"Nasaan ako?" Nagising akong nakahiga na rito sa isang puti at napakalambot na kama. Tinignan ko ang suot ko, eto parin naman ang damit ko. Hindi naman masakit ang parteng ibaba ko, kaya wala naman sigurong ibang nangyari kagabi. Nasa hotel ba ko? Alam naman ni Sir Luhan ang bahay ko ah! Bakit hindi nya pako hinatid samin?
Tumayo na ako sa pagkakahiga ko, saka nagpunta agad ng banyo. Halos isuka ko na yata lahat.. Napakapit naman ako sa pader ng makaramdam ulit ako ng hilo.
Nagsipilyo at hilamos na ako at lumabas ng banyo. Nakita ko ang bag ko sa tabi ng lamp.
Dinala ko na ito saka lumabas ng kwarto ko.
Paglabas ko, nagulat ako. Pamilyar tong bahay na to ah! Teka, imposible! Bakit nandito ako?! Bwisit na kalasingan oh!
Napalinga-linga ako sa buong paligid, hmm.. Makakatakas ulit ako. Hindi pa naman yata sya gi--
"Uuwi ka na naman ba ng walang paalam?" Biglang lumakas ang pagkabog ng dibdib ko ng marinig ko na naman ang malalim at malamig na boses iyon. Sya ba talaga ang naghatid sa kin kagabi?
"A-a-ahh.." Hindi ko talaga ang sasabihin ko sa kanya. Nakatitig lang sya sakin at pakiramdam ko na naman ay matutunaw na ako. Kinakabahan lagi ako sa tuwing nandyan sya... Iba talaga yung dating ng aura nya sa kin.
"Eat first before you leave." Saad nya saka bumaba na ng hagdan.
Kung sya nga ang kasama ko kagabi, bakit nag-abala pa syang iuwi ako rito? Paano kami nagkita? Wala akong maalala.
"Uhmm.. P-paano pala ako nakarating dito?" Tanong ko sa kanya, magkatapat kaming nakaupo at pinapanood ko lang syang kumain.
"You don't remember?" Blanko nya akong tinignan. Umiling naman ako.
"Just eat." Napatingin tuloy ako sa mga pagkaing puro dahon. Puro naman gulay, pero may konting meat naman kaya lang kakarampot ang kanin.
Bakit ayaw nyang sagutin ang tanong ko?
"A-aalis na po ako, s-salamat ulit.. Wag nyo na kong tulungan pa ulit sa susunod, hindi ko parin naman tatanggapin yun kahit paulit ulit nyo kong tulungan." Yun ang huli kong sinabi sa kanya bago ako umalis. Saglit nya lang akong tinapunan ng tingin at wala na rin syang sinabi.
***
Napamadali na naman ako, jusko! Mas late ako ngayon.. 10am na ako nakapasok, at sunud sunod na ang late ko, huhu..
Ano na naman kayang idadahilan ko kay Sir? Ay hindi! Kahit wala na siguro, sya naman ang pasimuno nito eh!
Maingay ang opisina ni Sir sa labas pa lang..
"Good mor--" Bigla naman akong sinugod ng yakap ni Chynna.
"Girl! Anong nangyari sayo kagabi? Saan ka napunta? Sinong kasama mo? Alalang alala kami sayo!" Nakatingin naman sa amin sina Sir Luhan at Sir Edward.
"O-ok lang naman ako." Hindi ko alam anong isasagot ko, syempre hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na kasama ko si Zayn, kalaban ni Sir Luhan yun eh baka isipin nya na kumampi na ako roon.
"Sino nga yung kasama mo kagabi?" Tanong pa ulit ni Chynna, pati sila Sir Luhan at sir Edward ay hinihintay din ang sagot ko.
"Sorry kung late po ako ha, naka-dalawang late na po ako--"
"Wag mong ibahin ang usapan!" Sigaw sakin ni Chynna, napalunok naman ako.
"A-ano, sinong kasama ko? U-umuwi ako mag-isa no!" Nakita ko namang kumunot ang noo nilang tatlo.
"You sure? Nagtanong kami sa guard, and may kasama ka raw lalaki kagabi.. Hindi namin nalaman kung sino dahil may CCTV man ay madilim naman ang kuha.." Singit ni Sir Edward. Pakiramdam ko tuloy pinagpapawisan na ako ngayon. Paano ko lulusutan to?
"May isa ring bouncer ang nakakita sa inyo, yakap mo pa raw yung lalaki kaya kilala mo raw siguro yun kaya sinabi nya na wag na kaming mag-alala sayo. Sino ba yun? May kakilala ka ba dun?" Mataray na sabi pa ni Chynna. Hindi ko talaga maalala yung kagabi. Napatungo nalang ako.
"Tinanong din namin yung bouncer na yun if he knows that guy, he said yes pero hindi raw sila pwedeng magbigay ng info ng mga VIP.." Lalo akong nataranta ng marinig ko ang seryosong boses ni Sir Luhan, pero wait! Nag-alala rin sya para sakin kung ganun?
"A-ah oo kilala ko nga yun! P-pinsan ko yun eh.. H-hinatid nya naman ako sa bahay namin kagabi." Pilit pa akong ngumiti. Hayst! Pinsan ko na ngayon si Mr. Javier, swerte ko naman kung ganun!
"Mahal na mahal mo yata yung pinsan mo na yun ah! Niyayakap mo pa.." Parinig pa ni Sir Edward.
"M-magtatrabaho na po ako." Pupunta na sana ako sa cubicle ko pero hinigit din ako palabas ni Chynna at sya na ang nagpaalam sa dalawa.
"Hmm.. VIP pala ha? Sino yun, girl?" Nakataas pa ang kilay nya sakin.
"Pinsan ko nga--"
"Sa tingin mo maniniwala akong pinsan mo yun? Duh! Hindi ka sweet, hindi ka nangyayakap.." Napahinga naman ako ng malalim.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala!"
"Sino ba yung boyfriend mo na yun? Baka pwedeng i-share mo naman sakin kung sino yun, kasi ang alam ko si Sir Luhan lang ang gusto mo. Akala ko ba friend mo ko? Hindi mo na yata ako friend, di ka na nagkukwento" Hay! Tampuhin talaga nito. Napilitan tuloy akong i-kwento lahat ng yun..
"Waaaaaahhh! Kasama mo talaga kagabi si Zayn Javier?!" Agad ko namang tinakpan ang bibig nya.
"Shh! Ingay mo!"
"Gosh! May nangyari ba sa inyo? Omeged! Ang swerte mo talaga!" Napasampal nalang ako sa sarili ko.
"Hindi ko nga maalala anong nangyari kagabi kung bakit ko sya kasama, basta paggising ko nasa isang kwarto nya na ko." Bigla naman nya kong binatukan ng malakas.
"Aray naman!"
"Baka maalala mo na Dali!"
//*Flashback*//
Shemay! Bakit naman ang bango ng backseat? Pati upuan nya ang bango.. Kesa makatulog tuloy ako, sinubsob ko ang ulo ko rito saka sininghot singhot ito.
"Sir! Ang bango bango mo! Nakakaadik ka talaga!" Bigla naman syang napa-preno. Ano ba yan! Naalog yata utak ko! Nagising ako dun ah!
Napatingin ako sa kanya, saka ko lang napagtantong hindi pala si Sir Luhan to! Si Mr. Javier! Ohmygosh!
"B-bakit kayo ang kasama ko?" Tanong ko sa kanya.
"Sabi mo kanina wag kitang iwan.." Napakunot naman ang noo ko ng makita ko syang nagpipigil ng tawa.
"A-akala ko kasi kayo si Sir Luhan.." Napapalo nalang ako sa ulo ko.
"Hindi naman kami magkamukha." Tumango naman ako habang pilit kong pinipigilan ang hilo ko.
"Oo nga! Hindi kayo magkamukha.. Mas gwapo sya at palangiti.. Ganito oh!" Ngumiti ako ng pagkalaki laki sa kanya pero nag-iwas lang sya ng tingin habang nakatigil parin ang sasakyan nya.
"But I'm hotter and more attractive than him." Nanlaki naman mga mata ko sa sinabi nya. Nakangisi pa sya nun habang sinabi nya yun, may kayabangan din pala syang tinataglay.
"Weh? Talaga ba? Dapat may abs kayo para masabi nyo na hot kayo! Saka paano kayo magiging kahali-halina eh hindi ka nga makangiti man lang kahit isang beses.. Tsk! Tsk!" Napailing iling nalang ako. Naalala ko tuloy si Sir Luhan, minsan ko na iyong nakitang topless at.. Naalala kong hindi ko pala sya dapat pagnasaan!
"You like Luhan, because of his body?" Tanong naman nya habang nakatingin sa akin na parang nandidiri. Grabe naman to! Hindi ah!
"No! Hindi ako ganun ah! Mabait talaga kasi sya, pala ngiti, hindi masungit at close sya sa mga employees nya tulad ko. Kaya lang hanggang empleyado lang talaga tingin nya sakin, kawawa naman ako!" Napa-pout nalang ako sa katotohanang imposible talaga akong mapansin at magustuhan ni Sir Luhan. Muli ko na naman syang nakitang nagpigil ng tawa at umiwas ng tingin.
"Kanina mo pako tinatawanan? Bully mo naman! Tawa ka kaya? Try mo lang, hindi naman nakakamatay tumawa kaya wag mong pigilan." Biglang bumalik ang itsura ng mukha nyang walang emosyon at bumuntong hininga saka muli ng pinatakbo ang sasakyan nya.
Na-offend ba sya dun? Ano namang nakaka-offend sa sinabi ko? Hay! Ewan ko sa lalaking to!
"Where do you live?" Ihahatid nya ko sa bahay ko? Weh?
"Wag mo na kong ihatid samin! Ibaba mo nalang ako dyan oh!" Sabay turo ko pa sa isang kalye.. Malapit na kasi to sa may apartment na tinitirhan ko.
"Delikado na sa ganitong oras.." Namalayan ko nalang na nakangiti na pala ako, akala mo naman close kami para mag-alala sya sakin ng ganyan.
"Hay! Wag ka na ngang mag-alala sakin, di naman tayo close dalawa. Baka sabihin mo naman feeling close ako sayo, ako pa napasama diba! Tsaka kung inaakala mo kapag tinulungan moko lagi, ia-accept ko offer mo, na-uh! Sorry nalang hehe! Loyal ako sa love of my life ko!" Hindi nya ko nilingon at tuloy tuloy parin sya sa pagmamaneho.
"Uy! Zayn! Sabi ko bababa nako!" Di parin nya tinitigil at parang wala talaga syang naririnig.
"Paano kapag talagang nag-aalala lang ako at gusto lang kitang tulungan?" A-ano? Hindi ko sya magets. A-ang husky pa ng boses nya nung sinabi nya yun, bagay din sa kanya kapag diretso syang managalog.. Para akong inaakit ng boses nya.
"Bahala ka na nga dyan! Kung ayaw mo kong i-uwi sa bahay ko.. Matutulog na nga muna ako!"
Nagising ako ng maramdaman ko na buhat buhat nya ko.
Nakasandal ang ulo ko sa matigas nyang dibdib, amoy na amoy ko talaga yung matapang nyang pabango na nakakaadik. Ano kayang pabango nya? Nanlalambot din ako sa paghawak nya sakin, para kasi akong naku-kuryente.
Nagpanggap nalang akong tulog para hindi nya nako mapansin pa sa pinaggagawa ko.
Sa totoo lang natutuwa ako na naiinis sa mga oras na to, Bakit ba kasi nya nga ginagawa tong mga to? Sabi ko naman hindi ko kailangan ng tulong, kaya ko sarili ko! Pero eto ako nandito ako ngayon.. Kung ayaw ko may paraan naman ako para makatakas sa kanya, pero bakit hinayaan ko lang ang sarili ko sa kanya? Hindi ko maintindihan.
Bwisit ka self!
Naramdaman kong inihiga nya nako sa malambot na kama, sa tingin ko ay magkalapit ang mukha namin ngayon dahil ramdam ko ang init ng hininga nya, pagkalapat ng likuran ko sa kama ay sya ring pagdali ng matangos nyang ilong sa ilong ko. Bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko.
Agad akong nag-side view at narinig kong parang nagmadali na syang lumabas ng kwarto, mabilis na yabag papalayo at pagsara ng pinto.
//*End of Flashback*//
"AAAAHHHHH!!!" Napasigaw nalang ako sa hiya ko, hala! Sana hindi na kami magkita ni Mr. Javier, ang dami kong ginawang kahihiyan sa kanya. Kung anu-ano pinagsasabi ko! Parang wala na yata akong mukhang maihaharap sa kanya.
"Girl! Ang ingay mo! Ano naalala mo na?" Tanong nya. Tumango tango nalang ako.. Suskopo! Ayoko ng mag-inom!
"Ayoko ng maalala, Chynna!" Hindi man ganung kalala kumpara sa ginagawa ng iba kapag lasing sila, yung akin naman sinabi ko lang naman iyon sa isang kagalang-galang na isa sa mga tinitingalang negosyante at isa sa mga pinakamayaman sa mundo! Hay! Wait, pinupuri ko ba sya? Grr!
Niyakap ko pa sya, inamoy amoy, sinabi ko pang nakakaadik ang amoy nya! Hay! Forget it, Pearl!
"Bakit? May nangyari ba sa inyo? Omg! Ano? Magaling ba--" Binatukan ko na sya agad.
"Sira! Papayag ba naman ako? Syempre hindi!" Binatukan nya rin ako.
"What? Sinayang mo, chance mo.. Ano ba?! Ayan na eh! Sinayang mo pa!" Napailing iling nalang ako.
"Malala ka na talaga! Malabo yung mga sinasabi mo eh, hindi ako papatulan non! Kasal na yung tao eh." Nagulat naman ang itsura nya sa sinabi ko kaya humalakhak ako.
"K-kasal na si Mr. Javier?"
"Oo, kasal na sa negosyo nya! Hahaha! Char!"
Si Zayn yung tipo ng lalaki na seryoso, mukhang walang balak mag-asawa yun. Tatandang binata.. Walang pamamanahan ng yaman kaya pag-aagawan ng kamag-anak. Lamig kasing makitungo sa ibang tao, kaya yung iba natatakot sa kanya at natu-turn off..
Bumalik na rin ako sa trabaho ko. Mag-o-over time sana ako pero inutusan ako ni Sir Luhan sa labas.
Pinakuha lang naman nya sakin ang alahas na ibibigay nyang regalo kay Mam Mariana. Sa isang café ako pumunta sa mall, dun ko mi-neet yung foreigner na ang dami pang daldal bago iabot yung binili ni Sir, hayss!
Tinignan ko yung laman ng maliit na kahon, grabe! Ang ganda, sobrang makinang at nag-uumapaw sa crystals ang kwintas.
Pero agad ko na rin iyong tinago, baka manakaw pa, wala akong pambayad sa milyones na alahas na yun. Hahayaan ko na rin si Sir Luhan kung mahal nya talaga si Mam Mariana eh, at kung mahal nila ang isa't isa. Its time to let him go, and its time to move on. Ikakasal na sila eh, ano pang laban ko diba?
Matapos kong magawa ang ipinag-utos sa kin ay ipinadala ko na yun sa kasama kong driver ni Sir, at pinauna ko na syang umuwi. Nag-gala pa ako, sayang naman minsan kong pagpunta sa mall nya, sulitin ko na to!
Napadaan ako sa isang bookstore.. Nagulat ako ng makita ang isang libro na matagal ko ng hinahanap, at gustong mabili. High school pa lang ako nung mabasa ko yung libro na yun na hiniram ko lang sa kaklase ko.
Agad naman akong pumasok at nilapitan ang libro, kukunin ko na sana ito ng may kumuha na nito.. Agad kong sinundan ang lalaking mukhang hindi ako napansin.
"Teka, Kuya!" Humarap naman si Kuyang naka-shades at face mask.
"Teka, artista ka ba? Singer? O may sakit lang?" Tumalikod na sya at muling naglakad kaya hinabol ko ulit sya, hindi ko nasabi yung dapat ko talagang sabihin eh.
"Ay hindi! Ang itatanong ko lang talaga, bibilhin mo yan?" Nakangiting tanong ko sabay turo sa librong hawak nya, ng maharangan ko sya.
"Sa tingin mo kukunin ko to, kung hindi ko bibilhin?" Ay ang taray naman nito, parang pogi pa naman saka malaki ang katawan at matangkad, parang pamilyar nga to eh, pero parang hindi rin.
Magkaharap lang kami at hindi ko alam kung nakatingin sya sakin ngayon dahil nga naka-shades sya. Parang artista eh, naka-disguise pa..
"Hays! Kainis naman eh! Sayo na nga yan! Tagal ko ng naghahanap nyan tapos hindi ko rin pala mabibili, kawawa talaga akong tao.." Sabay pout ko pa para todo yung paawa effect ko na hindi ko alam kung tatalab sa kanya.
"Iiyak ka na nyan?" Tanong nya pa saka mahinang tumawa.
"Oo! Bata palang ako gustong gusto ko na yan eh! Nabasa ko lang yan dati kasi may nagpahiram sakin, wala kasi akong pambili.. Tapos ngayon may workie na ko, kaya ayun naghanap ako nyan kaya lang wala talaga kasi napaka-best seller nyan at limited edition lang, kaya hindi ako nakakaabot, bwisit! Kaya please! Bigay mo na yan sakin oh!" Kulang nalang mag-tantrums na ko dito, kaya lang ayokong pagtinginan ng tao.
"Tsk! Daldal." Nanlaki ang mga mata ko ng ibigay nya sakin ang libro, ganun man kalamig ang boses nya pero wala na akong pakialam, ibinigay nya lang naman to sakin.
"Salamat! Teka, nabasa mo na ba to? Ay hindi ang tamang question pala, nagbabasa ka ng romance? Weh?" Di talaga ako makapaniwala, alam ko may mga lalaki namang nagbabasa ng romance pero syempre, bihira. Saka yung katulad nya parang araw araw na nasa gym dahil sa katawan nya, hindi talaga ako makapaniwala.
"Am I not allowed to read a romantic novel?" Natawa tuloy ako.
"Sorry! Hahahaha! Pero nabasa mo na nga to?" Tumango naman sya. Eh bakit bibilhin pa nya?
"Bakit bibili ka pa? Katulad mo rin ba ako na nabasa lang to kasi nanghiram?"
"I'm gonna get that book from you if you're still going to ask me questions.." Napa-buntong hininga nalang ako.
"Ang taray naman nito! Sayang mukhang gwapo ka pa naman! O'sya salamat!" Iniwan ko na sya saka binayaran na ang paborito kong libro na 'Mi Amor'
Akala ko hindi na kami magkikita ni Kuyang Feeling Artista pero tignan mo nga naman!
"Hala! Sorry po!" Gosh! Mukhang mamahalin pa naman ang damit nya, naglalakad kasi ako sa mall habang kumakain ng ice cream, tapos may mga batang nagtatakbuhan kaya umiwas ako, pagharap ko naman hindi ko napansin na dumikit yung ice cream ko sa lalaking nasa harapan ko.
"Aish!" Agad ko namang pinunasan ang damit nya pero lalo lang nagkalat ang chocolate ice cream sa puti nyang T-shirt. Habang nagpupunas ako dama ko yung tigas ng tiyan nya, parang may abs.
"Buy me a new shirt." Tumango tango naman ako. Medyo nainis lang ako sa tono ng boses nya na parang commander. Parang si ano lang eh.. Ay never mind!
Sumunod naman ako sa kanya, at pumunta kami sa department store at pumili sya sa mga sobrang mamahaling brand.. Paktay na ako! Kasing presyo na yata to ng isang buwang sweldo ko eh!
"Hala! Hindi ko naman afford yan eh!" Sabi ko sa kanya, napatingin naman sya sakin at nagcross arms.
"I know..." Grabe naman sa I know to, ka-offend ha!
"So just choose clothes for me, then I'll be the one to pay it." Napanganga naman ako. Ang saya naman! Parang model ko sya ah!
"Okieee yun lang pala!" Ngiting ngiti naman ako, ewan ko ang saya dahil parang pahinga ko na rin to sa trabaho.
"Eto dali! Suotin mo nga!" Ibinigay ko sa kanya yung napili kong black hoodie na may naka-print na "irresistible" sa gitna. Tinulak ko pa sya sa fitting room.
"Oh ayan! Lalong lumakas ang dating mo, kulang nalang ng cap para ayos na ayos na yang disguise mo!" Puting cap naman ang pinasuot ko and okay na!
Pero nakakainis lang masyado syang tahimik kung kelan naman ako punung puno ng energy.. Tapos hindi mo pa makita yung facial expressions nya dahil nga natatakluban ang mukha nya.
"Uhmm.. Wala na ba kong utang sayo?" Tanong ko, naglalakad na kami palabas ng department store, at nakakatuwa hindi naman sya umangal sa pinasuot ko. Buti naman kasi bagay talaga sa kanya eh, lalong lumakas ang datingan nya.
Nag shrugged lang sya.. Napatingin naman ako sa kanya ang tangkad nya parang model, napapalingon nga sa kanya lahat ng nadadaanan naming tao eh.
"Teka, kanina pa kita kasama, hindi ko naman alam pangalan mo.. By the way, ako si Pearl hehe." Sabay lahad ko ng kamay ko sa harap nya.
"You don't need to know my name." Malamig na sagot nya.
"Tss. Bakit sikat ka ba? Haha. Ayaw mo ipaalam kung sino ka. Edi nickname nalang duh!" Tumigil sya sa paglalakad saka inabot ang kamay ko. Ang laki ng kamay nya, ang lambot din hehe.
"Fine. Just call me, Gus." Napangiti naman ako.
"Hmm.. Hi Gus! Hulaan ko hindi talaga yan ang pangalan mo, kinuha mo siguro yan sa name ng bida sa book ko kanina.." Gustave kasi yung pangalan ng bidang lalaki dun. Nag open pa ako ng ibang topic pero talagang tahimik sya.
Naglakad na ulit kami, teka, bakit pa ako sumasama sa kanya, eh uuwi na ko! Gabi na pala.. Pero parang gusto ko pang mag-gala kasama nya. Hindi ko alam pero parang magaan ang loob ko sa kanya, kahit hindi ko talaga sya kilala.
"Ang tahimik mo naman.." Bulong ko pero napalingon sya sa kin.
"Pero sige kung ganyan ka talaga eh.. Haha! Uuwi ka na?"
"You?" Tanong nya. Tumango naman ako.
"Oo, saan--" Nagulat kami ng may saleslady na humarang samin bago pa kami makalabas sa exit.
"Congrats! Mam and Sir! Nanalo po kayo ng two tickets sa musical ng 'Mi Amor'! Kayo po yung couple of the day namin! Claim your prize nalang po dun sa malapit na counter!" At iniwan nya kaming tulala roon. Napagkamalan kaming couple? Eh hindi nga kami magkakilala.. Nauna na syang lumabas, kaya muli ko syang hinabol.
"Wait! Gus! Sayang yun kunin natin!" Humarap naman sya. Hinigit ko sya pabalik sa loob..
"Why do we need to claim our prize? Were not couple, we don't even know each other.." Hindi ko alam pero parang kumirot ang puso ko sa sinabi nya. Alam ko hindi nga kami magkakilala pero nagkasama rin naman kami sa maikling panahon ah! Tsaka sayang naman talaga yung tickets.
"Edi ako nalang kukuha! Umuwi ka na!" Sigaw ko sa kanya. Napatingin naman sa amin ang iba, may mga nagbulungan pa na akala may LQ kami.. Wala kaming LQ pero may SQ kami, strangers quarrel.
Nagpakilala ako dun sa may counter nila and na-recognize naman nila ako nandun kasi yung saleslady na humarang samin kanina.. Nakuha ko naman agad. Hay! Anong gagawin ko dun sa isa? Dalawa to eh!
Paglabas ko ng mall, nagulat ako ng may humarang sa akin.
"Dadaan ako. Excuse me." Nilagpasan ko sya pero hinigit nya ko sa braso ko.
"Bakit ka nagalit? Hindi naman talaga tayo magkakilala." Sabi nya pa. Napairap nalang ako.
"Sayang naman talaga yung tickets eh, eto yung isa! Sayo na!" Inabot ko sa kanya yung isa at kinuha naman nya yun.
"Are we gonna watch this together?" Naku! Ayan na naman, bakit bumilis ang t***k ng puso ko? H-hindi ko naman sya gusto. Gosh! At parang may mga gumagalaw na kung ano sa loob ng tiyan ko. Ano ba kasing together?
"Ha?" Natulala tuloy ako.
"Manonood ka ba?" Tanong nya ulit. Tumango ako.
"Then I'll also watch.." Sabi pa nya saka nya ko muling hinigit. Teka, bakit ba hinahayaan ko syang higitin ako?
Nagpunta kami sa parking lot.
"I'll take you home." Nanlaki na naman ang mga mata ko sa gulat. Parang lagi nya akong sinusurpresa, kainis! Bakit nya naman ako ihahatid? Para ko naman syang ka-date..
"Wag na--" Hinigit nya ko palapit sa kanya. Napatitig ako sa mukha nyang taklob na taklob. Sa tingin ko talaga, pamilyar sya pero parang hindi rin naman.
Halos hindi na ako makahinga sa lapit nya, akala ko hahalikan nya ko pero sinuutan lang pala nya ko ng helmet. Saka hindi rin talaga maglalapat ang mga labi namin dahil naka-facemask sya.
"T-teka, sa motor tayo?" Tumango lang sya at sumakay na.
Sumakay na rin ako sa likuran nya at napalunok nalang ako. Saan ako kakapit? Sa balikat nya? Sa bewang nya? Ay hindi! Dito nalang sa likod ng motor nya ako kakapit no!
Paandarin nya na sana pero hindi ko alam kung bakit sya tumigil. Nakita kong itinaas nya ang shades nya sa ulo nya. Nagulat naman ako, ng bigla nya kong nilingon kaya nagkatitigan kami, parang tumigil ang pagtakbo ng oras hanggang sa magsalita sya.
"You sure, na hindi ka kakapit sa akin?" Parang pakiramdam ko nakangisi sya nung sinabi nya yun ah.
"Uh, oo dito nalang ako sa likod kaka--" Nakaramdam na naman ako ng tila kuryente ng hawakan nya ang dalawang kamay ko at nilagay sa tiyan nya. Napapikit nalang ako sa sitwasyon ngayon na nakakapit na nga ako sa kanya.
Mahigpit akong napakapit ng mabilis nyang pinatakbo ang motor nya. Yakap yakap ko na tuloy sya ngayon. Ramdam ko rin na ang tigas talaga ng tiyan nya, hindi ko lang mabilang kung ilan yung abs nya. Amoy na amoy ko rin tuloy yung likuran nya. Parang kaamoy nya si Zayn, pero syempre baka kaparehas lang ng pabango... Saka iyon, magmo-mall? Eh? CEO at billionaire yun eh may time pang mag-mall at magmotor? Kaya I doubt na sya tong kasama ko kanina pa, nung una rin akala ko sya to. Pero yung sa libro talaga yun eh, sa seryoso ng taong yun parang hindi mahilig sa romance yun. Ay! Tigilan ko na nga yun, kanina ko pa sya iniisip.
"Grabe! Wala naman tayo sa karera eh! Pwedeng bagalan mo!" Sigaw ko sa kanya. At buti naman nakinig sya. Tinuro ko rin yung bahay ko kung saan.
"Ano ba to--" natigilan na naman ako nung sya na yung mag-alis ng helmet ko, hindi ko kasi maalis.
"Salamat pala ha, Gus. M-mag-ingat ka. See you next time." Papasok na sana ko ng magsalita sya.
"Next time?" Tanong nya.
"Ha? A-ah, d-diba sabi mo manonood ka nung musical?" Hay, Bakit ba ako nag-s-stutter sa harapan nya?
"Yeah." Sinuot nya na yung helmet nya and he looked hot. Nakatitig lang pala ko sa kanya hanggang sa makaalis sya.
Hay! Ano bang nangyayari sa kin? Imposible naman na magkagusto ako sa kanya eh, ni hindi ko talaga sya kilala, hindi ko rin naman nakita ang mukha nya. Tapos, tahimik pa sya. At saka saglit lang naman kaming nagkasama, pero parang iba talaga yung feeling na naramdaman ko nun.. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko ng makapagpahinga na.
Nae-excite na tuloy ako next weekend, pupunta nga kaya sya? Basta, yung musical naman talaga ipupunta ko dun hindi sya eh!
Makatulog na nga!