Tumango naman ako habang nakangiti.
"Syempre naman Sir, ako pa ba?" Nginitian nya lang ako at muli nya ng ibinalik ang kanyang tingin sa laptop nya. Sanay na sa akin si Sir, sa tagal ko ba naman ng nagtatarabaho rito.
Executive assistant talaga ang trabaho ko pero parang ako na rin ang secretary nya, hindi ako umangal basta para sa pinakamamahal ko. Hindi man ganung kalaki at hindi rin naman maliit ang sweldo ko pero sapat na iyon sa akin, limang taon na ako rito, limang taon ng nasa tabi nya at ginagawa ang lahat upang mapansin nya pero waley..
Tanggap ko naman na, pero wala eh, umaasa parin kasi ako kahit pa may fiancée na sya.. Feeling ko kasi hindi sila magtatagal kahit pa dalawang taon na rin sila dahil naniniwala parin ako na kami ni Sir Luhan ang ikakasal sa ending.
Mahina pa akong napahagikgik kasabay ng pagbalik ko sa cubicle ko na nasa opisina din ni Sir.
"Pearl." Muntikan ko ng ma-delete ang isang file na ise-save ko ng marinig kong tawagin ako ni Sir.
"Bakit po?" Hindi tuloy ako makatingin sa kanya ngayon dahil sa ginagawa ko.
"Are you free this lunch?" Bumilis naman ang t***k ng puso ko habang hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko.. Tama ba, ang rinig ko?
"Uhmm.. Yes po, Sir. Wala naman po akong gagawin." Kahit meron talaga, syempre hindi ko papalagpasin ang unang beses na niyaya nya akong kumain.
"Then let's eat lunch together, later." Hindi na ako nakasagot pa dahil baka hindi ko na maitago pa ang sayang nararamdaman ko.
***
Nag-ayos talaga ako dahil baka sa isang sosyalin at mamahaling restaurant ako dalhin ni Sir pero sa opisina rin pala nya kami kakain. Nagpa-deliver sya ng pagkain para samin, pero oks lang sakin yun, malakas naman sya sakin eh.
"Pearl, saan sa tingin mo magandang mag-honeymoon kung sakali?" Madalas talagang mag-consult sa akin si Sir pero hindi ko inaasahan ang tanong nya, balak na ba nila magpakasal ng fiancee nya? Nilunok ko muna ang nginunguya ko saka sumagot.
"Sa Boracay, Sir?" Bakit ba kasi tinanong pa ni Sir yun? Kaya nya siguro ako niyayang makipag-lunch para magtanong na naman ng suggestions, baka mamaya maging organizer na rin nila ko.
"How about kapag sa ibang bansa, saan sa tingin mo?"
"Sa Maldives po?" Kasi ako yun yung gusto kong puntahan namin ni Sir, if ever maging kami at magyaya sya eh.
"Mukhang maganda nga, I should suggest that place to Mariana.." Sabi ko na eh, sa fiancee nya, syempre para kanino pa ba?
"Magpapakasal na po kayo, sir?" Pilit pa akong ngumiti ng itanong ko iyon.
"Hmm.. I don't know if gusto nya na this year but pinaplano na namin. And by the way, I will be needing your help in planning our wedding." Ang swerte talaga ni Mam Mariana, mahal na mahal sya ni Sir, hindi ko alam kung bakit. Eh lagi namang nasa U.S yun samantalang ako narito lang oh.
Nagpaalam muna ako kay Sir, na mag-c-cr, dahil nabigla talaga ako na gusto nya ng magpakasal.. Akala ko next year pa, tapos gusto nya rin akong tumulong sa kanila. Pwede bang huminde? Baka mamaya ma-sabotahe ko lang ang kasal nila..
Gustuhin ko man pero ayokong humadlang sa kung ano ang ikakasaya nya.
Paglabas ko ng restroom, hindi ko akalaing makikita ko rin si Sir dito, hinintay nya ba ko?
"B-bakit po, Sir?" Kinakabahan kong tanong, ano na naman kayang ipapagawa nya this time.
"We have something to talk about." Mukhang seryoso ang sasabihin nya.
Tungkol kaya iyon sa kumakalaban sa kanya? Nasa number one spot sa Top Entrepreneurs in the Country kasi itong si Sir, lagi silang nagsasalit-salitan sa pwesto nung si Mr. Javier yata yun. Pero syempre hindi papatalo ang Sir Luhan ko dun, kahit pa nakuha na nung Mr. Javier na yun ang awards na The Hottest CEO at ang pagiging country's top billionaire.
Para sa akin, mas magaling, mas matalino at mas mabait si Sir, sa bagay, hindi ko pa rin naman kasi nakikilala si Mr. Javier. Palagi nitong kinakalaban sa lahat si Sir Luhan, naikwento na kasi sya sa akin na parang gustong gusto syang pabagsakin ng taong iyon. Nakilala na raw nya ito at parang gusto nito na palagi syang nangunguna.
"I'll be staying at New York for one week, so you'll take over the whole corp." Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi ni Sir.
"P-po?"
"Gusto lang sana naming magbakasyon ni Mariana, and also I trust you.. You've been there for me for almost five years, and I believe in you, sa dami na ng naitulong mo sa akin sa pagpapatakbo ng mga negosyo ko, I know that you can do this." Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa pagtitiwala nya sa akin palagi. Pero kaya ko nga ba?
"Bakit po hindi nalang si Sir Edward?" Dati kasi kapag umaalis si Sir, ang best friend nya ang nagte-take over.
"You know that guy, Pearl, he'll surely bring girls to my office again and I don't want it. Nandito ka naman, so why not, you?" Babaero nga pala ang dakilang kaibigan nya.. Pero dahil binibigay sa akin ni Sir Luhan ang tiwala nya, hindi ko ito sasayangin at gagawin ko lahat ng makakaya ko.
"Thank you po, sa pagtitiwala nyo, Sir. Promise, hinding hindi ko kayo bibiguin." Sobra talaga akong nao-overwhelm. Napatango tango si Sir at saka inihabilin ang ilan pa sa mga dapat kong gawin.
"Bago ko pala makalimutan, you'll be meeting up with Mr. Javier, I think may iaalok syang partnership together with one of our companies.. But hindi ko sure kung ano talaga ang agenda nya so you better come prepared." Bigla naman akong kinabahan. Ang pinakamahigpit naming kalaban ay gusto ng meeting with us?... Tama dapat maging prepared baka mamaya may binabalak ang lalaking yun para masira ang kumpanya namin.
"Ok po, Sir. Meron pa po ba?" Biglang tumayo si Sir mula sa swivel chair nya at nagulat ako ng lumapit sya sakin at yakapin ako.
Halos hindi naman ako nakagalaw at na-estatwa lang ako sa kinatatayuan ko.
"Thank you talaga sa lahat, Pearl. Hindi ko alam kung aabot ako sa posisyon kong ito ngayon kung wala ka, you've been there for me since I started.. Hindi mo ko iniwan kahit nung mga panahong parang babagsak na ang kumpanya, you always brought good vibes to me and you also helped me to fix our problems.. I don't know how will I thank you, but maybe I can help you whether you need anything." Parang sasabog na ang puso ko. Unang beses nya akong niyakap, at pasalamatan ng ganito. Pwede bang hindi na matapos to? Pwede bang ako na lang, Sir? Kung sakaling hihingi ako ng kapalit, pwedeng pagmamahal nyo nalang, yun na talaga ang matagal kong inaasam.
"Ehem! Ehem!" Agad napabitaw si Sir, at napalingon kaming dalawa sa taong iyon.
Si Sir Edward lang pala.
"Ako ba Luhan, walang hug?" Natawa tuloy ako, niliitan pa nito ang boses nya at parang tila nang-aasar ang kanyang mga mata.
Um-exit na ako dahil kapag kinakausap ako ni Sir Edward ay nararamdaman kong hinuhuli nya ako. Parang pinagsususpetyahan nya na ako na may gusto ako kay Sir Luhan. Kaya hanggang maaari ay iwasan ko sya para hindi nya na ako mahalata pa.
***
TATLONG ARAW na ang lumipas ng umalis si Sir.. At kahit ako man ang boss ngayon dito sa LM Group of Companies, hindi parin ako dapat magpaka-chill-chill. Hindi biro ang posisyong ito pati ang mga tungkulin nito.
Bigla namang pumasok sa opisina ko for now ang secretary ni Sir Edward na si Chynna na kaibigan ko.
"Ang swerte mo girl!" Tili pa nya.
"Hoy! Anong swerte? Mahirap kaya to, ang daming gagawin!" Pinatungan ko muna ng cellphone ko ang isang papel na binabasa ko para saglit na makipag-chikahan kay Chynna.
"Ano palang ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Magiging secretary mo ako at ngayon ay may meeting ka kay.." Oh! Bigla akong kinabahan, nasabi na sa akin ni Sir Luhan to! Omg! Ngayon na pala ako makikipag meet up kay Mr. Javier.
"Hindi ko pa pala napapag-aralan ang tungkol sa Javier Corporation at si Mr.
Javier.. Dapat may alam man lang ako tungkol sa kanya.." Napatampal ako sa noo ko.
"Dapat mo pa bang pag-aralan ang sikat at napaka-hot na si Mr. Javier? Dapat kilala mo na sya no! He's so sikat kaya! Ang swerte mo talaga! Makaka-meeting mo lang naman ang nag-iisang Zayn Gustave Javier! Omg! Sana hols!" Nakakabingi namang tumili to. Ganun ba talaga ka-hot ang taong iyon? Pero wapakels kung gaano pa sya ka-hot dahil sya lang naman ang napaka-persistent rival ni Sir Luhan.
"Kung gusto mo, sa kanya ka na magtrabaho! Kailangan kong maging mapanuri mamaya sa kung ano mang balak ng lalaking iyon, hindi namin alam ni Sir Luhan ang takbo ng isip nya at plano nya dahil gustong gusto nya tayong pabagsakin.. Yun lang naman ang paniguradong goal nun!" Inirapan naman ako ni Chynna. Sya pa galit? Totoo naman eh! Traydor nito, dito pa nagtrabaho eh si Mr. Javier naman pala ang gusto. Tss. Nevermind.
Bakit pa kasi nataong magbabakasyon si Sir? Kung kailan makikipag-meeting itong si Mr. Javier.
Talagang hot and handsome nga si Mr. Javier mukhang kaedaran lang din nya si Sir Luhan na nasa mid 20's.. Kaya nga lang, hindi ito palangiti base sa mga pictures sa internet, hindi katulad ni Sir Luhan. Sa tingin ko, masungit ito.. At baka maagang tumanda! Charot.
Kaya naman kinagabihan ay nag-ayos talaga ako, baka kasi mapagkamalan akong alalay ng ka-meeting ko eh. Hiyang hiya naman ako. Nagsuot ako ng red off shoulders dress na above the knee partnered with my silver heels shoes.. Nag light make up na rin ako para presentable naman ako sa kanya.
Paglabas ko sa opisina ay nakasalubong ko si Sir Edward, naku! Ano na naman kayang ihihirit nito?!
"Pearl, ikaw ba yan?" Tanong nya habang tinitignan nya ko mula ulo hanggang paa.
"Opo, bakit may mali po ba sakin?" Umiling sya habang nakangiti at hindi parin inaalis ang titig sa akin.
"Naninibago lang ako, you look so.. attractive tonight." Bolero talaga itong si Sir, sanay nako. At hindi ako katulad ng mga babae nyang mabilis mabola at makuha.
"Thank you, Sir. Aalis na po ako." Umalis na ako at bawat empleyadong nadadaanan ko'y napapatingin sa akin.
Talaga bang ganun ako kaganda ngayon?
"Oh, saan ang date?" Tanong ni Manong Bert na isa sa mga security guard na ka-close ko rito. Natawa naman ako.
"Wala po akong date. May ka-meeting lang po." Sagot ko naman.
"bakit ka naman nagpaganda ng ganyan?"
"Hala?! Normal lang po ito no! Sige po mauna na po ako! Baka ma-late pa po ako.."
Sumakay na ko bi-nook kong taxi kanina at mabilis naman akong nakarating sa location.
Napatingala ako, eto ba talaga yun? First time ko lang makakapasok sa restaurant na to. Pang mga soshal at mayayaman.. First time kong hindi kasama si Sir Luhan sa meeting.
Pagpasok ko ay napaka-romantic ng lugar.. Napangiti tuloy ako, ini-imagine ko tuloy na makikipag-date ako. Pero no way din pala, syempre kung may gusto man akong maka-date nag-iisang tao lang yun, at yun ay si Sir Luhan.
Nakaka-inggit naman puro couples yata ang nandito, bakit dito pa kasi ang meeting place?
Hanggang sa mapunta ang tingin ko sa nag-iisang nakaupo sa may sulok, si Mr. Javier na ba yun?
Hindi ko pa sya nakikita sa personal pero nakita ko naman na sya sa picture.
Lumapit ako roon at hindi ako nagkamali.
"Are you, Ms. Rivera?" Parang nanindig ang balahibo ko sa boses nya na malalim at malamig.. Agad naman akong ngumiti kahit kinakabahan, hindi ko iyon dapat ipahalata.
"Yes, po. Good evening, Mr. Javier." Biglang syang tumayo at naghila sya ng isang upuan para makaupo ako. Gentleman, eh? Hindi halata.
Hindi natuloy ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla..
Umupo na rin sya sa tapat ko saka muli akong tinitigan. Napansin ko na mas gwapo sya sa personal at hapit din sa kanya ang suot nyang blue suit kaya halata mo sa kanya ang magandang pangangatawan nya.
"Good evening too, by the way you look hot and gorgeous, I hope you're not gonna seduce me.." Pakiramdam ko tuloy ay namula ako sa papuri nya. Pero wala po akong balak manglandi no! Parang ikaw nga yun, dahil parang inaakit ako ng mga mata mo. Wala man syang emosyon pero malakas parin talaga ang dating nya.
"Haha. Thank you, Mr.--" Pinilit ko pang tumawa dahil parang awkward talaga dahil hindi ko naman inaasahan ang sasabihin nyang iyon kanina dahil sa boses palang nya ay parang sya yung tipong seryoso at cold na tao.
"Just call me, Zayn." Bakit naman? Hindi naman kami close at hindi ko sya kapantay ng estado kaya wala akong karapatang tawagin sya sa pangalan nya.
"Uhmm.. Sir Zayn." Napapikit sya at parang nairita sya sakin ng hindi ko sya tawagin ng sa pangalan nya lang. Mukhang sa tingin ko tuloy gusto nya na lagi syang sinusunod at nakukuha ang kanyang gusto.
"Only. Zayn." Matigas nyang sabi. Parang commander sya kung magsalita.
"Zayn. Hindi kasi ako sanay eh." Hirap na hirap akong ibigkas ang pangalan nya dahil hindi nga ako sanay tsaka pwede ba mag meeting na kami para matapos na ang pinaka-awkward na usapan sa buong buhay ko.
"So you're still calling Luhan, sir? Kahit pa matagal ka ng nagtatrabaho sa kanya?" Syempre naman..
"Opo, kasi para naman po akong walang galang sa kanya kapag walang Sir." Ngumisi naman sya.
"Oh. I thought you two are in a relationship cause if I heard it right, ikaw ang nag take over sa LM Group of Companies." Sana nga, sana nga kami nalang ni Sir, magdilang anghel ka sana, Zayn. Char! Pero wait! Saan nya nalaman na ako ang nagtake over ng kumpanya? Hindi naman namin ibrinoad-cast yun ah!
"May fiancee na po yung si Sir.. And opo ako po muna yung nagtake over sa LM--, saan nyo po nalaman?" Muli syang ngumisi, I haven't seen him smile yet..
"I do have my own sources." May espiya kaya sya sa samin? Pwede. Pero sana wala, dahil kung meron man ay may traydor sa amin!
Teka nga saglit! Puro nalang ba ganito? Bakit ayaw pa ko diretsuhin nitong si Zayn kung ano talaga ang purpose ng meeting na ito.
"Uhm.. Z-zayn, ano po ba talagang purpose ng meeting natin? Pwede po bang diretsuhin nyo na ko?" Kasabay ng tanong ko ay parehas kaming napatingin sa dumating na waiter.. So, um-order na sya? Ano ba yan, akala ko ako pipili.. Pero mukhang masarap naman. Nagsalin na rin ng wine si Kuya Waiter, hindi naman ako nainom.
"Are you in a hurry?" Tanong nya habang umiinom ng wine na tila akala mo'y isa syang endorser sa commercial.
"Hindi naman po. Para kasing kayo po yung tipo ng tao na seryoso at walang oras para makipag-chikahan." Naningkit naman ang mga mapang-akit nyang mata sa akin. Tsaka ko lang na-realize kung ano ang sinabi ko sa kanya. Hindi ko dapat sinabi sa harap nya kung ano man ang nasa isip ko. Malamang iniisip nya ng judger ako. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko habang parang inoobserbahan nya ako.
"I'm sorry po." Mahinang sambit ko na sana ay narinig nya.
"You are a straight forward person, its the first time na may nagsabi sa akin nan sa personal." Parang ang pahiwatig nya sa akin ay walang sinuman ang makakapagsabi sa kanya ng ganyan na para bang lahat ay takot sa kanya. Sa Diyos lang ako may takot. Hindi porket bilyonaryo sya ay dapat na kong lumuhod sa harapan nya.
"Sorry po, hindi ko sinasadya." Ulit ko pa.
"And also if you want me to go straight to the point, I'm gonna say that I'm interested on you." Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi nya. Huwat?! Interesado sya sakin? Eh, ngayon pa lang naman kami nagkita ah! Lakas naman ng karisma ko kung ganun. Kaya nga lang, hindi ko kayo maka-crushback eh! Iisa lang nasa puso ko kundi si--
"I'm interested on you that I want you to work for me." Sabi ko nga hindi nya ko gusto.. Nagtaka naman ako, nagtatrabaho na ako kay Sir Luhan eh, alam nya naman yun diba? Bakit nya pa ako inaalok?
"Yeah, you can continue your work on his company while you're also working for me. Report all the things, details, and his plans that you will know. Its just simple." In short, gusto nya kong maging mata nya roon.
"Gusto nyo kong maging espiya nyo?" Hindi ko mapigilang hindi maging mahinahon, hindi ko gusto ang inaalok nya.
"Just name your price." Nakatingin na sya sa akin ng diretso, at lalo namang nag-iinit ang dugo ko sa kanya. Masama nga talaga sya, pero hindi ko magets bakit gustong gusto nya mapabagsak si Sir Luhan.
Napalunok naman ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil baka hindi ko mapigilan ang inis ko.
"As far as I know, your salary is just small compared to my employees. I can double or triple it, if you want." Huminga ako ng malalim saka tumayo, hindi ko na kaya. Parang sa tingin nya ay mabibili nya ako. Hindi nya ako makukuha no!
"Pasensya na, Mr. Javier pero hindi ko kayang traydurin ang boss ko kahit offer-an nyo pa ko ng malaking sweldo." Tumalikod na ako, at nagsimulang maglakad hanggang sa naramdaman ko na parang sumunod sya sakin.
At may sinabi syang nagpatigil sa akin.
"Hindi lahat nao-offer-an ng ganyang kalaking pera and also hindi lahat ng tao kasing loyal mo, maybe there's another reason, I think you are in love with your boss."
Halata ba ako? O talagang magaling lang syang magconnect-connect ng mga bagay pero hindi naman nya ko kilala. Sa source nya? Pero ako at ibang kaibigan ko lang naman ang nakakaalam ng nararamdaman ko kay Sir Luhan. Baka naman matalino lang talaga sya, he's a businessman after all.
Naglakad sya papunta sa harapan ko saka inabot sa akin ang calling card nya.
"And if you ever changed your mind, just call me."
At umalis na sya.
Teka, Bakit ko tinanggap to?!
---