"May aaminin ako sayo, Pearl. Pero may kapalit.." Balik trabaho na kami ni Chynna matapos ang bakasyon namin nung nakaraan. Ano na naman kaya itong chika niya?
"Oh mahalaga ba muna yang sasabihin mo?"
"Oo, important kaya ito saka gusto ko lang sabihin sayo dahil matagal ko na ring itinatago eh. Pero wag na wag mong sasabihin sa iba." Ano ba yan? Gustong gusto nya talagang maging interesado ako sa secret nyang yan ha.
"Eh ano naman yang kapalit na sinasabi mo?" Nag-smirk naman si Chynna. Naku, naku, ano na naman kayang nasa isip ng babaeng to?
"Ikwento mo, ano nang ganap sa inyo ni Mr. Javier.. Saka kung anong nangyari sa date nyo nung mismong araw pa ng birthday celebration ni Sir Luhan." Halos nanlaki naman ang mga mata ko at mapanganga ako. Saan nya nalaman yun?!
"Gulat ka girl no? Sagutin mo muna yung tanong ko tapos sasabihin ko kung paano nalaman ang mga yan." Napahinga muna ako ng malalim saka sinimulang magkwento. Ayos lang naman sigurong sabihin sa kanya ang mga bagay na yun, lalo na bestfriend ko kaya to. At hindi na nga ako nakakapagkwento sa kanya.
"Paikliin ko na para mabilis na ha, kami na. Yun lang ang nangyari dun, sinagot ko na sya." Umiling iling naman sya.
"Eh nangangamoy guilty ka kaya teh, sabi mo pa eh 'yun lang' pero meron pa talaga. Nakuuuu! Eh bakit dun ka natulog? Ha!" Bwisit naman itong si Chynna eh. Alangang ikwento ko pa pati yun. Kailangan ko ring ikwento sa kanya na may nangyari sa min dun ha?!
"Wag ka ngang babae ka! Nasabi ko na, ok? Wag mo na akong isahan! Sabihin mo na paano mo nalaman saka ano yang secret secret mo na yan!"
"Nagtatrabaho ako para kay Mr. Javier" simpleng sagot nya. Halos hindi naman na ako makasalita sa gulat. So, sya ang tagabalita ng mga nangyayari rito?!
"Pero mahal ko na rin kayong mga katrabaho ko rito no, saka kahit kailan naman wala pa akong sinabi tungkol sa mga business plans. Mga light news lang ang mga sinasabi ko sa kanya. Kaya please... wag mong sasabihin kay Sir Luhan." Ano pa nga bang magagawa ko? Kaibigan ko kaya to, kaya hindi ko sya ilalaglag. Saka wala namang ginagawa si Zayn na masama para mapabagsak si Luhan.
"Pero ang inaalala ko nalang ay si Sir Edward kasi hindi ko alam pero parang pinaghihinalaan nya na ako." Hindi ko tuloy alam kung paano sya tutulungan. Mahirap din naman kasi itong pinasok nya. Sad girl na tuloy tong kaibigan ko.
"Huhu gusto ko tuloy uminom ngayon! Samahan mo ko, Pearl!" Eto naman basta basta nanghihigit eh. Di tuloy ako prepared.
"Iinom ka? Eh may pasok tayo bukas uyy!" Paalala ko pa sa kanya.
"Wala akong pakialam!" Nakakainis naman eh, ayokong uminom eh. Pero kailangan kong samahan ang friend kong ito. Delikado na at wala syang kasama.
***
"Whoo! Party! Party!" Ito talaga si Chynna kapag lasing ang hilig sumayaw ng sumayaw eh. Hinigit ko naman sya agad pabalik sa table namin. Kasi yung iba sinasamantala ang pagkalasing nya eh, ang daming nanantsing dito.
"Chynna, umuwi na tayo. Uyy! Lasing ka na!" Hindi na ako uminom para ako ang mag-uuwi sa kanya. Pero sya naman eto lasing na lasing na.
"Ikaw nalang umuwi!" Hay, ano kayang gagawin ko sa babaeng to?! Hanggang sa mapansin ko na may kanina pa nakatingin sa amin.
Si Sir Edward! Nang tignan ko ito ay nagulat ito at napaiwas ng tingin. Talagang binabantayan nya pala si Chynna. Paano nya nalamang nandito kami?
Lalapitan ko na sana si Sir Edward para magpatulong sa kanya kay Chynna nang may humarang sa akin na babae. Nagulat naman ako ng makilala ito. Si Ms. Arielle Valenzuela. Ex-fiancee ni Zayn. Tss. Arranged marriage lang naman sila.
"You're Pearl right?" Kilala nya ako. Nagtataka parin ako pero tumango nalang ako. Bakit anong kailangan nya sa akin?
Sumunod ako sa kanya at lumabas kami mula sa napakagulong bar.
"You still have time to go here, huh?" Bigla naman syang nagtaray. Inaano ko ba sya? Ha!
"Ano bang kailangan mo sa kin?" Diretsong tanong ko sa kanya.
"You! Its all your fault!" Galit na sigaw nya sa akin. Anong kasalanan ko?
"Zayn is in hospital now, because of you! He started to receive those death threats when he cancelled our wedding!"
Parang namanhid ang buong sistema ko sa sinabi nya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa mga sinasabi nya at paano ipagtatanggol ang sarili ko sa mga pinaparatang nya. Pero oo nga, kasalanan ko yata. Nang dahil sa akin ay hindi nya itinuloy ang kasal nya na nagdulot ng panganib sa buhay nya.
Ang tanging nasa isip ko lang ay gusto ko syang makita ngayon.
"N-nasaan sya? Pupuntahan ko sya nga--"
"You don't have the right to know where is he now--"
"Please.. sabihin mo kung nasaan sya. Gusto ko syang makita please..." pagmamakaawa ko pa sa kanya. Pero mukhang hindi iyon tumalab sa kanya. Kitang kita ko pa rin ang galit sa mga mata nya habang nakatingin ng diretso sa akin.
"Fine. By the way, the reason why I came here is because Zayn's father wants to talk to you. Let's go, I'll bring you to the hospital right now." Walang imik akong sumunod sa kanya papasok sa kotse nya.
Naging tahimik lang kami sa biyahe. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Nahihirapan na rin akong huminga dahil pinipigilan kong umiyak.
Gustong gusto ko na syang makita ngayon. Kinakabahan nga lang akong malaman kung ano ang lagay nya. Sana ayos lang sya...
At napapaisip din ako kung bakit ako gustong kausapin ng tatay nya. Natatakot tuloy ako, natatakot akong baka palayuin nya ako kay Zayn.
Alam ko, ako ang may dahilan, sige na sisihin na nila ako pero mahal ko si Zayn. Tatlong buwan na kaming magkakilala ngayon at habang tumatagal ay mas minamahal ko sya. Alam ko maikling panahon lang iyon pero wala sa kung gaano nyo na katagal kakilala ang isa't isa. Nasa nararamdaman yun, at alam ko na mahal ko sya at mahal nya rin ako.
***
Hindi na napigilang kumawala ng mga luha ko ng makita ko si Zayn sa loob ng ICU. Wala syang malay at maraming kung anu anong nakakabit sa katawan nya.
"He's in comatose state." Dinig kong sabi ni Arielle.
"A-ano bang nangyari?" Tanong ko habang hindi na maawat ang pagtulo ng luha ko.
"He was shot three times and at the same time, the car he was driving bumped into a tree." Nakagat ko nalang ibabang labi ko para mapigilan ang paghikbi. Nanggigigil na rin ang mga kamao ko sa kung sino man ang gumawa nito sa kanya. Wala naman syang kasalanan para mangyari ito sa kanya.
Dahil ba sa kinansel nya lang ang kasal nila ni Arielle ay kailangan na syang patayin? Pero kung hindi ako sumingit sa buhay nya... hindi 'to mangyayari sa kanya.
"Sya ba iyon?" Napalingon ako sa matandang lalaki na hawig na hawig ni Zayn. Ito siguro ang tatay nya. Malamig din ang aura nito katulad nya.
"Yes, Tito. That's her." Ang arte talagang magsalita nitong Arielle na 'to. Sa TV akala mo napakabait pero sa totoo ang maldi-maldita. Nakakainis. Ang sarap sabunutan.
"You. Follow me." Tumingin ang tatay ni Zayn sa akin. Tumango nalang ako at sumunod.
"You ruin all my plans for my son." Napalunok tuloy ako sa takot. Hindi nya naman ako sinigawan, malamig lang ang boses nito pero ang tingin nya palang ay nakakakilabot na. Parang gusto nya akong patayin.
"Maraming nagulong negosyo dahil sa biglaang pagtanggi nya sa kasal. Pumayag na sya noon at nakaplano na lahat ng mga nakatadhanang mangyari but, what just happened?" Napatungo nalang ako. Ako ba talaga ang may kasalanan? Hindi ko naman sinasadya.. hindi ko sinasadyang mahalin sya.
Na ang pagmamahal pala sa kanya ay syang magdudulot sa buhay nya ng panganib.
"Isang araw pinuntahan nya ako at sinabi nyang ayaw nya na. Then, I reminded him what will be the consequences of his decision. He just answered "I don't care". Just because my son chose you."
"He acted stupidly, because of that stupid love. That stupid love that will only bring you to nowhere. That stupid love that can cause even his life. He sacrified himself just to save his love for you, huh?"
Ang sakit na... ang sakit. Ano bang gusto ng tatay nya? Bakit ayaw nya pa akong diretsuhin ngayon na! Ang dami dami nya pang sinasabi. Alam ko naman na dinadaan nya sa ganyan ang galit at paninisi sa akin.
"A-ano po ba ang gusto nyo?" Nanghihinang tanong ko. Hinang hina na ako ngayon, mula sa gulat dahil sa biglaang balita.
"Ikaw, ano ba ang gusto mo? Just tell me how much is it. I can give it to you--"
"Ano po ba ang gusto nyo? Hindi ko po kailangan ng pera ninyo." Pag-uulit ko pa. Mahina nya akong tinawanan na para bang hindi sya makapaniwala sa sagot ko.
"Once he wake up, break up with him and tell him to continue his wedding with Arielle." Hindi ko rin napigilang matawa. Ano to teleserye? Hinding hindi ko gagawin yun.
"Sa tingin nyo po, bakit ko po yun gagawin? Mahal ko po ang anak nyo--"
"You love him, right? So, you should know what's best for him. Once he marry Arielle, his life will be at peace." No. Hindi ko kakagatin to. Alam ko may ibang paraan para mapanatili ang kaligtasan nya ng hindi kami naghihiwalay.
"Think about it, if you really do love him." Umalis na sya at naiwan nalang akong tulala sa kinatatayuan ko.
Bakit naman ganun? Kahapon lang ang saya saya pa namin eh. Sabi nya pa, pupuntahan nya ako ngayon sa bahay ko.
Pinahiram lang ba talaga sya sakin? Kasi parang ngayon binabawi na sya ng mga may tunay na may-ari sa kanya eh. Pero akala ko ba sa kanya lang ako at sa akin lang din sya?
Sana gumising ka na agad, Zayn. Mahal na mahal kita. Hindi kita iiwanan. Pero hindi ko alam kung paano lumaban ng wala ka. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba kung wala ka.
DALAWANG LINGGO na ang nakakalipas pero hindi parin sya nagigising. Hindi na tuloy ako masyadong maka-focus sa trabaho ko.
"Pearl, ayos ka lang ba? Kumain ka na oh." Tinanguan ko lang si Chynna.
"Hoy, sabi ko kumain ka na! Hindi tumunganga dyan! Ano ba, susubuan pa ba kita?!" Halos marindi naman ang tenga ko sa sigaw nya.
"Oo nga, kakain na ako! Kaya pwede tigilan mo ang pagsigaw sa akin!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
"Pearl, wag mo kasing masyadong i-stress ang sarili mo. Magigising din sya. At alam kong magiging okay din sa inyo ang lahat." Pinilit kong ngumiti sa sinabi nya. Sana nga. Sana nga mangyari yung mga sinabi nya. Hindi na ako makapaghintay na maging maayos na ang lahat.
Tatayo na sana ako ng muntikan na akong matumba. Bakit ba naman kasi ngayon pa sumabay itong hilo ko? Ang dami ko na ngang problema eh. Ang sakit ng ulo ko, nahihilo ako.
"Pearl, magpahinga ka muna kaya?" Tanong pa ni Chynna ng tulungan nya akong makaupo muli ng maayos.
"Hindi na. Konting hilo lang naman to." Sagot ko sa kanya. Tumayo na ako at nakaya ko naman ng maglakad ng maayos pero etong si Chynna, sinusundan pa rin ako.
"Concern lang ako sayo. Nag-aalala kasi ako kasi dati hindi ka pa naman nagkasakit diba?" Oo nga, hindi namam talaga ako sakitin eh. Strong girl kasi ako.
Sinamahan nya ako sa CR at hindi ko naman inaasahan ang pagbaligtad ng sikmura ko. Ano bang nangyayari sa akin ngayon? Nahihilo na nga ako, nagsusuka pa ako. What more? Ang dami ko na ngang iniisip dadagdag pa 'to?
Narinig ko nalang ang malakas na sigaw ni Chynna kasabay ng pagdilim ng paligid.
***
Nagising nalang ako na nakahiga na ako sa malambot na kama at nasa puting lugar ako. Halos lahat ay puti ang kagamitan saka ko lang napagtantong nasa ospital ako.
"Pearl, buti nalang gising ka na." Napatingin ako kay Chynna.
"Saka pala kakausapin ka ni doktora, iiwanan ko ba kayo or okay lang sayong nandito ako?"
"Samahan mo nalang ako." Si Chynna nalang ang meron ako ngayon. At sa tingin ko rin talaga ay kailangan ko ng kasama.
"Miss, how are you feeling?" Tanong pa ni Doktora sa akin.
"Ayos naman na po."
"I advice you na sana ay umiwas ka sa mga bagay na makakapagdulot sa iyo ng stress. Iwasan mo rin ang pagpupuyat at pagpapalipas ng gutom. Kumain ka sa tamang oras, Miss. Maaari itong makasama sa iyong pagbubuntis." Hindi ko alam kung nabingi lang ba ako sa huling salitang sinabi nya o ano. Napailing ako. Baka naman mamaya ay tulog pa ako.
"A-ano pong sinabi nyo?" Pagpapaulit ko pa. Kinakabahan tuloy ako.
"Miss, congratulations! You are pregnant!" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa balita dahil marami pa akong kinakaharap na problema. Saka posible ba 'to? Isang beses pa lang na may nangyari sa amin at buntis na agad ako?!
Hindi ko rin alam kung sasabihin ko 'to agad kay Zayn, oras na magising sya. Hindi ko kasi alam kung tatanggapin nya ba 'to. Paano kapag hindi naman nya gusto ng anak? Natatakot tuloy ako.
Isa pa, hindi ko rin alam kung may tsansa pa ba kaming dalawa? Ipinahamak ko na sya at ngayon ay comatose sya. Hindi ko na alam ang gagawin ko!
Napapikit nalang ako. Parang gusto ko nalang matulog, yun bang hindi na ako magigising para wala na akong iisipin.
"Congrats, Pearl! Naku, ninang ako ha!" Ang saya saya ni Chynna, sabi pa nya ay sasamahan daw nya ako sa mga check-ups ko dahil excited na raw syang maging Tita. Samantalang ako, eto hindi makapagdesisyon.
Kapag nagsama kami ni Zayn, malalagay ang buhay nya lagi sa peligro. Una na noon ay nung inalisan ng preno ang sasakyan nya. Akala ko talaga noon ay wala na sya. Hinding hindi ko makakaya yun.
Napansin ko nalang na umiiyak na pala ako. Niyakap ako ni Chynna at napahagulgol nalang ako.
---
To be continued... ?