Chapter TWO: Bar

2762 Words
Lumabas na ako sa restaurant na yun, parang wala pa rin ako sa wisyo. Hindi ko alam na ganito pala ang kakahantungan nito. Hindi ko inaasahan ang offer na yun, partnership with their company ang nasa isip ko. Nagbook na ulit ako ng masasakyan pero, bakit wala pa? Maghihintay nalang siguro ako rito sa labas... "Hoy! Mga pre! Chix oh!" Napalingon ako sa mga kalalakihang naglalakad sa daan na mukhang mga lango sa alak. Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanila pero hindi ko inaasahan ang paglapit ng isa sa akin. Maglalakad na sana ako palayo, ng hatakin ako ng isa sa kanila. "Ano ba?! Tulong!" Sigaw ko habang nagpupumiglas sa kanila. Pito pala sila, mga tumatawa sila na parang baliw, para silang mga adik dahil sa itsura nila at ang babaho nila. Lord.. Tulungan nyo po ako. Gusto ko pong makauwi ng ligtas. Sana po ay may tumulong sa akin. "Bitiwan nyo ko!" Hindi na nakaya ng isa sa kanila ang pagpupumiglas sa akin kaya pinalibutan nila ako. Napalunok nalang ako sa takot.. Ayoko pong mabalita sa 24 oras at ma-feature sa Imbestigador.. Lord please! Help me, Lord! "Let her go." Para akong nabuhayan ng pag-asa ng may marinig akong magsalita. Parang pamilyar ang malalim at malamig na boses na iyon. "Pre, walang pakialamanan! Kami nauna rito eh!" At tinawanan nila ang lalaki na si Mr. Javier pala! "I said let her go." Para talagang laging nag-uutos ang boses nya pero hindi parin nasisindak ang mga adik na lasenggo na to. Tinignan nya ako at pilit nya akong hinigit mula sa mga lalaki. Hinigit nya ako papunta sa likuran nya hanggang sa bigla nalang syang sinapak ng isang lalaki pero naiwasan nya ito. Sinipa nya ang isa at sinikmuraan kaya bumagsak ito. Pero dahil marami nga sila hindi lahat ay nailagan nya pero may dalawa na syang napabagsak.. May nakita akong naglalakad na security guard, agad ako itong nilapitan at tinawag. Pumito sya sabay takbo ng mga lalaking iyon pero agad kong dinaluhan si Mr. Javier ng makita ko syang hinang hina... Bwisit talaga ang mga lasenggong yun! "Kuya Guard!" Tinawag ko ang guard at nagpatulong ako sa kanya na buhatin si Mr. Javier papunta sa sasakyan nito. Nang maipasok na sya sa sasakyan nya ay tinabihan ko muna sya. Hindi naman sya nawalan ng malay pero parang hindi nya na kaya. "Mr. Javier, sorry dahil napahamak pa kayo, dahil sakin. Salamat din sa pagligtas sa kin. D-dalhin na pala kita sa hospital, ako na magd-dri--" Natigilan ako ng makaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng hawakan nya ko sa wrist ko kaya napatingin ako sa kanya. "Don't bring me to the hospital, they will know me, and it can ruin my reputation." Hinang hina nyang sabi. Napahinga ako ng malalim, hanggang sa dulo, reputasyon parin nya ang nasa isip nya. "S-saan kayo nakatira?" Ibinigay nya sa akin ang cellphone nya and I saw his address there. Mabilis akong lumipat sa driver's seat at mabilis kong pinatakbo ang sasakyan nya. Wala akong kotse pero marunong akong magmaneho, natuto ako kay Sir Luhan, dahil tinuruan nya ako at nagvo-volunteer din akong ipag-drive sya kahit pa may driver naman ito. Gusto ko kasing magkaroon kami ng alone time together. Pinagmasdan ko ang napakalaking mansion na tinutukoy ng address. Agad kong ipinark ang sasakyan nya ng makapasok na kami sa loob. Napatingin ako kay Zayn sa likod na kasalukuyan ring kanina pa pala nakatitig sa akin, naramdaman ko ang biglaang pagkabog ng dibdib ko kung kaya't ako rin ang unang umiwas ng tingin. "T-tawag lang po ako ng tutulong--" "I don't have any helpers here." Naguluhan naman ako. "Mag-isa lang akong nakatira dyan." Dagdag nya pa. Ha? Sa laki ng bahay na iyan?! No choice! Bumaba ako sa sasakyan nya at umikot, ako ang aakay sa kanya papasok sa bahay nyang palasyo. Akmang tutulangan ko syang maglakad palabas pero.. "I can handle myself." Hinayaan ko sya at nakita kong paika-ika syang naglakad papasok sa mansion nya. Sumunod ako sa kanya at napatalikod ako sa pag-aakalang mag-e-enter sya ng password pero mukhang may face detector ang pinto nito dahil kusa itong bumukas. Napanganga at namangha ako sa laki at lawak nito, nasilaw rin ako sa mga kumikinang na mga paniguradong mamahalin na gamit at dekorasyon sa loob. Napatingala rin ako sa mga chandelier at napagala ang aking mga mata sa mga nakasabit na painting. "Follow me and treat my wounds.." Napatingin ako sa kanya, parang naiirita sya sa paglibot ko ng tingin sa bahay nya. Hay! Mamaya na nga, ang sarap sigurong tumira sa ganito! Kaya nga lang kalungkot naman dito, wala syang kasama. Umakyat kami sa second floor hanggang sa pumasok kami sa isang kwarto.. Mukhang ito ang kwarto nya, naaamoy ko ang halimuyak nya rito, manly na manly ang scent. Matapang pero mabango. May ilaw sa kwarto nya pero ang dilim pa rin... Pero kita ko parin na malawak ito, may mini office at library sya, naka-display din ang ilan nyang awards pati rin ang magazines na sya ang cover. Nagulat naman ako ng marinig ko ang pagsara nya sa pinto ng kwarto nya. Kinakabahan ako, kahit hindi ko alam kung bakit. Ito ang unang beses na makapasok ako sa kwarto ng lalaki, hindi lang yun tapos kaming dalawa lang ang narito. Alam ko namang walang mangyayari sa amin dahil sa itsura nya ay mukhang wala naman syang balak sa akin. Ibinagsak nya ang sarili nya sa king sized bed nya at nilingon nya ako. Kanina pa pala ako na-estatwa sa kinatatayuan ko.. Nilapitan ko sya at tinanong. "Nasaan pala yung first aid kit nyo?" Hindi sya nagsalita at itinuro nya ang isang medical cabinet malapit sa mini office nya. Kinuha ko na yun at hindi ko alam kung saan ako pupwesto.. Nahihiya man ako, pero umupo ako natitirang espasyo ng kama nya. Blanko ang ekspresyon nya habang nakatitig sakin. Nataranta tuloy ako dahil ramdam ko ang titig nya habang kinukuha ko ang alcohol at cotton.. Napatingin naman ako sa kanya, halos nasa mukha ang mga sugat nya. Nadungisan tuloy ang gwapo at makinis nyang mukha ng dahil sa akin. Dahan dahan kong idinampi ang bulak sa sugat nya.. At nakita ko ang paglunok nya senyales na masakit ito. Habang ako ay halos hindi na makahinga dahil sa titig nya sa akin, pakiramdam ko ay matutunaw na ako. Nang malagyan ko na ng alcohol at band aid ang sugat nya.. Inayos ko na ang mga ginamit ko at akmang tatayo na ng hawakan nya ulit ako sa wrist ko. "Stay." Ramdam ko lalo ang pagbilis ng t***k ng puso ko sa mga oras na to. May tila kuryente na naman akong naramdaman sa wrist ko ng hawakan nya iyon... Kinakabahan talaga ako. "B-bakit po? May kailangan pa po kayo?" Malamig nya muli akong tinitigan. "I saved you, you owe me. What about my offer now?" Hindi porket niligtas nya ako ay tatanggapin ko na ang alok nya bilang kapalit niyon. "Salamat po sa pagligtas sa akin kanina, pero hindi ko pa rin matatanggap ang offer nyo.." Sandaling napapikit ang mga mata nya habang hawak nya parin ako sa wrist ko. "Then were not yet done." Ganun parin ang tono ng boses nya, kalmado pero parang banta iyon. Nang bitawan nya ako ay dali-dali akong tumayo sa kama nya pero muli syang nagsalita. "Its already late, you can sleep in the guest room." Pinatay na nya ang lamp nya kaya lumabas na ako ng kwarto nya. Hindi ko magets ang taong iyon, parang may pakialam sya sakin pero dahil lang yun siguro sa pag-aakala nyang papayag ako sa offer nya kapalit ng kabutihang ipinapakita nya. Pagbaba ko ng hagdan ay napatingin ako sa wall clock, alas-dos na pala! Hindi na nga ako makakauwi nito, pero baka naman ma-late ako bukas.. Iidlip nalang siguro ako. Sa living room ako dumiretso, naiwan ko pala yung bag ko sa sofa, dito na rin ako iidlip para magising agad ako. Ayoko na maabutan nya pako rito bukas. Nag-alarm ako ng five o'clock, pero bwisit! Alas-syete na ko nagising. Ramdam ko na ang pagkalam ng sikmura ko, kaya napatingin ako sa taas, hindi pa naman yata sya gising, baka pwede pang pumuslit sa kusina. Naglakad lakad ako hanggang sa marating ko ang kusina. Binuksan ko ang ref, at nagulat ako ng makitang punong-puno ito. Mauubos ba nya lahat to?! Ng mag-isa sya? Tsaka walang ready to eat! Hay! Mukhang mapapaluto ka pa. Puno ng gulay at prutas, karne ng baboy, baka, isda at kung anong hayop pa.. Itlog, fresh milk. In short puro healthy. Eto yata yung nakikita ko dati sa food pyramid nung elementary. No choice ka talaga oh! Its cooking time! Sana ay mamaya pa sya magising, wag syang mag-alala, maingat naman ako sa mga bagay bagay lalo na kung alam kong mga mamahalin ito, saka titirhan ko naman sya hehe. Napaisip ako ng kung anong gusto kong putahe, dahil sa dami ng ingredients na narito, kung anong gustuhin mo ay paniguradong maluluto mo. Kumpleto eh! Napatingin naman ako sa listahan na naka-pin sa ref, mga recipe ng hindi ko kilalang pagkain, mga pang rich kid na foods. Pero parang pamilyar, nakakita na ako ng ganyan kay Sir Luhan dati, listahan ng personal nutritionist nya. Alam nyo naman kapag mayaman, may sariling ganun kailangan lagi silang healthy para long life daw! Masyado namang balanced diet, hindi ko kakayaning kumain ng kakarampot at puro dahon at karne! For sure nakakasawa iyan! Pero mukhang yan din ang dahilan kung bakit maganda ang katawan ni Zayn.. May time pa kaya syang mag-gym? malaki kasi ang katawan nya. Napag-desisyunan kong Tinolang Manok nalang, ka-miss na eh! Ang bango ng aroma ng Tinola ko.. Amoy na amoy ang luya.. Buti nalang may rice cooker naman dito kaya dun na ako nagluto ng kanin. Kaunti lang ang kinain ko, nagmamadali na rin kasi ako eh. Uuwi pa at papasok na rin ako sa trabaho. Niligpit ko na ang pinagkainan ko at naghugas. Hinanda ko na rin sa dining table ang kakainin nya at tinakluban ko nalang iyon. Naisip ko ring mag-iwan ng letter para hindi nya na ko hanapin, kailangan ko na talagang umalis eh. Kahiya naman wala akong paalam sa kanya. To: Mr. Javier Salamat po ulit sa kagabi at sa pagpapatulog sakin dito.. Pero hindi ko pa ring magagawang suklian ang tulong nyo ng pangtatraydor sa boss ko. Pasensya na po talaga, sana maintindihan nyo. Pasensya na rin po kung nakikain ako, pero tinirhan ko naman po kayo ng niluto ko.. Sana magustuhan nyo yung luto ko, specialty ko po yan, kainin nyo sana. Healthy naman po yan at malinis, walang lason haha. Peace. – Ms. Rivera *** Alas-otso pa naman ang pasok ko, at eight na ngayon! Pero nasa bahay pa rin ako, patay ako nyan! First time ko to ever na ma-late! Buti nalang wala si Sir ngayon.. Buti pa sya pa-chill chill lang sa New York, eh ako namomroblema kay Zayn, yung banta nya.. Kinakabahan ako, sabi nya were not yet done. Kapag ba nakabalik na si Sir, sasabihin ko na inalok ako ni Zayn? Hay! Halos wala pang limang minuto ay tapos na akong maligo. Hindi na rin ako nakapagsuklay at konting make up, sa daan nalang siguro. Nang dumating ako sa LM GoC. ay hindi ko na nabati pabalik si Manong Bert, lakad-takbo na ang ginawa ko para agad na marating ang 35th floor kung saan ang office ni Sir Luhan. Hindi ko pa nabubuksan ang pinto ng opisina nya pero may mga narinig akong boses sa loob. "G-good morning, Sir and Mam.." Nagulat naman ako sa kanila, Bakit nandito si Sir Luhan? Kasama pa nya si Mam Mariana na ang sama ng tingin sa akin. Akala ko ba isang linggo sila sa New York? "As far as I remember, you were never late, Pearl." Seryosong sabi ni Sir. Tumungo naman ako saka nagpaumanhin. "S-sorry po talaga, a-ah na-late po ako k-kasi napuyat po ako sa mga tinapos kong reports.." Pagdadahilan ko pa. "Ok! Hindi naman ako galit, nanibago lang. What happened pala sa meeting nyo ni Mr. Javier?" Napalunok naman ako sa tanong ni Sir Luhan. Sasabihin ko ba? "Wala--" "Hon, labas muna ako ah.." Paalam ni Mam Mariana saka ako inirapan bago sya umalis. Hindi ko talaga maintindihan yun si Mam kung bakit sya galit sa akin, hay! "Ano yun?" Nakangiting tanong ni Sir. Umupo muna ako malapit sa table nya saka muling nagsimula. "Wala pong meeting na nangyari. I-inalok nya po akong maging espiya nya sa inyo, at syempre hindi ko po tinanggap." Nakatitig lang tuloy sa akin si Sir, naiilang tuloy ako. "I didn't expect him to do that.. Akala ko malinis syang makipag-kumpitensya.." Napatingin naman ako kay Sir, na mukhang napaisip sa sinabi ko. Teka, pati ba yung banta sa kin ni Zayn, sasabihin ko? "B-balik na po ako--" Tinawag pa ulit ako ni Sir. "Pearl, pupunta pala kami mamaya sa bar ni Mr. Mallari, nila Mariana at Edward, I want you to join us.." Bakit naman ako sasama? Edi third wheel ang peg ko! "Marami pa po akong tatapu--" "Malayo pa naman ang due nyan, kapag hindi ka sumama, magtatampo ako sayo." Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko. "Sabi ko nga po sasama ako, hehe.." *** "Buti nalang sumama ka, Chynna! Kundi isa na naman akong hotdog sa tabi nila! Hindi ako bagay maging third wheel lang no!" Sumabit ang kaibigan kong si Chynna kay Sir Edward. "Woy! Pearl! Bakit ganyan ang suot mo?" Ano namang problema nya rito sa suot kong white dress na long sleeves? "Magsisimba ka ba? Jusko girl! Kaya ka walang boyfriend eh! Kulang nalang sayo rosaryo eh!" In-ignore ko nalang sya at uminom na lang ako. Kanina pa kami nandito sa bar at humiwalay na kami kina Sir. Alam naman ni Chynna na may gusto ako kay Sir Luhan kaya naiintindihan nya ako na masakit para sa akin na makita kong maglandian si Sir at ang fiancee nya. "Ikaw nga halos makita na buong katawan mo dyan eh! Bakit nagdamit ka pa?" Tanong ko sa kanya, nainis naman sya kaya natawa ako. "Hay! Ganyan ang style girl! Inomnom ka muna dyan ha! Dance dance muna aketch!" Papikit pikit na akong napatingin sa kanya habang umiinom. Nakisayaw na sya roon sa dance floor at hinahayaan lang nya na hawak hawakan sya ng mga kalalakihan. Hay! Flirt din tong si Chynna eh! Pero she's a nice friend to me naman. Napatingin naman ako sa relo ko, grave alas-dose na pala! Ibig sabihin kanina pa ko nagpapaka-lasengga rito! Hay! Boring naman! Wala akong kasama! Si Sir Luhan, syempre ayun nga kalandian ang fiancee nya, si Sir Edward may babae na namang kasama, as usual. Dapat talaga hindi na ko sumama, ang sakit pa tuloy ng ulo ko ngayon! Tae! Ansaket! Parang binibiyak! Nakailang bote na ba ko? Tumayo na ako sa sofang inuupuan ko at hinanap sila Sir. Magpapaalam nako.. Hinanap ko sya kahit hilo na ako, hanggang sa makita ko syang nakatalikod at walang kasama. Nasaan na yung Mariana na yun?! Bakit nya iniwang lonely si Sir ha?! Papunta pa lang ako sa pwesto nya ay tumayo at naglakad na sya papuntang exit... Agad ko naman syang hinabol at niyakap ang likuran nya. Napatigil naman sya sa paglalakad. "Sir! Hintayin nyo ko! Bakit mag-isa lang kayo? Iniwan nya na ba kayo? Wag kayong malungkot! Nandito naman ako eh! Ang tagal ko ng nandito lagi sa tabi nyo! Baka pwedeng bigyan nyo naman ako ng chance?" Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. At amoy na amoy ko naman ang matapang nyang pabango na nakakaadik. Teka, bakit parang pamilyar ang amoy na to? Nagulat ako ng alisin nya ang pagkakayakap ko sa kanya, hindi ko maaninag ang mukha nya dahil madilim dito sa loob. "Sir! Bakit ba ayaw nyo sakin?! Tsaka wag nyo naman akong iwan!" Sigaw ko pa sa kanya. "Tss. You're drunk." Bakit iba ang boses nya? Dahil ba lasing sya, kaya malalim at malamig na ang boses nya? Hinigit nya nako hanggang sa makarating kami ng parking lot.. Tinulungan nya na rin akong makasakay sa sasakyan nya. Teka, kailan pa naging convertible ang kotse ni Sir Luhan? Nakalimutan ko lang siguro. Hay! Ang sakit talaga ng ulo ko, kanina pa ko nahihilo, matutulog nalang ako sa biyahe. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD