"What? Girlfriend lang?! Akala ko naman, magpo-propose ka na eh!" Gulat na tanong ko sa kanya. Kasi naman kanina may mga pa-speech kuno pa sya. May pagkamahaba din iyon, kaya eto tuloy nag-expect ako.
"So, you want me to marry you?" Tanong nya saka ako nginitian. Tinatanong pa ba yun? Syempre, gusto kong maikasal sa kanya. Pero, not now kase napakabilis naman kung ganun. Hindi naman si pinagdududahan ko sya pero, what if hindi pala talaga kami para sa isa't isa?
"Syempre, mahal kita eh. Pero, you're right naman, girlfriend mo muna ako kase naman, super bilis 'pag fiancee mo na ako, diba?" Sagot ko. Pilit akong ngumiti sa kabila ng iniisip ko. Paano kapag hindi pala kami? Parang ayoko, gusto ko kami na talaga. Sana po, Lord, kami na talaga. Alam ko, walang forever pero baka naman pwedeng kami ang maging unang halimbawa.
"I love you too, Pearl. Thank you--" Masaya sya sa sagot ko pero agad kong hinarangan ng kamay ko ang mukha nya. Kasi naman, eto pasimpleng lumalapit na naman. Masyado syang mahilig sa kiss. Ayoko naman syang maging spoiled.
"Ops! No kiss parin--" Pigil ko sa kanya.
"I'm sorry, that's how much I really miss you and your..." Halos mapa-pout na sya dahil hindi ko sya hinayaan. Hanggang sa mapansin kong nakatitig sya sa labi ko.
"Eeehhh! Tigilan mo ko. Mamaya na yan, pwedeng enjoy-in muna 'tong tree house?" Mahina naman syang natawa.
"So, later? I can kiss you ah." Napairap tuloy ako. Sumu-super na ang kakulitan nya ah. Pero hindi ko mapigilang matuwa. Ang saya ko talaga sa tuwing masaya rin sya. Sana lagi kaming ganito.
"Kulit mo talaga!" Inis na sabi ko pa sa kanya.
"Mahal mo naman." At kinindatan nya pa ako.
***
"Ang galing naman nito! Nakaka-bano. Talagang pinatayo mo to, para satin?" Tanong ko pa habang pinagmamasdan ang mga bituin. Hindi ko sya narinig na sumagot kaya busy rin siguro sya sa pagtitig sa kalangitan.
Nakahiga kami ngayon sa kama habang nakatingala. May bubong ang tree house pero glass ito kaya naman kitang kita parin ang ganda ng kalangitan sa gabi. Saktong sakto talaga pang star gazing.
"Zayn, alam mo--- ay duma-damoves ka na naman pala ha." Naramdaman ko kasi ang pag akbay nya sakin. Tinignan ko sya at ngumiti sya sakin.
Ang sarap nya tuloy titigan. Bihira naman kasi talaga syang ngumiti kaya nababano tuloy ako sa tuwing nakangiti sya. Sa akin lang din kaya sya ngumingiti kaya, anubayan kinikilig tiloy ako.
"You're blushing." Talaga ba? Napaiwas naman tuloy ako sa kanya ng tingin.
"Cute." Bwiset naman to, puri ng puri eh. Edi ang ending ayun, kikiligin ako tapos mamumula. Nahihiya tuloy ako kainis.
"Hey, why are you covering your face?" Natatawa nya pang tanong. Ipinantakip ko kasi ang dalawa kong palad sa mukha ko. My ghad, bakit nahihiya parin akong kiligin sa harap nya, eh naamin ko na ngang mahal ko sya?
"Pearl, is there something wrong?" Umiling naman ako.
"Then, what is it? Tell me." Inalis ko ang takip sa mukha ko saka sya sinagot.
"Tigilan mo nga muna ko, Zayn." Nagtaka naman sya sa sinabi ko.
"Tigilan mo muna ang pagpapakilig sakin baka pwedeng time-out muna." Ngumisi naman sya.
"So.. that's the reason why, huh." Pansin ko lang ah, gustong gusto talaga ng mga lalaki na pinapalago ang ego nila no. Tignan mo to, tingin palang inaasar na ako. Tutal parang bata lang din naman kaming dalawa, nakisabay na rin ako sa kanya. Bi-nelatan ko sya na parang bata with matching kamay pa sa side para kunware cute ako na bata.
"Stop that. Its tempting me to kiss you." Nasamid naman tuloy ako. Kailangan nya bang sabihin yun? Ramdam ko na tuloy ang pamumula ko ngayon habang dinig ko naman ang malakas nyang pagtawa.
"Grabe ka nasamid na nga ako, natawa ka pa!"
"I'm sorry, its just-- hahahahahahaha" Tignan mo to, parang baliw na kung makatawa pero natawa na lang din ako sa kanya.
"So..." Unti unti na namang lumalapit ang mukha nya sa akin.
"Hindi ka na talaga makapaghintay?" Tanong ko pa sa kanya.
"What? Kinuha ko lang to." Pinakita nya sa akin ang isang dahon mula sa buhok ko. Wow, so ano yun, ako pa talaga ang napahiya? Naka-smirk na naman tuloy sya habang nakatitig sa akin.
Agad naman akong tumayo mula sa pagkakahiga at nag-unat-unat.
"Hay, may pagkain ba dito?" Naglakad lakad ako sa tree house. Nagulat naman ako ng makitang may maliit na ref dito. Nakita ko namang sumunod sya sa akin.
"Pwede na pala tayong tumira rito?" Gulat na tanong ko sa kanya.
"Yeah. So, uhm.. you want to live in with me now?" Hindi ko naman napigilang matawa ng makitang parang nahiya yata sya sa tanong nya. Parang kanina lang napaka-confident nya sa sarili nya ha, may pa-smirk smirk pa nga sya eh tapos ngayon ang cute cute naman nya pag nahihiya sya.
"Pwede ba?" Tanong ko pabalik.
"Kung anong gusto mo.." Napangiti naman ako. Pero napalunok naman ako, ng marinig kong magtagalog sya. Mas hot talaga sya lalo sa tuwing nagtatagalog sya, gosh.
Pero ano nga ba, gusto ko na ba talagang mag-live in kami? Gusto ko na parang natatakot din ako. Kasi naman parang wala pa kaming plano, diba? Magsasama na ba agad kami? Hindi ko alam.
Naiisip ko lang kasi, ano bang ginagawa ng magkarelasyon sa iisang bahay? Di pa kasi ako ready eh. Takot din akong ma-buntis ng wala sa oras. Pero, bakit ba iyon ang iniisip ko?! Hay, baka mabaliw tuloy ako kakaisip. Ako naman kasi ang nagbukas ng topic na yun eh.
"I can read your thoughts about living in. I'm just asking you, Pearl. You don't need to answer me now. Also, I'm not forcing you, if you're not ready yet." Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Dun na kami nagstay sa kusina at napagdesisyunan kong magluto.
Kasinglaki naman kasi ng isang bahay iyong tree house kaya halos kumpleto lahat, kaya nga nasabi kong pwede ng manirahan doon.
Habang nagluluto ako, umingay sya ha. Marami syang tanong lalo na kung ano ang mga ganap sa kin nung time na busy sya.
Pero mas inintriga nya ang kung bakit ako nandito.
"You're with Luhan, am I right?" Napalunok naman ako sa tinanong nya. Paano nya nalaman? Nakita ba nya?
"Ah ano, kasi ano, ayun birthday nya kasi kaya--" Ayoko namang magsinungaling sa kanya dahil baka pagsimulan pa iyon ng misunderstanding.
"Next time, tell me." Sumeryoso naman ang mukha nya.
"Uhm, galit ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"I'm not. I just want you to say wherever you are so that I'm aware. And why do you have to go with him? Is that still part of your work?" Hay, diko maiwasang hindi mapa-buntong hininga dahil sa tuwing nababanggit talaga ang pangalan ni Luhan, lagi syang parang galit. If I know, selos lang 'tong boyfriend ko eh. Ay sarap sa ears na marinig na boyfriend ko na talaga sya.
Kumunot naman ang noo nya ng mapangiti ako. Diko mapigilan eh. Ano ba yan, natutuwa pa ako eh samantalang sya eto ayun ang seryo-seryoso ng mukha.
"Nagseselos ka ba talaga sa kanya?" Tanong ko pa.
"Why do you ask? If I answer yes, will you avoid him?" Naalala ko tuloy na ang sabi sa akin ni Luhan na iwasan ko sya. Kaya lang paano ko naman sya iiwasan eh boss ko sya diba?
Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko.
"Can you just resign?" Tanong nya pa. Sana nga ganun lang kadali no. Hindi parin naman kasi ganung nakakabangon ang LM eh.
"Sorry... Hindi ko kayang iwanan ang trabaho ko. Babawi nalang ako sayo, promise! Ah, bibisitahin kita sa bahay mo or sa office mo tuwing free time ko! Diba ganun ang gawain ng isang good girlfriend?" Sabi ko pa habang nakangiti sa kanya pero sya ganun parin ang mukha habang nakatitig sa akin.
Napa-pout nalang tuloy ako. Hindi ba nya maintindihan yun? Importante rin kasi sa akin si Luhan, kahit pa pinapalayo nya ako sa kanya ngayon. Hindi ko kaya na basta na lang din sya iwanan.
Namalayan ko nalang na lumapit na pala sa akin si Zayn at agad akong niyakap.
"I'm sorry, Pearl. I will really try my best to understand you, okay?" Napangiti naman ako sa kanya. Hinalikan nya ang tuktok ng ulo ko bago sya bumitiw sa yakap.
"Thank you." Nginitian din nya ako pabalik na lalong nagpasaya sa akin. Mali ang inisip ko sa kanya kanina. Akala ko hindi nya maiintindihan pero.. Basta ang alam ko ang swerte swerte ko pala talaga sa kanya.
"Alam mo Zayn, ang saya saya ko ngayon, kasi ang swerte ko na nakilala kita." Tinignan naman nya ako na parang may nasabi akong mali.
"Nah, I'm the luckiest guy because I met you. You know I always feel alone but then you came. You make me happy and feel love." Ang sarap sarap sa pakiramdam. Hindi ko na tuloy alam ang sasabihin ko dahil sa sarap sa tenga ng mga nadinig ko ay nagpaulit ulit na ito sa utak ko.
Ang cute din ng itsura nya nung sinasabi nya yun. Kasi kung ikukumpara ang normal na mukha nyang cold and serious sa softie na sya syempre mas gusto ko sya pag ganito sya. Lalo na at sa akin lang naman sya ganito.
"Hey, Pearl." Natawa nalang tuloy ako. Kanina pa pala ako nakatulala sa kanya. Pati tuloy sya natawa sa akin.
"Is there something you want to say to me?" Tumango tango naman ako bago lumapit ng sobrang lapit sa kanya.
"What is it? 'Cause you're making me feel kinda nervous." Ngumiti lang ako sa kanya saka sya sinagot.
"Gusto kitang i-kiss." Bahagyang nanlaki ang mga mata nya sa gulat pero agad din syang naka-recover ng makita kong ngumisi sya.
"I thought you're not like me, who's addicted to kisses?" Charot lang yun. Saka kino-control ko rin kasi ang sarili ko. Pero ngayon, gusto ko talaga eh. Gusto ko ng kiss mula sa mahal ko. Ang saya saya ko talaga.
"Pwedeng mamaya na tayo mag-talk?" Mahina naman syang natawa.
"Okay, then." Akmang ilalapit ko na ang mukha ko sa kanya pero sya na ang humalik sa akin.
***
"Hala! Nakatulog na pala kami dito!" Napatingin pako rito sa katabi ko sa kama na si Zayn.
Hay, ang amo amo talaga ng mukha nya. Mala-anghel talaga ang datingan. Nagulat naman ako ng imulat nya ang mga mata nya kaya napalayo ako.
"Good morning!" Bati ko sa kanya habang nakangiti.
"Good morning too." Ki-niss nya pa ako sa left cheek ko. Anubayan, agang aga eh. Para tuloy feeling ko, mag asawa na kami hehe.
"Are you alright?" Tanong nya. Hay, para kasing ayaw ko pang bumangon sa kama eh.
"Ok lang parang medyo pagod lang." Medyo raw. Hayss, latang lata nga ako pagkatapos kagabi. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang sakit. Pero masarap-- cheret! Anubayan. Sya kasi eh pinagod ako, sabi ko kiss lang eh.
"Just stay there. I'll cook for breakfast." Nagulat naman ako.
"Magluluto ka? Marunong ka magluto?"
"Yeah, why?" Umiling nalang ako. Bakit naman may cook pa sya? Marunong naman pala sya tapos ang hilig nya pa ring magpaluto sa akin. Pero ibig sabihin nun ah gusto nyang nilulutuan ko sya. Hehe.
Hay, nakakainis gusto ko nalang humilata rito buong araw--- saka ko lang naaalala! Hala, hindi na talaga ako nakapunta sa celebration ng birthday ni Luhan! Luh, baka lalo na syang magalit sa akin. Alam ko sinabi nyang iwasan ko sya pero.. hindi ko naman pwedeng hayaan na ganun nalang kami, diba?
Nagpaalam nalang agad ako kay Zayn dahil dun. Kahit medyo masakit pa ang buong katawan ko ay umalis na din ako.
"I'll just go to your house tomorrow." Sabi pa nya.
"Sige! Bye Zayn!"
"I love you." Bulong pa nya sa akin nang yakapin nya ako bago umalis.
"Love din kita! Sige bye bye! Ingat you ha!"
***
"Anong nangyari kagabi?" Bungad na tanong ko kay Chynna pagpasok ko ng hotel room namin.
"Eh ikaw, nasaan ka naman kagabi?" Mataray na tanong naman nya sa akin.
"Sagutin mo muna ako bago kita sagutin." Tinarayan ko rin sya sabay irap pa.
"Wag mo kong mairap irap dyan ah. Bakit wala ka kagabi? Lasing na lasing si Sir Luhan kagabi alam mo ba? Birthday nya pero hindi sya masaya, alam mo yun?" May parte sa puso ko ang kumirot dahil sa mga sinabi nya. Sinisisi nya ba ako? Kasalanan ko ba yun? Pero kasi.. naapektuhan din naman ako sa mga sinabi ni Luhan eh, pinapalayo nya ako sa kanya eh.
"Dahil ba sa akin yun?" Takang tanong ko. Bakit naman sya maglalasing dahil lang sa wala ako? Iba naman siguro ang rason.
"Ay hindi, manhid ka ba teh?" Napakunot nalang ang noo ko sa sagot nya. Hindi ko naman sya maintindihan.
"Hindi. Sabihin mo na nga lang sa akin kung nasaan si Luhan, kakausapin ko sya." At dahil hindi ko naman makausap ng matino ang kaibigan ko ay lumabas nalang agad ako ng room namin at hinanap si Luhan.
Agang aga ay nakita kong nakatayo sa tabing dagat si Luhan, sinisipa sipa pa nya ang buhangin. Gusto ko na syang lapitan pero hindi ko alam ang mga dapat kong sabihin.
Nagulat naman ako ng humarap sya sa may direksyon ko. Magtatago pa sana ako pero napagtanto kong nakita nya na ako kaya naman nilapitan ko na sya.
"Luhan.." Katabi ko na sya ngayon pero hindi sya nakaharap sa akin. Diretso lang ang tingin nya sa dagat kung kaya't ganun nalang din ang ginawa ko.
"Hindi ko maintindihan.. kung bakit mo ako pinapaiwas sayo. May nagawa na naman ba akong mali? Katulad nung dati nung inalis mo ko sa tra--"
"Wala.. wala kang nagawang mali, pero ako meron." Halos pabulong nyang sabi. A-anong mali? Lalo akong naguluhan.
"A-ano ba yun? Gusto ko sanang malaman, kung ano ba yun. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit gusto mong mag-iwasan nalang tayo."
"Hindi mo na kailangang malaman pa. Kalimutan mo nalang yung mga sinabi ko." Ano ba yun? Gusto ko talagang malaman pero ayoko naman syang piliting sabihin iyon sa akin kung ganung nahihirapan sya.
"Uhm, eh paano na Luhan? Ganito nalang ba tayo? Kakabati lang natin nung nakaraan eh tapos hindi na naman ba tayo magpapansinan? Kasi ako, hindi ko kaya eh. Mahirap sa akin na hindi kayo nagpapansinan ng kaibigan mo." Sabi ko pa. Mahirap talaga yun para sa akin at maging sya rin. Nalulungkot ako na ganito ang mangyayari sa pagkakaibigan namin.
"I'm sorry.. We'll be okay, I promise. J-just give me some time." Yun na ang mga huling sinabi nya dahil agad na rin syang naglakad palayo.
Ang labo. Ang hirap ng malabo. Hindi mo maintindihan. Hindi mo makita kung anong mali. Kaya hindi mo rin maitatama.
Pero sige, aasa nalang ako sa sinabi nya. Nangako syang magiging maayos din kami, bigyan ko lang sya ng oras kaya naman maghihintay ako.
---